Chapter 6

1237 Words
Simula noong nag punta sa talyer si Georgina at naging magkaibigan kami ay lagi na kaming nag kakausap sa chat. Halos araw araw kaming nag papalitan ng good morning at good night sa isat-isa. Kaya naman ganado ako gumising dahil inaabangan ko lagi ang mensahe niya sa akin. Teenager na kung teenager basta kinikilig ako sa tuwing nakikita ko ang mga mensahe niya sa akin. Kahit mga simpleng pagbati lang naman ang mga ito, pero ang saya na ng puso ko dahil dito. Nag aayos na ako ng aking gamit para sa trabaho, nag dadala kasi ako ng extrang damit para pamalit ko. Bumaba na ako at na datnan ko ang aking mga kapatid na nag hahanda na para pumasok sa eskwela. "Good morning kuya, aalis na kami bye!" bati ng aking mga kapatid sabay halik sa aking pisngi. Ang sweet talaga ng mga kapatid ko malambing parin ang mga ito kahit na malalaki na sila. Yung ibang mga bata kasi nahihiya na kahit sa mga magulang hindi na nag lalambing. Ako ang laging huli umaalis ng bahay dahil 8 am pa naman ang pasok ko sa talyer. Kaya pag naka alis na sila ako na ang naglilinis ng bahay namin. Pinalaki kasi kaming marunong sa gawaing bahay. Naalala ko dati pati pag lalaba itinuro sa akin ni nanay. Dapat hindi lang ang babae marunong mag laba dapat alam din raw ito ng mga lalaki. Kaya kahit si Hannah na lang ang babae sa bahay ay maayos parin ito at malinis. Hindi nakakahiya kapag may biglaang bisitang dumating. Tinignan ko ang mga nakatakip na pagkain sa lamesa. Mayroong pritong itlog, talong ,tuyo at sinangag na kanin "Sarap." anas ko dahil ito talaga ang paborito kong agahan, samahan mo lang ng ketsup at kape solve na. Panis ang fine dining kapag ito ang pagkain sa harapan ko. Nag hugas na ako ng kamay ay kumoha ng plato. Magana akong kumain dahil inspired na naman. Nag reply na kasi ng good morning si George kaya kinikilig ang betlog ko. Kakaiba talaga epekto niya sa akin, partida sa chat lang kami laging nag uusap. Nahihiya kasi akong tawagan siya, pero shít na malagkit nag ring ang cellphone ko at si Georgina tumatawag ngayon. Baka may emergency kaya sinagot ko ito agad. "Hello, good morning may problema ba?" sagot ko sa kabilang linya. "Hi Rio good morning. Wala namang problema, hindi kasi ako maka pag type nag mamaneho ako kaya tinawagan nalang kita. May itatanong lang sana ako sa'yo. Pwede ka ba sa sabado? Birthday kasi ni Ron at gusto niya i-invite ko kayo, isama mo na din si Marshall para hindi ka mahiya. Ano makakapunta ka ba?" tanong niya sa akin. Ang lapad ng ngiti ko dahil magkikita ulit kami. Kahit na andoon ang sinasabi niyang Ron binaliwala ko na lang dahil mas excited ako na makita siya ulit. "Sige! sure! pupunta kami ng kaibigan ko. Saang lugar ba ang party?" tanong ko. "That's great! sige later I'll send you the details hindi ko pa kasi alam. See you on saturday then, ingat ka sa work mo bye Rio." para akong asog tanga naka ngiti at naka tulala habang nag go-goodbye sa kaniya. Lakas maka tanga ang huling mga sinabi niya ingat daw ako sa work. Lalo naman kinilig ang puso ko nang mismo naring ko ito sa kaniya. Iba talaga ang dating ng marinig mo ang boses kaysa sa chat lang. Hinugasan ko ang kinainan ko at pagkatapos ay kinuha ko na ang tuwalya dahil maliligo na ako. Pa kanta kanta at pasipol sipol pa ako habang naliligo. Walang makakabasag ng good mood ko ngayong araw. Pagdating ko sa talyer nakita ko ang kaibigan ko kaya sinabihan ko ito tungkol sa party na pupuntahan namin. Agad naman siyang pumayag at ang saya ng hampaslupa dahil makakakain na