bc

SAGAD (Poor Handsome Men: 9)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
30.6K
READ
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Orion ' Rio' Valdez, isang poor handsome man na may SAGAD na pagmamahal at malaking pangarap para sa kaniyang pamilya. Nag ta-trabaho siya bilang isang mekaniko sa isang maliit na talyer. Isang gabi habang pauwi ay madadaanan niya ang isang nakatigil na sasakyan. Dito niya unang makikilala ang dalagang si Georgina. Mula sa simpleng pagtulong na iyon ay magiging magkaibigan sila na di kalaunan ay hahantong sa kanilang pag iibigan. Ngunit dahil sa estado ng kanilang buhay ay sagad langit at lupa ang pagitan. Paano niya ito maipaglalaban

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Rio tapos na ba ang sasakyan ni Mr. Ramos? kukunin na daw yan mamayang hapon" tanong sa akin ni bossing, ang may-ari ng talyer kung saan ako nag ta-trabaho. "Okay na to boss, na ayos ko na ready to pick up na ito mamaya" sagot ko sa kaniya, tumango ito at nag thumbs up sa akin. Isa ako sa mga magagaling niyang taohan kaya tiwala siya kapag sinabi ko na okay na ang sasakyan. Bata palang ako mahilig na ako sa mga kotse. Noong nag car wash boy ako gustong gusto ko linisan ang mga magagarang sasakyan, nangangarap ng gising na magkakaroon din ako ng maganda at mamahaling sasakyan pagdating ng araw. Kapag walang nag papa car wash tambay ako sa talyer na ito patingin-tingin lang noong una kung paano sila mag ayos ng mga sasakyan. Hanggang sa tinuroan nila ako at ngayon nga ay isa na sa pinagkakatiwalaang mekaniko dito. Welcome kayo sa Talyer ni Macho Mekaniko. Ang sikat na pagawaan ng mga sirang sasakyan dito sa lugar namin. Dito ako nakita na hindi pala madaling kumita ng pera. Kaylangan pa naming madumihan mag ka grasa para magkapera. Ito ang legal na dirty works at literal na hard work. Pero kahit isang mekaniko lang ako masaya ako at proud sa trabaho kong ito. Hindi ko ito ikinahihiya dahil sa trabaho kong ito natutulongan ko si tatay sa mga gastosin sa bahay. Nabigbigyan ko din ng pambaon sa eskwela ang aking mga kapatid. Mapalad ako dahil mabait ang amo ko at mga ka trabaho. Para kaming isang pamilya nag tutulongan at nag dadamayan, maingay at makukulit minsan pero kapag seryoso ang usapan may kwenta din naman. Mukha lang kaming gusgosin sa trabaho pero kapag papasok at pauwi na, mukha na ulit kaming tao. Ako si Rio Valdez 25 years old at isang breadwinner sa pamilya. Ako ang panganay kaya tungkolin ko ang tumolong sa kanila. Ulila na kami sa ina kaya tulongan kami ni tatay sa paghahanap buhay. Kulang ang kaniyang kita sa pamamasada ng tricycle kaya naisipan ko dati mag car wash boy hanggang sa na promote bilang mekaniko. Baon kami sa utang dahil sa pag papagamot kay nanay kaya kayod kalabaw kami ni tatay para may pambayad at may pang gastos kami sa araw-araw. May dalawa pa akong kapatid na nag aaral kaya kaylangan ko din silang tulongan. Hanggang 2nd year college lang ang inabot ko kaya pangarap ko na makapag tapos sila ng pag aaral. Ayaw kong magaya sila sa akin kaya ang mga kapatid ko nalang ang tutupad ng pangarap ko na makapag tapos ng kolehiyo, achievement na din para sa akin ang matulongan sila na maka graduate. "Boss! na ayos ko na ang sasakyan. Ito yung susi break time lang ako." tawag ko kay mang Macho sabay abot ng susi ng sasakyan. "Sige lang wala pa namang customer, may tinapay sa ibabaw ng lamesa ko pag hatian niyo nalang" sagot niya sa akin. Mabait talaga siyang amo, kahit may edad na ito masipag parin siya sa pag papatakbo nitong talyer niya. Nag tungo ako sa opisina niya at kinuha ang tinapay sa ibabaw ng lamesa. Dinala ko ito sa labas at sakto naman na nandoon din ang iba sa labas. Tinawag ko ang mga ito at itinaas ang hawak kong supot ng tinapay. Parang mga patay gutom ang mga ito na nagsilapitan sa akin at kumoha ng tinapay. Sabagy sino ba naman ang aayaw sa libre. "Marshall bumili ka ng soft drinks dalawang bote" sabi ng pinaka matanda sa amin na si tatay Mario ito ang galante sa amin dito. Byudo na kasi ito at may mga trabaho na din ang nga anak niya. Kung tutuosin ay pwede na siyang hindi mag trabaho, pero ayon sa kaniya ay hinahanap hanap raw ng katawan niya ang mag trabaho. Maaga daw siyang mamatay kapag tumigil ito, kaya sinuportahan nalang siya ng mga anak niya. "Ayos ang sarap talaga kumain kapag libre.." saad ng matalik ko na kaibigan at kababata na si Marshall. Matanda lang ito ng isang taon sa akin pero halos sabay na kaming lumaki at nagka isip. Siya ang kasangga ko sa lahat sa kalukohan at sa problema. "Rio kamusta naman kayo? mag iisang taon na pala ang nanay mo, ang bilis lang." tanong ni mang Tony sa akin. "Mabuti naman po, kahit papaano ay nakakabangon na sa pagka wala ni nanay." sagot ko sa kaniya. "Tol mabuti hindi pa naisipan ng tatay mo mag asawa ulit. Isang taon na rin siyang tigang, mabuti nakakayanan niy- aray!" daing ng kaibigan ko dahil binatokan ito ni mang Tony. "Bunganga mo talagang bata ka parang babae walang preno" at nag tawanan ang lahat, si Marshall naman ay nag kakamot ng ulo napalakas ata ang pagkaka batok sa kaniya. Umiiling nalang ako at nakitawa sa kanila. Sa isip isip ko, kung mag aasawa man ulit si tatay ay hindi ko ito hahadlangan. Pero duda ako na gagawin niya ito, mahal na mahal niya si nanay kaya alam kong mahihirapan siyang palitan ito sa kaniyang puso. Sabuong buhay ko hindi ko nakitang nag away ang mga magulang ko. Simple lang ang pamumuhay namin pero masaya kami. Puno ng pagmamahal ang aming tahanan at pinalaki nila kaming magalang. Kaya noong nawala ni nanay para kaming nabaldado, lalo na si tatay. Para narin siyang manatay kasama niya. Mabuti nalang naka bawi rin siya agad sa depression niya at unti-unting bumabangon mula sa lungkot at sakit. Naisip namin na kaylangan kami ng mga nakababata kong kapatid kaya nag tulongan kami ni tatay sa pag papaaral sa kanilang dalawa. Ginabi na ako ng uwi dahil hinintay kong dumating ang may ari ng sasakyang ginawa ko kanina. Tumingala ako sa langit at mukhang uulan pa. Wala pa naman akong rain coat na dala. Ilang sandali lang ay bumuhos na nga ang ulan. Hindi na ako tumigil at binagalan ko nalang ang takbo ng aking motor, madulas kasi ang kalasada mahirap na madisgrasya. Sa hindi kalayoan may natatanaw akong sasakyan na nakatigil sa daan at naka hazard ito. Baka nasiraan ito, wala pa naman gaanong dumaan sa lugar na ito lalo pa at maulan. Nag pasya akong tumigil para magtanong kung may problema ba ito. Pag lampas ko ng kunti sa sasakyan ay nag park ako sa gilid bago ko pinatay ang makina ng aking motor. Tinanggal ko ang suot kong helmet at nag lakad ako papalapit sa nakatigil na sasakyan. Tinted ito kaya hindi ko nakikita ang tao sa loob. Nang nasa tapat na ako ng pintoan ng sasakyan ay kinatok ko na ang bintana. Naka dalawang katok pa ako bago ito nag baba ng salamin. Hindi ko makita ang tao sa loob dahil kunting siwang lang ng bintana ang binuksan niya. "Magandang gabi po, may problema po ba ang sadakyan niyo? naka hazard kasi kayo baka kaylangan niyo ng tulong mekaniko po ako." Pagkasabi ko na isa akong mekaniko ay binaba niya ng buo ang bintana at nagulat ako at napatulala dahil hindi ko inaasahang kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan na ito. Isang napakagandang babae pala ang nasa loob at mukhang nag aalinlangan pa ito at halatang nag pa-panic. Kung ganito ka ganda naman pala ang tutulongan ay sulit lang ang mabasa sa ulan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
61.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
281.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
82.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.6K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
108.7K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
71.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook