Ako ang nag hatid ngayon sa aking dalawang kapatid papuntang eskwelahan. May umarkela kasi kay tatay ng maaga kaya ako nalang ang bag presenta na maghahatid sa kanila.
Tumigil kami sa tapat ng gate ng paaralan at bumaba na sila sa motor "Bye kuya, salamat sa pag hatid" saad ni Hannah. Dali daling lumapit sa akin si Jasper at may ibinulong ito.
"Kuya papalapit yung teacher ko sa Math kindatan mo para hindi ako tawagin mamaya sa recitation. Matagal na daw siyang nay crush sa'yo, narinig ko kasi noong nag kwentohan sila ng teacher ko sa Pilipino. Kilig na kilig nga siya habang binanggit ang pangalan mo" Gusto kong tumawa sa sunabi niya, naoa chismoso talaga ng batang ito. Pagsasabihan ko sana ito kaya lang napansin ko na nasa harapan na namin ang teacher na sinasabi niya.
"Hello Rio, kamusta ka na? Ngayon lang ulit kita nakitang nag hatid sa mga kapatid mo" naka ngiting bati ni Honey sa akin, Oo Honey talaga pangalan niya at kilala ko siya dahil mag ka-klase kami noong highschool pa kami.
"Mabuti naman ako Honey, wala kasi si tatay kaya ako muna ngayon ang nag hatid sa mga kapatid ko." sagot ko sa kaniya at nginitian rin ito. Napapansin ko nga noong nasa highschool pa kami na may paghanga ito sa akin, kaya lang mula paman noon ay wala talaga akong interes sa mga babae. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanila.
Hindi na ako nag tagal pa at ako na ang naunang nag paalam sa kanila, mukha kasing ayaw pa umalis ni Honey at gusto pang makipag usap ng matagal. Pagkadating ko sa talyer sakto may mga costumer na nag aabang. Mukhang magiging abala kami ngayong araw na ito, marami ang mag papaayos ng kanilang mg sasakyan.
Georgina's POV
Hindi ko alam kung anong lugar na itong pinasokan kong daan. Ito kasi ang tinuro noong aling pinag tanongan ko kanina. Mabagal lang ang takbo ng sasakyan ko ng bigla nalang itong tumigil at namatay ang makina.
"Shít! anong nangyari? bakit biglang namatay!?" sinubokan kong paandarin ulit ito pero ganoon parin namamatay agad ang makina.
"No no no...." nag papanic na¹ ako dahil biglang bumuhos ang ulan. hinanap ko ang aking cellphone para tawagan ang aming driver at mag papasundo nalang
ako. Pero kapag minamalas ka nga talaga wala pang signal ang lugar na ito. Nag papanic na ako, at hindi ko alam anong gagawin. Kaylangan ko nang maka uwi bago mag dilim, wala pa naman akong nakitang mga sasakyang dumaan dito.
Nasa 30 minutes na akong naghihintay ng milagro, Lord padalhan mo naman ako ng knight and shining armor, I'm in distress right now. Anas ko sa aking isipan. Ilang saglit lang may nakita akong naka motor,akala ko ay nadidismaya ako dahil nilampasan lang ako. Pero bigla itong tumigil sa hindi kalayoan, bumaba ito at bigla naman akong kinabahan. baka rapist ito o masamang tao, naisip ko kasi yung mga riding in tandem pero nag iisa lang siya baka hindi naman siguro. nag lalaro ang isipan ko.
Nag tanggal ito ng helmet, shíiít na malagkit ang hot niyang tignan.... simple lang naman ang kilos niya pero parang nag slow motion ang galaw at parang nasa men's magazine ang dating niya, lalo akong napa nganga nang mag umpisa itong maglakad papalapit sa sa sasakyan. Umiiling ako para alisin ang nasa isipan ko, kahit kasi ang simpleng pag lalakad niya ang lakas maka hollywood star. Samahan pa ng basang basa siya dahil sa ulan, ughh lakas maka wet look ni kuya.
Nagulat ako dahil kumatok siya sa bintana, nag dadalawang isip ako akung pagbubuksan ko ba ito o hindi. Kumatok ulit siya kaya binaba ko nalang ng kunti ang bintana. Nag salita ito at narinig ko na sinabi niyang isa siyang mekaniko, nag diwang ang aking pandinig sa sinabi niyang iyon kaya binuksan ko ng tuloyan ang bintana ng lumabas ako ng sasakyan. Hindi ko na inisip na mababasa ako ng ulan dahil sa pag nanais ko na maayos na ito.
Sinabi ko sa kaniya ang problema at nag tanong kung matutulongan niya ba ako. Mendyo na gulat at parang natulala itong nakatingin lang sa akin.
In fairness naman kay kuyang mekaniko may hitsura ito at mukhang pang model nga ang dating. Tumikhim ako para magising ito at effective naman kaya agad itong kumilos at nag punta sa unahan ng sasakyan.
Binuksan niya ang hood at tinignan kung ano ang sira. May mga kinalikot siya at may sinasabi na hindi ko naman ma intindihinan, tumatango lang ako pero ang totoo ay hindi ko talaga gets ang mga sinasabi niya. Nagtagal lang ng ilang minuto at sinabihan niya akong paandarin ulit. Excited naman akong sumonod at ang saya ko nang nag start na ito. Hindi na namamatay ang makina at maayos na ulit ang andar. Nakangiti ko siyang tinignan at nag pasalamat ako sa kaniya. Nawala na lahat ng pag aalinlangan ko at takot na baka isa siyang masamang tao.
Nang magtanong ako kung magkano ang babayaran ko ay tumanggi ito. Masaya daw siyang nakatulog sa iba, napabilib niya ako sa sinabi niya. Sa panahon kasi ngayon hindi na uso ang libre lahat may kapalit at katumbas. Mapalad ka kung maka encounter ka ng mga taong katulad niya. Pilit ko talaga siyang binabayaran dahil sa inabala ko siya pero paulit-ulit niya lang itong tina-tanggihan.
Binigay ko nalang ang calling card ko. If ever na mangaylangan siya ng tulong ko, para nadin maka bawi man lang sa kabaitang ginawa niya.
"Kaylangan ko nang umowi kanina pa ako hinahanap sa amin. Salamat ulit sa tulong mo Rio... bye" Nag paalam na ako sa kaniya dahil kanina pa tumonog ang cellphone ko. Bumosina muna ako at umalis na doon.
Kinuha ko ang airpods at nilgay ito sa aking tenga. Sinagot ko ang kanina pa tumawag sa akin at ang nag aalalang boses ni yaya ang narinig ko.
"Asan ka ba nag punta bata ka at ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo. Kumpleto sila kanina kumain ikaw lang ang wala. Nasaan ka ba ngayon?" puno ng pag aalala niyang sabi.
"Pauwi na ako ya nasiraan kasi ako sa daan, pero okay na ngayon may tumulong sa akin at inayos ang sasakyan ko. Pasabi nalang kay daddy na malapit na ako" sagot ko dito
"Naku mabuti nalang at may tumolong sa'yo, dapat tumawag ka agad para mapa sundo ka na diyan. Wag mo na intindihin ang daddy mo good mood siya ngayon dahil may bagong business partners nakuha ang kuya mo. Sige na at mag ingat ka sa pag mamaneho, hintayin kitang dumating dito, bye."
saad ng matanda.
"Okay ya, bye." sagot ko naman.
Napa buntong hininga ako sa sinabi niyang good mood si daddy. Sigurado akong pinag mamalaki niya na naman si kuya ngayon. Sabagay magaling naman talaga siya at matalino.
³Kahit noong mga bata pa kami siya ang laging bida sa kanila mommy. Lagi siya ang pinag mamalaki at bukang bibig nila sa kanilang mga kasosyo at kaibigan. Hayagan nilang sinasabi na si Kuya ang paborito nilang anak. Mana daw kasi ito kay daddy, okay lang naman ito sa akin at hindi ako nagtatampo. Kahit na lagi nila akong kimukumpara sa kaniya, kahit na lagi akong palpak sa paningin nila hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko at kay kuya.
Na alala ko noong mga bata pa kami, parating si kuya ang may pasalubong. Kapag may award itong natatanggap silang dalawa ni daddy at mommy ang nag pupunta. Siya lang din ang isinasama nila sa mga party at events sa kumpanya. Lagi nila akong iniiwan dito sa bahay dahil iyakin raw ako at baka ipahiya ko lang sila. Lumaki ako na si yaya lagi ang kasama ko. Minsan nag tanong ako kay mommy kung totoong anak nila ako. Nagalit lang ito sa akin at pinagbuhatan niya ako ng kamay, 12 years old pa lang ako noon wala akong magawa kaya iyak lang ako ng iyak habang pinapalo. Wala daw akong kwentang anak at walang utang na loob bakit ko daw iyon na isip. Kung alam niya lang na lalaki akong ganito dapat ay pinalaglag niya nalang daw sana ako. Kaya mula noon ay hindi ko na kwenistyon ang pagiging magulang nila sa akin. Pilit ko nalang ginagalingan ang mga ginagawa ko para makita nila na may kwenta din akong anak sa kanila.
Lagi kong hanggad ang ma appreciate nila ang mga ginagawa ko. Gusto kong maranasan na maipag nalaki at naramdaman na mahal din nila ako.