naman daw ng libre. Buong araw magaan ang pakiramdam ko, kahit nakakapagod ang trabaho nakangiti parin ako. Para daw akong tanga sabi ng kaibigan ko. Hindi ko lang siya pinapansin, ayaw kong magalit ngayon dahil masaya ako. Tumawag kasi ulit si Geogina para sabihin ang detalye sa party ng kaibigan niya. Isa sa rason bakit ako masaya dahil binanggit niyang kaibigan lang ang Ron na iyon. "Alam mo tol, iba na talaga tama sa'yo ni miss ganda. Nakakapanibago na ang kilos mo mula noong nakilala mo siya. Hindi ka naman ganiyan sa ibang mga babae. Sabihin mo nga ang totoo may gusto ka sa kaniya noh!?" tanong ni Marshall sa akin. Nag kibitbalikat lang ako dahil kahit ako hindi ko alam ang dahilan. Basta masaya ako kapag nag kakausap kami sa chat, kumpleto na ang araw ko kapag narinig ko ang boses niya at kinikilig ako kapag na iisip siya. "Hindi ko alam tol, basta masaya ako kapag kausap ko siya." maikling sagot ko sa kaniya. "Kung sabagay, sa hitsura at ugali palang ni miss ganda ma i-inlove ka talaga. Manhid ka na kung hindi ka pa hahanga sa kaniya." seryoso niyang sabi. Naputol ang pag uusap namin ng may tumawag sa akin. "Hi Rio, may dala akong meryenda cup cake para sa'yo, pinasubrahan ko na din 'yan para sa mga kapatid mo." mahinhin na sabi Jessa, isa ito sa mga hayagang nag papakita ng kanilang pag hanga sa akin. Maganda naman ito maputi at may pinag aralan, isa itong pharmacist sa isang sikat na drugstore dito sa amin. Pero katulad lang ng iba kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. "Salamat Jessa, hindi ka na sana nag abala pa nakakahiya sa'yo" saad ko sa kaniya. "Wag mo na isipin hindi ka naman abala. Siya nga pala Rio gusto sana kitang i-invite sa birthday ko ngayong darating na sabado." "Naku! pasensya ka na Jessa may pupuntahan din kaming party ni tol Rio ngayong sabado. Kakatawag nga lang ni miss ganda at nag confirm na kami na pupunta kami." Sabat ng kaibigan ko na nasa likod ko pala. Nakita ko ang pag lungkot ng mukha ni Jessa. "Ganoon ba, sayang naman magluluto pa naman si mama ng paborito mong Kare-kare." sabi niya at nakatingin ito sa akin. "Pasensya na Jessa, nauna kasi silang mag imbita, bawi nalang ako sa susunod" lalong na lungkot ang mukha nito. "Okay lang sasusunod nalang, sige Rio Marshall aalis na ako." saad niya na may halong lungkot ang boses. "Salamat ulit sa cup cake, ingat ka Jessa." sabi ko sa kaniya at ngumiti lang ito at kumaway. "Iba talaga tama sa'yo ni Jessa, ang tagal na niyang nanliligaw sa'yo hindi mo parin binigyan ng pagkakataon. Sabagay kung siya o si miss ganda hindi ako mag dadalawang isip piliin si miss Georgina. Kumpletos rekados may kasama pang sarsa kaya hindi nakaka umay." Binatokan ko ito dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. "Pinagsasabi mo ha? gusto mo hindi kita isama sa party ha!" "Ito naman hindi na mabiro, ang ibig ko lang sabihin ay kung hanap mo ay perpektong jowa doon ka nalang kay miss ganda. Kumpletos rekados dahil hindi lang ganda ang meron dahil mabait, magalang ,mayaman at masarap.....kasama" binato ko siya ng hawak kong pamunas. Tumakbo naman ito kaya na iwasan niya ang pamunas. Kung ano ano nalang talaga sinasabi ng lalaking ito. Ayaw ko bigyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni George, malabong magkagusto siya sa akin dahil sa mundo niya mas marami ang mas nakakahigit sa akin. Mas gwapo, macho at mayaman, wala akong maipag mamalaki kaya magiging kuntento nalang ako sa pagiging magkaibigan lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD