Chapter 4

1297 Words
Pagod akong umowi sa bahay namin, diretso ako umakyat sa kwarto ko at nag bihis ng pambahay. Humiga muna ako sa aking kama, hindi pa naman ako inaantok, gusto ko lang mapahinga ang aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam malapat ang aking masakit na likod sa higaan. Napalaban kami ngayong araw, marami kasing gawa sa talyer at puro rush ang mga ito. Hindi din namin matanggihan ang mga customer dahil mga suki na ito ng shop. Ang hirap talaga kumita ng pera buong araw mong kayod at pagod katumbas lang ay ilang daan. Pero kahit ganoon ay mapalad parin kami dahil may naiuuwi kaming pera para sa pamilya. Nakakapag ipon at may pambili ng pagkain. Hay!! kung sana mayaman nalang ako, hindi sana kami kayod kalabaw ni tatay ngayon. Sabi ko sa aking sarili. Bigla kong naisip ang babaing tinulongan ko na si Georgina. Kasing ganda niya ang kaniyang pangalan. Mukha siyang mamahaling kristal na dapat ingatan at alagan. Ang amo ng mukha niya, halatang galing ito sa mayamang pamilya pero mukhang mabait ito at hindi mayabang. Magkikita pa kaya kami? kaylan kaya ulit mag krus ang landas namin, makikilala pa kaya niya ako kapag nangyari iyon? nag buntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko. Mukhang imposible na itong mangyari, at hindi na ako aasa pa na magkikita pa ulit kami. Bigla nalang tumonog ang cellphone ko hudyat na may nag text. Inabot ko ito mula sa maliit kong lamesa sa gilid ng aking higaan. Tinignan ko kung sino ang nag text, si Marshall lang pala at nag aayang makipag inuman. Tinanggihan ko ito at sinabing pagod ako. Mabuti nalang at hindi na nangulit pa at namilit, minsan kasi maligalig ang taong iyon at pilit akong isinasama sa mga kalukohan niya pati sa mga pambababae niya dinadamay niya ako. Kaya kahit wala akong karanasan sa mga babae at kahit wala pa akong naging ka relasyon ay may mga alam ako sa kung ano ang mga kahinaan at mga gusto nila pagdating sa pagapapaligaya. Hindi naman ako ganoon ka inusente suki din ako sa po*n h*b. Pero hindi pa ako na tuksong gawin iyon sa isang babae. Para sa akin kasi gagawin ko lang ang bagay 'yon sa babaeng mahal ko. Mag kakamay nalang ako kapag nalilibogan ako, pero ang gumamit ng babae para maalis ang init ko sa katawan ay hindi ko naiisip at magagawa. Wala namang problema sa akin kung virgin o hindi. Basta mahal namin ang isa't-isa 'yon lang sapat na. Malayo palang nakikita ko na may magarang sasakyan naka parada sa labas ng talyer. Baka may VIP siyang customer. Tumingin ako sa aking relo at 9:15 na ng umaga. Tinanghali kasi ako ng gising kaya ngayon lang ako papasok sa trabaho. Pinark ko ang aking motor sa gilid at balak ko sanang mag time in muna pero nakita ako ni mang Macho. "Oh! andiyan na pala ang pogi kong bata! Rio, bakit ngayon ka lang? May nag hahanap sa'yo si miss ganda, naku baka naman nabuntis mo iyan at tinakasan mo! Sinasabi ko sa'yo Rio malalagot ka talaga sa tatay mo at sa akin, kagandang dilag pa naman sasayangin mo lang." umiiling iling na sabi ni mang Macho. "Boss wala nga akong nililigawan paanong may mabuntis. Wala din po akong kilalang miss ganda, pwera nalang kung si-" Hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko at mabilis akong tumakbo papunta sa harap ng shop. Hindi nga ako nag kamali siya nga at wala nang iba. Ang nag iisang maganda sa paningin ko at laging gumogulo sa utak ko. Bakit nandito siya sa shop at paanong hinahanap niya ako? "Oi Rio! kanina kapa namin hinihintay!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Marshall. Malakas ang kaniyang boses kaya napalingon silang lahat sa akin. Nakita ko din ang pag lingon ni Gergina sa akin, hanep lakas maka teenager kinikilig ako. Nakangiti siyang kumaway sa akin, na nanaginip ba ako? baka naman namamalikmata lang ako ngayon?! kung ano man ito wag sana ako magising sa napakagandang imagination na ito. "Ang ganda niya noh!? Saan kayo nagkakilala ni miss beautiful? Marami kang ipapaliwanag sa akin, pero mamaya nalang kita tanongin sa ngayon lapitan mo na siya at kanina pa yan nag hihintay sa gusgosin niyang prince charming." Bulong sa akin ng aking matalik na kaibigan, hindi ko man lang namalayan nasa tabi ko na siya dahil sa naka focus lang ako sa nag iisang magandang tanawin sa aking harapan. Napa iling nalang ako sa mga sinabi ni Marshall, mukhang totoo nga ito at hindi isang imagination lang. Ngitian ko siya pabalik at mabilis na nag lakad palapit sa kaniya. "Miss Georgina! bakit kayo nandito? paano mo nalaman na dito ako nag ta-trabaho?" tanong ko sa magandang dalaga. "Hi Rio, it's nice to see you again. Nag hahanap kasi ako kung saan may malapit na auto shop dito tapos sakto naman nakita ko si mang Macho siya pala ang may-ari. Nag tanong ako sa kaniya kung may kilala siyang Rio na mekaniko sabi niya dito ka daw nag ta-trabaho. Akala ko nga baka maling tao ang tinutukoy nila." Masayang sabi niya pero, wala akong maintindihan dahil sa mukha niya lang ako naka tingin. Mapapatulala talaga ako sa kaniyang kagandahan. "Sana all hinahanap, sana all nginitian at sana all naka nga-nga. Takpan mo bibig mo tol, tulo laway kana!" pang aasar sa akin ng kaibigan ko. Hinawakan ko naman ang aking bibig baka may laway nga, mapang asar talaga ang taong ito kaya binatokan ko siya. Narinig ko ang mahinag pag tawa ni Georgina na kalimotan kong nandito pala siya. "Pasensya ka na, makulit talaga itong kaibigan ko. Bakit ka pala nandito? may problema ba ulit ang sasakyan mo?" tanong ko sa kaniya. "Ah, wala naman naalala ko kasi sinabi mo noong inayos mo yung sasakyan ko na dapat ipa check ko ito. Kaya bumalik ako para patignan sana ito saiyo." sagot niya sa akin. "Oo nga, sige pwede mo munang iwan ang kotse mo dito para ma check ko, balikan mo nalang mamaya kahit mga hapon na." saad ko, may sasabihin pa na siya pero na tigilan ito ng may isa pang magarang sadakyan ang dumating. Kinawayan niya ito at sumenyas ng saglit lang, may isang lalaking lumabas mula sa driver seat at nag lakad papalapit kay Georgina. "Okay Rio balikan ko nalang mamaya yung sasakyan ko. May pupuntahan lang muna kami. Ito pala ang susi ikaw na ang bahala." pag papalaam niya sa akin. Hindi na ako nakapag salita at tumango nalang ako at kumaway sa kaniya. Mukhang nag mamadali na sila at inalalayan pa siya ng lalaki para pumasok sa sasakyan nito. Ngayon ko lang napansin na naka pang opisina pala ang suot niya kagalang galang siyang tignan. Kumirot ang puso ko isiping baka boyfriend niya iyon. sabagay may hitsura naman ang lalaki. Mukhang mas bagay pa nga sila dahil mukhang mayaman din ay may ibubuga ang dating nito. Mag buntong hininga nalang ako habang naka tingin sa sadakyang papalayo. "Fake news pala...iba pala ang boyfriend ni miss beautiful, hindi pala ang manok natin." rinig kong sabi ni mi tatay Mario. Pinag kaisahan na naman ako ng mga ito. "Ano na Rio!? Check mo na ang sasakyan ng jowa mo. Wag mo isipin yung kasama niya wala namang sinabi na boyfriend niya iyon. Malay mo manliligaw pa lang, kayang kaya mo yung ungosan. Mas pogi ka kaysa sa lalaking iyon. Mas mukha nga lang siyang mabango at mukhang mayaman kaysa sa'yo pero mas pogi ka pa din doon. Sabi ni mang Tony. Hindi na akk sumagot at nag umpisa nalang akong mag trabaho. Hindi naman ako umaasa. Masaya na akong nagkita ulit kami. Bumalik na ang sigla ko nang maisip ko ulit ang nakangiti niyang mukha. Gagawin ko nalang siyang inspirasyon, para ganahan akong mag trabaho ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD