CHAPTER 9

1115 Words
#LivingWithYou CHAPTER 9     Tapos nang magluto ng hapunan at maghain sa mesa si Bryan. Hinihintay na lamang niyang bumaba mula sa kwarto si Eros at Celine na kagagaling lamang sa trabaho at nagbihis na muna.     Nasa sala si Bryan. Nakaupo ng pa-indian sit sa sofa. Tutok na tutok ang mga mata sa screen ng cellphone habang iniiscroll rin ito ng daliri niya.    “Dito kaya o kaya dito. Pwede din dito ako mag-apply. Tama, ok na rin sa akin ang maging service crew kasi sanay na rin naman ako sa mabibigat na gawain.”     Naghahanap ng trabaho si Bryan sa isang job website. Iba-iba ang kanyang nakita gaya ng janitor, kitchen assistant at kung ano-ano pa.    “Kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral saka pagtatrabaho kaya maning-mani lang sa akin sa iyon.”     Napangiti si Bryan. Naghanap pa siya ng iba pang pwedeng mapasukan, iyong malapit lang para hindi rin hassle sa kanya lalo na sa byahe.    Samantala, pababa na ng hagdan si Celine. Hindi naman mabigat ang mga paa nito kaya hindi masyadong naglilikha ng ingay ang mga yabag nito. Nakita niya si Bryan na nakaupo sa sofa. nakatalikod ang pwesto nito mula sa hagdan kaya hindi siya nito kita.     Dahan-dahang lumapit si Celine kay Bryan. Tiningnan niya kung ano ang ginagawa nito.     Hindi naman namalayan ni Bryan na nasa likod na ng inuupuan niya si Celine at nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Tuloy lamang siya sa pag-scroll.    “Naghahanap ka ng trabaho?”    Muntikan nang mahulog si Bryan sa inuupuan dahil sa gulat pero mabuti na lang at nakakapit kaagad ang isa niyang kamay sa sandalan ng sofa. Napatingin ang mga nanlalaki niyang mata kay Celine.    “T-Tita... kayo po pala,” nauutal na sabi ni Bryan.     Napangiti nang tipid si Celine. Umalis ito sa likod ng sofa saka naglakad papunta sa harapan. Tinabihan nito si Bryan na umayos naman ng upo.    “Bakit ka naghahanap ng trabaho?” tanong ni Celine habang diretso ang tingin kay Bryan.     Nag-aalangang ngumiti si Bryan. Umiwas rin ito nang tingin saka napabuntong-hininga.    “Gusto ko po kasing magtrabaho habang nag-aaral,” sagot ni Bryan.    “Gusto mong maging working student?” tanong ni Celine.     Napatingin si Bryan kay Celine. Napatango-tango ito.     “Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Naranasan ko ‘yan noon,” sabi ni Celine.    “Ok lang po. Gusto ko rin po kasi na kahit papaano ay kumita ng pera pandagdag sa gastusin sa pag-aaral ko at makatulong na din sa inyo at kay inay,” paliwanag ni Bryan.     Tinapik-tapik ni Celine sa balikat si Bryan.    “Maganda ang layunin mo pero nag-usap na kami ng inay mo tungkol diyan,” sabi ni Celine. Napabuntong-hininga ito. “Hindi mo naman kailangan magtrabaho dahil sabi ko nga ako ang bahala sa lahat. Saka hindi ka nagpunta dito para tumulong sa gastusin kundi para mag-aral lang. Iyon lang dapat ang nasa isip mo at hindi ang iba,” dugtong pa nito.    “Pero Tita.”   “Pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo. Maganda na iyong kabayaran para sa akin at sa inay mo,” sabi ni Celine saka ngumiti.     Napabuntong-hininga naman si Bryan. Tipid itong napangiti.    “Salamat po Tita.”     Napatango-tango si Celine.   “Oo nga po pala, nakapaghain na po ako ng hapunan,” sabi ni Bryan.    “Edi tara na at kumain. Tatawagin ko lang si Eros,” sabi ni Celine.     Napatango-tango na lamang si Bryan.   - - - -  - - - - -  - - - - - - - - -  -     Malalim na ang gabi pero wala pa sa kwarto niya si Bryan. Nasa terrace muli ito at pinagmamasdan naman ang madilim na kalangitan na binibigyang liwanag ng sinag ng buwan at kinikislapan ng mga nagkalat na bituin sa paligid nito.     Napapangiti si Bryan. Mahilig siyang pagmasdan ang kalangitan kapag gabi. Napapagaan kasi nito ang pakiramdam niya at pampakalma din niya bago matulog.     Hindi naman namalayan ni Bryan na palapit si Eros sa kinaroroonan niya. Nakita na naman kasi siya nito at hindi kagaya kanina na bumaba ito at hindi siya pinuntahan, ngayon ay hindi ito bumaba at naglakad palapit sa kanya.     Naramdaman na lamang ni Bryan na may tumabi sa kanya sa pagkakatayo. Tiningnan niya si Eros na nakatingin sa may kadilimang paligid.    “Mahilig kang tumambay sa terrace,” sabi ni Eros ng hindi tumitingin kay Bryan. Tumingala ito at nakita ang buwan at mga bituin.    “Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ni Bryan. Nawala kanina ang inis niya rito pero biglaan ding bumalik nang magpakita na naman ito.     “Bakit? Masama bang pumunta sa terrace ko?” tanong ni Eros.    Napaismid na lang si Bryan. Umiwas nang tingin.     “Ang ganda ng gabi,” manghang sabi ni Eros.     Hindi nagsalita si Bryan. Nakatingala lamang ito nang tingin sa kalangitan.     Napatingin si Eros kay Bryan. Malaya niyang napagmasdan ang mukha nito.     ‘May itsura din pala ang mokong na ito,’ puri ni Eros sa isipan.     Nakita niya dahil sa nakatagilid ito kung gaano kahaba ang mga pilikmata nito, may katangusan din ang ilong. Kissable lips pa. Napailing-iling si Eros sa huling naisip niya. Kung ano-ano na lang nakikita niya.     Napabuntong-hininga si Eros. Umiwas ito nang tingin kay Bryan.    “Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Eros.     Napatingin naman si Bryan kay Eros. Hindi ito nagsalita.     Huminga ng malalim si Eros.    “Sorry,” sabi nito. Mahirap sa kanyang sabihin iyon kay Bryan. Nakakabigat kasi ng loob sa kanya.     Nagulat naman si Bryan sa sinabi ni Eros.   ‘Si Eros? Nagsosorry?’ sa isip ni Bryan.    “Nangti-trip lang naman ako. Hindi ko naman akalain na seseryosohin mo masyado.”     Napangiti nang tipid si Bryan.    “Hindi naman ako galit,” sabi nito. Napatingin si Eros kay Bryan.    “Hindi ka galit?” tanong ni Eros.     Napailing-iling si Bryan.    “Nainis lang ako masyado. Pakiramdam ko rin kanina masyado mo akong binaba.”     Umiwas nang tingin si Eros.    “Hindi ka pala galit kaya dapat hindi na ako nag-sorry.”    “So binabawi mo ang sorry mo?” tanong ni Bryan. Napapangiti.    “Pwede pa bang mabawi iyon kung nasabi ko na?” sarkastikong sabi ni Eros.    “Hindi na-”   “Hays! Diyan ka na nga!” inis na sabi kaagad ni Eros at kaagad ng umalis sa tabi ni Bryan. Nakaramdam ng hiya.     Nakasunod naman ang tingin ni Bryan kay Eros na papalayo na.    “Marunong din pala siyang mag-sorry,” sabi ni Bryan. Hindi niya napigilang mas lalong mapangiti.     Wala na sa pangin niya si Eros kaya naman muling tiningnan ni Bryan ang kalangitan.    “Tama ka Eros, ang ganda nga ng gabi,” sabi ni Bryan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD