Chapter 5

1569 Words
Georgina's POV Nag mamadali kaming umalis ni Ron dahil padating na sa site si Daddy at ang ibang mga board members. May ground breaking kasing magaganap ngayon sa bagong hotel na itatayo sa lugar na ito. Binilisan ng kaibigan ko ang takbo ng sasakyan dahil hindi pwedeng mauna sila kaysa sa amin. Tiyak kasi mapapagalitan na naman ako, kahit sa maraming tao ay wala pa namang sinasanto ang tatay ko kapag gusto niya akong pagalitan ay gagawin niya talaga. Wag lang may camera dahil bukod sa kayamanan niya ay iniingatan niya din ang kaniyang imahe. "Girl sino yung hot papa na kausap mo sa talyer kanina? Siya ba yung sinasabi mong mr. mechanic na tumolong sa'yo noong nasiraan ka?" tanong ni Ron sa akin. "Oo girl, siya nga 'yong na kwento ko saiyo na tumolong sa akin. Mabuti nalang talaga tama ang napag tanongan ko kanina." sagot ko naman dito. "In fairness tama ka nga pogi nga siya, at ang hot niya! mas lalo na siguro kapag nakita nating naka topless, tapos may kunting grasa siya sa katawan at naliligo ng pawis. Alam mo 'yung kahit madumi pero yummy, parang nasa mens magazine ang peg. Hot poor men ang dating pero ang katawan at hitsura ay yayamanin." Kinikilig niyang sabi habang nag da-drive. Hindi na ako nag salita pa at hinayaan nalang siyang mag day dreaming. Sabagay totoo naman kasi ang sinasabi niya iba nga ang dating ni Rio. Hindi ko alam bakit hinanap ko pa siya, pwede naman na ipahatid ko sa driver namin ang sasakyan ko sa casa pero mas pinili ko ang hanapin siya at sa kaniya ipaayos ito. Magaan ang loob ko sa kaniya at simula noong tinulongan niya ako palagi ko na siya g naiisip. Nakarating na kami sa site mabuti nalang ay sakto pag baba namin ay nag sabi ang isang staff na papasok palang ng village sila daddy at mga kasama nito. Nakahinga ako ng kunti sa binalita niya. Tinignan ko ang buong program at nag double check ako dito. Perfectionist kasi si daddy at ayaw na ayaw niya ang pumapalpak ka sa trabaho mo, makakatanggap ka ng hindi magandang salita mula sa kaniya at agad agad tinatanggal niya ito sa trabaho. Kaya kapag nandiyan siya ay takot ang lahat ng mga empleyado. Nang maayos ko na at ma check ay sakto naman ang pagdating nila. Maraming press ang invited kaya mula pagbaba sa sasakyan ay malapad ang ngiti ng aking mga magulang. Kung titignan mo sila ang example ng power couple, ang mag asawang makapangyarihan at magagaling sa larangan ng negosyo. Tinitingala at hinahangaan ng marami. Ganiyan ang imahe na pinapakita nila sa lahat, bilang anak proud ako sa mga na achieve ng aking mga magulang. Ang hindi lang ako proud ay ang kanilang mga totoong ugali kapag walang camera na nakaharap. Hindi ako sangayon sa klase nga pag trato nila sa kanilang mga taohan, kaya lang ano naman ang laban ko kung ako na mismong anak nila ganiyan din kung tratohin nila. Wala lang nakakalabas na balita tungkol dito dahil marami silang connection at mabilis nilang napapatahimik ang media. Maayos ang naging program at walang naging problema. Maaga ito na tapos kaya maaga kaming makaka uwi. Nag pahatid nalang ako kay Ron sa talyer nila Rio, hindi na ito bumaba dahil may urgent itong ka meetup. Naiinis ang bakla dahil excited pa naman sana siyang makilala si Rio. "Next time girl, ipapakilala na kita sa kaniya kapag hindi ka na busy at nag mamadali." naka busangot ang kaniyang mukha. Na iinis kasi ito dahil pinag mamadali ng kaniyang mommy. Matalik kaming magkaibigan ni Ron, simula pa noong elementary ay magkakilala na kami dahil sa magkaibigan ang aming mga magulang. Isa ako sa unang naka alam na may pusong babae ito mapalad siya dahil tanggap siya ng kaniyang mga magulang. Kung titignan mo siya para talaga siyang tunay na lalaki pero ang totoo ay mas babae pa itong kumilos at umasta kaysa sa akin. Palagi kaming napag kakamalang mag jowa dahil sa parati kaming magkasama. Lalo na sa mga taong hindi alam ang gender preference niya. "Thank you sa paghatid, bye baks ingat sa pag da-drive" paaalala ko sa kaniya sabay beso. "Text me if hindi pa okay ang sasakyan mo ha! para masundo ka agad. Send my I love you to papa Rio...bye gurl" tumango lang ako nag flying kiss sa kaniya at sinarado na ang pinto ng sasakyan. Ang harot talaga ng bakla humirit pa, kahinaan niya kasi ang mga machong pogi kaya ganun nalang ang reaction nang makita si Rio sa personal. Nakita ko agad si Rio kaya kumaway ako dito. Lumapit siya para salubongin ako at oh damn! kung anong sinabi ni bakla kanina ganun nga ang hitsura niya ngayon minus the topless scene dahil naka sando ito ng fit pero kitang kita ang bakat ng kan'yang abs at ang pumoputok niyang mga biceps. Na corrupt na ni bakla ang utak ko, nagiging mahalay na din ata ako mag isip. "Hi, okay na ba yung sasakyan?" tanong ko sa kaniya. "Ah Oo! okay na nilinis ko lang at may pinalitan na mga minor parts, maganda na ulit ang takbo nito." Sagot niya sa akin. Tinesting pa niyang paandarin ito at mas maganda na nga ang tunog ng makina nito ngayon. "Andiyan na pala si miss ganda, sakto break time nag luto ng pancit si Dory." rinig kong sabi ni mang Macho. Nakita kong may sinalubong siyang medyo may edad na babae at kinuha ang dala nitong bilao. "Miss Georgina mag huhugas lang ako at mag-bibihis, hintayin niyo ako saglit dito" sabi ni Rio sa akin, tumango lang ako at umalis na din siya agad. Rinig ko ang pagtawag sa akin ng may edad na din na lalaki, mukhang ito ang tinatawag nilang tatay Mario. Kumaway siya muli sa akin at pinapalapit niya ako sa kanilang pwesto. Nahihiya man ay lumapit narin ako at binati silang lahat. "Ka gandang dalaga naman nito. Mukha at ayos palang ay alam mong galing sa mayaman, iha kumakain ka ba ng ganito? iba ang lasa nito sa normal na luto ng pancit. Ito ang specialty ko pancit chami kaya nawa nagustohan mo. Marshall bigyan mo ng plato si ganda, mamaya ka na sumandok diyaan!" sabi ng matandang babae. "Ito pala ang asawa ko si Dori, lahat kaya niyang lutoin at hindi lang siya ang masarap pati ang luto niya ay masarap din." Pag papakilala ni mang Macho sa kaniyang asawa. "Nanay Dori nalang iha, wag ka maniwala sa mga sinasabi ng matandang hindi na macho na iyan, matamis masyado ang dila kaya may diabetes" natawa ako sa mga banatan nilang magasawa, ang cute lang nila tignan. "Paborito ko po ang pancit nay Dori lalo na ang pancit chami." sagot ko sa matanda. "Talaga miss ganda? lugaw kumakain ka din ba?" tanong sa akin ni Marshall. "Oo naman masarap ang lugaw na maraming bawang at may chicharon." sagot ko sa kaniya. "Talaga! may kilala din kasi akong paborito ang pancit at gusto ang lugaw na maraming bawang. Pogi din 'yon at matangkad. Mabait at masipag, malaki at may maipagmamalaki pero hindi pa nga lang nakakasagad." nag tawanan silang lahat at si nanay Dori ay binatokan si Marshall. Hindi ko sila maintindihan, mabuti nalang at dumating na si Rio. May suot na siyang t-shirt at nag palit din siya ng pantalon niya. Fresh na siya ulit tignan. Masaya kaming nag kainan at nag kwentohan. Nakakatuwa ang kanilang samahan, para silang tutuong pamilya. Hindi ko maiwasang i-kumpara ito sa pamilya ko, mas masarap kumain kapag ganito ang kasama mo sa hapagkainan. Napangiti ako ng mapait dahil hindi ko ito naranasan kasama ang mga magulang ko. "Okay ka lang ba?" napalingon ako sa nag tanong, si Rio pala na nasa aking tabi. Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. "Oo okay lang ako. Nakakatuwa lang kayong pag masdan, ang close niyo sa isat-isa." mahina kong sagot sa kaniya. "Sa bahay niyo ba hindi kayo ganito? sama-samang kumain nag uusap at nag tatawanan?" umiling ako bilang sagot ko. Iniba ko na ang aming usapan dahil hindi ako kumportable na mag kwento ng aking personal na buhay. "Maraming salamat po sa masarap na pancit nay Dori, salamat rin po sa inyong lahat. Mag papaalam na po ako, baka ma traffic kasi ako sa daan." paalam ko sa kanilang lahat. "Welcome ka na pumasyal dito iha at ipagluluto ulit kita ng paborito mo wag ka mahihiya." sabi ni nanay Dori at hinagkan niya ako. Sinamahan ako ni Rio papunta sa aking sasakyan. "Thank you Rio for fixing my car. Hope to see you again." kahit ako sa aking sarili ay nabigla bakit iyun ang nasabi ko. Nakita ko siyang ngumiti sa sinabi ko kaya napangiti narin ako. "Oo naman pwede ka bumalik dito sa talyer kahit walang sira ang sasakyan mo. Pwede mo din akong i-text kapag may emergency ka sa daan, pupuntahan agad kita promise. Wag ka mag dalawang isip nahumingi ng tulong magkaibigan na naman tayo diba!?" malapad na ngiti ang ginawad ko sa kaniya. "Yeah, magkaibigan na tayo kaya just call me George or Georgina. Walang miss o maam. Okay?" tumawa siya sa sinabi ko. Masaya akong umalis at hindi ma alis ang ngiti sa aking mukha dahil sa saya. Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga bagong mga kaibigan. Kahit sa napaka ikli lang ng oras ay genuine ang saya ko na kasama ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD