Isang napakagandang babae pala ang nangangaylangan ng tulong.
Bumaba ito sa sasakyan at napa lunok ako ng laway nang makita ko ang kaniyang kabuoan. Mahaba ang mga biyas niya mukhang nasa 5'8 ito, maputi at kutis porcelana. Malaking balakang at may kalakihan rin ang hinaharap. Matangos ang ilong at kulay chocolate ang mga mata. Mahaba ang kaniyang buhok na kulang abo at umaalon alon. Ngayon ako nagsisi kung bakit inilarawan ko siya sa aking isipan. Bigla kasing may nag react sa ibaba ko, kakaiba ang babaeng ito tinitignan ko palang nag iinit na ako.
Hindi ako mahalay na lalaki, sa totoo lang ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa akin. Maraming besis na ako naka kita ng babaeng naka shorts at crop top pero iba itong nasa harapan ko ngayon.
Kapag ako boyfriend nito hindi ko hahayaang magsuot ito ng ganito kapag aalis ng bahay. Ikukulong ko ito sa kwarto at..... naputol na ang paglalakbay ng utak ko ng marinig ko itong tumikhim at mag salita.
"Ahemm... Ah hello mister, pwede mo ba akong matulongan bigla nalang kasing tumigil ang sasakyan ko at ayaw na mag start. Sabi mo kanina isa kang mekaniko pwede mo na itong i check baka alam mo anong problema."
Grabe! pati boses niya napaka ganda parang anghel na bumaba sa lupa ang sweet at ang hin-hin.
"Matutulongan mo ba ako?'' ulit niyang tanong sa akin.
"Ha! ah O-oo naman! kaya kitang tulongan. Saglit buksan natin ang hood ng sasakyan mo." para akong natunaw ng makita ko ang ngiti niya. Wala sa isip ko na napangiti din sa kaniya.
Binuksan ko na ang kaniyang hood at tinignan kung ano ang problema nito. Mabuti nalang ay mahinang ambon nalang ang kanina ay malakas na ulan, hindi na kami gaanon ngayon na nababasa. Salamat nalang at kulay itim ang suot nitong damit pang itaas dahil kung hindi ay klarong klaro ang bakat ng kaniyang dibdib. Kanina ko pa iniiwasan tignan ang kaniyang katawan na di-distract kasi ako.
"Ah miss pwede paki start ng sasakyan mo tignan natin kung na mamatay parin ang makina." Agad naman siyang tumalima at sinubokang paandarin ito. One click lang at umandar na ito ng hindi na namamatay ulit. Ang saya niya nang malamang okay na ito.
"Miss, ginawan ko lang yan ng paraan patignan mo parin ito para makasiguro ka, dalhin mo casa para ma check nila ng maayos" sabi ko sa kaniya, gusto ko nang matunaw dahil nginitian niya ako habang nakatingin sa akin.
"Just call me George, salamat sa tulong mo..."
"Rio...Rio po pangalan ko maam" pag papakilala ko sa kaniya,
"George lang walang maam, magkasing edad lang naman ata tayo. Oh! bago ko pala makalimotan how much do I owe you?" sabi niya.
"Don't mention it maam, walang bayad ang pag tulong ko."
"No no I insist.. Inabala kita kaya dapat bayaran kita sa time and effort mo."
"Okay lang po miss George, masaya akong natulongan ko kayo."
"Are you sure? Nakakahiya naman inabala kita. Ito ibigay ko sa'yo ang calling card ko tawagan mo ako if you need any help." inabot niya sa akin ang isang maliit na papel. Tinanggap ko nalang ito para may remembrance ako sa kaniya.
"Kaylangan ko nang umowi kanina pa ako hinahanap sa amin. Salamat ulit sa tulong mo Rio... bye" saad niya ng may pag mamadali.
"Ingat ka sa pag mamaneho, bye.." sabi ko sabay tango sa kaniya. Nag seatbelt na siya at tinaas na ang bintana ng sasakyan. Bumosina siya ng dalawang beses at nag maneho na paalis.
Naiwan akong nakatayo doon, at tinatanaw ang papalayo niyang sadakyan. binasa ko ang naka lagay sa calling card na binigay niya. Salvatore Group Builders - Maria Georgina F. Salvatore.
Mukhang galing siya sa mayamang pamilya. Sabagay halata naman sa ganda niya at sa kutis palang alam mong alaga ito sa mamahaling sabon. Napangiti nalang ako, mukhang siya palang ang unang babaeng pumokaw ng attention ko. Hindi naman sa pagmamayabang kahit papaano ay may hitsura naman ako. May nga babaeng hayagang nag papahiwatig ng kanilang pagka gusto sa akin. Minsan pa nga ay sila na ang gumagawa ng paraan para mapansin ko lang. Pero pihikan talaga ako, kahit may hitsura naman ang iba wala talaga akong nararamdaman kahit paghanga man lang sa kanila. Sabi nga ng kaibigan kong si Marshall manhid ako dahil palay na daw ang lumalapit ayaw ko pang sunggaban. Tatanda labg akong walang asawa at sayang raw ang lahi ko. Dapat ay gayahin ko daw siya na marami nang karanasan sa mga babae.
Hindi naman sa ayaw kong mag asawa. Hindi pa talaga ito ang priority ko ngayon, at isa pa wala pang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Ngayon pa lang kung sakali, pero mukhang malabo pa sa tinta ng pusit. Nakikita ko na ang layo ng agwat namin sa buhay isang mayaman at isang mahirap napaka imposible talaga. Baka nga may nobyo na iyon sa ganda at sexy niya. Walang lalaki ang hindi iibig at mabibighani sa kaniya. Hanggang paghanga nalang talaga ako nito.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong naligo dahil nilalamig na ako. Binilisan ko lang at umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis.
Nang maka baba na ako sa kusina agad ko nag tungo at tinignan kung may pagkain na. Nakita ko ang aking kapatid na si Hannah nag luluto ito ng ulam.
"Mukhang masarap yan ah! ano ang niluluto mo?" sabay silip sa kawali. "Andyan ka na pala kuya! paborito mo yung niluluto ko sardinas na may itlog. Malapit na itong maluto kaya kunting tiis nalang" naka ngiti niyang sagot sa akin. Ako na ang nag ayos ng mga pinggan at nilapag na niya ang ulam at kanin. Sakto naman ang pagdating ni tatay galing sa pamamasada. Lumapit kaming lahat sa kaniya at nag mano dito.
"Kaawaan ka'yo mga anak."
Nagsidulog na kaming lahat sa hapagkainan, nag dasal muna at nag umpisa nang kumain.
"Kamusta ang eskwela niyo mga anak? ikaw Rio marami bang gawa sa talyer ngayon?" tanong ni tatay sa amin, ganito kami tuwing kakain nag uusap at nag ku-kwentohan kung anong nangyari sa amin sa buong araw.
"Ayos naman tay, kahit papaano ay may kita ang lahat." sagot ko sa kaniya.
"Mabuti naman kung ganoon, kahit papaano malakas parin ang talyer ni Macho. Sabagay magaling ang mga tao niya kaya tiwala sa kaniya ang mga costumer" saad ni tatay,
"Kanina noong pauwi na ako doon ako dumaan sa lumang kalye may nadaanan akong tumirik na sasakyan. Mabuti nalang at doon ko na isipang dumaan kaya natulongan ko ito."
"Ganyan nga anak, pag may pagkakataong makatulong gawin mo nang walang pag aalinlangan. Kagaya ng laging bilin sa inyo ng nanay niyo, kaya wag niyo itong kalimotan." tumango ako bilang pag sangayon kay tatay.
"Kanina po pinuri ng teacher ko yung pinasa kong project, maganda daw ito at pwede ipasok sa slogan making competition. May price daw kapag na nanalo ang gawa mo, kaya kuya pwede ba mag papabili ako saiyo ng art materials?" nag lalambing na tanong sa akin ng aking kapatid na si Hannah. Nasa grade 8 na ito at may talento talaga siya sa pag pinta katulad ko kaya suportado ko ang hilig niyang ito.
"Sige bukas bibigyan kita ng pambili ng art materials mo." Sagot ko sa kaniya, tuwang tuwa naman ito na nag pasalamat sa akin.
"Ikaw bunso, kamusta ang eskwela hindi ka ba napaaway ngayon?" tanong ni tatay sa aming bunso na si Jasper 10 taong gulang na ito at nasa grade 5 na.
"Tatay naman mabait po ako, hindi ako nakikipag away sila ang na uunang mang away kaya pinagbibigyan ko lang sila." sagot ni bunso na nag patawa sa aming lahat, takaw gulo kasi ang batang ito. Mabait naman talaga siya sadyang mainitin lang ang ulo at madaling mapikon.
Ito ang pinag mamalaki ko sa pamilya namin, kahit na simple lang ang pagkain na aming pinagsasalohan kuntento at masaya parin kaming lahat.