Chapter 8

1170 Words
Kanina pa ako nakahiga pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Humiga ako ng maayos at nag pakawala ng malalim na hininga. Hindi ma wala sa isipan ko ang nangyari kanina sa bar. Ang mga sinabi ni George at- Napa hawak ako sa aking labi, inaalala kung gaano ka lambot ang kaniyang mapupulang labi. May halong panghihinayang dahil sa naudlot naming halikan, pero kahit ganoon paman. Nag diriwang ang aking puso dahil nalaman ko na iniisip rin pala niya ako lagi. Na kung ano ang epekto niya sa akin ay ganoon rin ang kaniyang nararamdaman. Bumangon ako at umopo sa higaan, nakita ko ang aking cellphone sa gilid at kinuha ko ito. Pagbukas ko ang magandang mukha niya agad ang makikita sa screen saver ko. Kuha ito kanina sa party, hindi kasi ako marunong mag picture kaya kinuha niya ang aking mumurahing cellphone at nag selfie siya dito. May picture din na kaming dalawa lang, para may remembrance daw ako sa kaniya. Nag bunyi ang puso ko sa kilig dahil pinag bigyan ni crush. Kamusta na kaya siya kanina kasi matapos nilang mag usap ng mommy niya ay agad itong nag paalam sa amin at nag mamadaling umowi. Ang sabi niya lang ay pinapatawag siya ng Daddy niya. Mukhang takot ito sa kaniyang daddy kaya ganoon nalang ang pag mamadali niya. Nang maka uwi si Georgina ay hindi nag tagal sumunod nadin kaming umowi. Nagpaalam kami kay Ron na mukhang lasing na, nagpasalamat pa siya sa amin at bigla nalang humalik sa pisngi ni Marshall. Mukhang may love triangle pang magaganap kaya hinila na ito ni mike palayo sa amin habang tumatawa. Umalis na kami sa bar at umowi. Nakita ko naka ilaw ang messenger ni George tanda na online ito. Naisipan kong mag message sa kaniya. Kinamusta ko lang siya kung maayos ba siyang naka uwi. Nag hintay lang ako ng ilang minuto bago nagkatanggap ng reply niya. [ Thank you for your concern Rio, maayos naman akong naka uwi. Natulog na si dad padating ko sa bahay kaya bukas nalang kami mag uusap. How about you? are you still enjoying the party? ] [ Mabuti naman kung ganoon, naka uwi nadin kami sa bahay. Lasing na si Ron noong nag paalam kami sa kaniya.] Nag palitan kami ng chat hanggang sa hindi ko na natiis ay tinawagan ko na siya. Gusto kong kausapin siya tungkol sa halik namin na naudlot at para mag sorry na din sa kaniya. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag ko. "Hi Rio, bakit ka tumawag hindi ka pa ba inaantok?" bungad niyang tanong sa akin. "Hello George, gusto ko lang marinig ang boses mo, hindi pa naman ako inaantok. May gusto din akong sabihin sa'yo." narinig kong mahina siyang tumawa sa sinabi ko. "Palabiro ka talaga Rio, anong gusto mong sabihin sa akin?" humogot muna ako ng hininga bago nah salita. "Tungkol kanina, pasensya na sa kapangahasan ko. Hindi ko intensyon na mangyari 'yun pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko." ilang sigundo muna siyang tumahimik bago nag salita muli. "I understand Rio, I'm sorry too nadala lang rin ako sa alcohol na nainum ko kaya nawala ang control ko sa sarili. Wag mo nalang isipin yung nangyari, can we still be friends naman diba!?" Ouch kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko matanggap na ganun nalang kalimotan ang nangyari. First kiss ko kaya 'yun dapat bigyan ko ng hustisya at ipaglaban ang aking nararamdaman. "George ang sabi ko hindi ko ito pinagsisihan. At kung pahihintulotan na mangyari ito muli hindi ako mag dadalawang isip na gawin ulit iyun." saad ko sa seryosong boses para malaman niyang hindi ako nagbibiro. "H-hindi ko alam anong isasagot ko Rio. This is all new to me, it was supposed to be my first kiss and you stole it. But how can I demand If I'm the one who spoils the moment!" sagot niya na ikinatuwa ko. "Kung ganoon pala kaylang mo din pangutan ang first kiss ko" at narinig ko siyang tumawa. "George pwede ba kitang yayain lumabas?" naputol ang kaniyang tawa nang marinig ang sinabi ko. Kinabahan ako dahil baka tumanggi ito. "S-sure...sige no problem. Sabihinan mo lang ako kung kaylan." ang ngiti ko ay abot hanggang tenga sa sagot niya. "Bukas ng hapon pwede ka ba?" tumawa ito ng mahina. "Thank you for making me laugh Rio. Sige bukas 4pm message mo nalang ako kung saan tayo magkikita. Its getting late na, goodnight Rio bye." "Bye George, goodnight sweet dreams." nakangiti kong sabi habang nag papaalam sa kaniya. Ang saya ko dahil pumayag siya na lumabas kami. Pero bigla akong napaisip dahil padalos dalos na naman ang aking puso nag desisyon ito ng kusa at agad niyaya siyang lumabas. Inalis ko ang agam agam sa aking isipan, hindi ko na ide-deny pa totoong gusto ko nga siya. Kahit ano paman ang estado namin sa buhay magsisikap ako para maging karapdapat sa kaniya. Napahawak ako sa aking dibdib, ito naba ang sinasabi nilang pagibig. Mukhang tinamaan na nga yata talaga ako, hindi ko akalain na sa babaing sagad layo ang pagitan ng aming mundo. Pero sabi nga ng kaibigan ko walang sarap kung walang hirap. Wala mang kasiguradohan ay tataya ako sa unang pagkakataon. Nakangiti akong humiga, at hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Kinabukasan tinanghali na ako ng gising, pag mulat ko ng mata ay kinuha ko agad ang aking cellphone ang nag tipa ng mensahe para kay George. [ Good morning beautiful lady, have a nice day",) ] Hindi ko na hinintay ang reply niya at bumaba na ako. Pa sipol sipol akong nag timpla ng kape. "Mukhang maganda ang gising mo anak ah!" sabi ni tatay na bigla nalang sumolpot galing sa likod bahay, nakangiti ito at may hawak din mug ng kape. "Maganda umaga tay, maganda talaga ang umaga lalo pa at may pagkain sa lamesa." Sabi ko na ikinatawa naman niya. Tumonog ang cellphone ko kaya sinilip ko ito. [ Good morning too Rio, have a nice day ahead see you later.] may narinig akong tumikhim kaya napabalik ako sa wisyo. "Anak mukhang iba na ang mga ngitian mo na ganiyan. Sabihin mo nga may napupusoan ka na ba yang pihikan mo na puso o baka may nililigawan ka na!?" saad ni tatay. Nginitian ko lang siya at tumango ako. "Mamaya tay magkikita kami, hindi ko pa nililigawan pero mukhang siya na nga ang gusto ng pihikan kong puso." tinapik ni tatay ang aking balikat at malapad ang ngiti nito sa akin. "Kung sino man 'yan anak tanggap na agad siya sa pamilyang ito. Dalhin mo dito minsan sa bahay para makilala namin at makita kung sino ang mapalad na dalaga na bumihag na puso ng aking poging binata." "Salamat tay, sa susunod dadalhin ko siya dito at ipapakilala ko siya sa inyo." Tanghali palang nag handa na ako para sa unang date namin ni Georgina, excited ako dahil ito ang unang beses na lalabas ako kasama ang babae na kaming dalawa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD