bc

LIVING WITH YOU (BL)

book_age16+
501
FOLLOW
2.7K
READ
family
opposites attract
comedy
sweet
bxb
humorous
lighthearted
school
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Laking probinsya si Bryan na lumuwas ng Maynila para makapag-aral sa kolehiyo. Sa pagtira niya sa bahay ng best friend ng mama niya na magpapa-aral din sa kanya ay makikilala niya ang long-lost kababata niya na si Eros.

Sa pagsasama nila sa iisang bubong, magtagpo kaya ang kanilang mga puso?

O mananatili na lang silang parang pusa't aso kung magtalo?

All Rights Reserved, 2022

Copyright, 2022

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
LIVING WITH YOU (BL) BY FRANCIS ALFARO   DISCLAIMER...     No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including  photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.   All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance  to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2021  All Rights Reserve 2021   GENRE: BL, ROMANCE, COMEDY, DRAMA                 #LivingWithYou CHAPTER 1    Sumalubong sa pagbaba ni Bryan ng sinakyan nitong bus ang malamig na hangin na may halong alikabok. Tiningnan ang paligid ng terminal. Maraming tao sa paligid, ang iba ay kasabayan niyang bumaba pero sa ibang bus at ang karamihan naman ay mga sumasakay.     Napangiti si Bryan, mas lalo tuloy naningkit ang mga mata niyang chinito.    “Nasa Maynila na nga talaga ako,” bulong niyang sabi sa sarili.     Nagsimula siyang maglakad at libutin nang tingin ang paligid. Mula dito sa terminal ay nakikita niya ang mga nagtataasang gusali na nakatayo sa malayo. Ang mahabang kalsadang pinipilahan ng iba’t-ibang uri ng sasakyan. Hindi rin maikakaila ni Bryan ang init na nararamdaman dahil sa panahon. Ang taas naman kasi ng sikat ng araw.    Hindi naman napapansin ni Bryan na may mga taong napapatingin sa kanya. Siguro ay iniisip ng mga ito kung artista nga ba siya dahil sa gwapo niyang mukha o di kaya ay dahil sa maputi at makinis niyang balat.     Galing ng probinsya si Bryan. Doon na siya lumaki at nagkaisip pero kung titingnan siya, hindi siya mukhang probinsyano. Kahit na babad ito sa araw dahil minsan ay tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagsasaka ay hindi naman nangingitim ang balat nito, madalas namumula lang.     Sabi ng kanyang ina ay nagmana raw siya sa kanyang ama. Hindi na kasi niya nakagisnan pa ang kanyang tatay dahil namatay ito bago pa man siya ipanganak sa mundo. Aksidente kasing nabangga ng isang kotse ang tricycle na pinapasada nito at hindi na nakaligtas dahil doon. Wala din kasing tigil ang tatay niya sa pagtatrabaho noon dahil na rin sa manganganak na ang kanyang inay kaya kailangang mag-ipon ng todo.    Wala naman siyang lahing banyaga, purong pilipino siya pero iyon nga, maputi at may angking kagwapuhan din kasi ang kanyang ama at nakita naman niya iyon sa litrato dahil na rin sa kanyang nanay.     Para kay Bryan, mahirap pero masaya ang naging buhay nilang mag-ina. Wala man ang kanyang ama pero dahil sa kanyang ina na matyaga at masipag, nabuhay silang pareho at kaya siya nandito sa Maynila ay para balang araw ay siya naman ang makatulong dito.    Inayos ni Bryan ang pagkakasukbit ng dala niyang bagpack sa magkabilang balikat. Ito lamang ang dala niya dahil konti lang din naman ang dinala niyang gamit.     Naisipan ni Bryan na maupo na muna kaya naman hinanap ng mga mata niya kung saan pwedeng maupo. Hanggang sa mapangiti siya dahil sa bandang gilid ng terminal, may mga nakahilerang upuan na nasa ilalim ng mahabang bubong.     Kaagad siyang pumunta doon at nang makalapit ay tinanggal na muna niya ang kanyang bag sa likod at pinatong iyon sa mga hita niya. Kinapa ang kanyang lumang cellphone na nasa bulsa ng kupas niyang semi-fit na pantalon saka iyon kinuha. Isang bar phone pero ayos lang kay Bryan na ganito ang cellphone niya dahil nagagamit naman niya ito.    Napapangiti si Bryan habang hinahanap ang numero ng kanyang inay. Nang mahanap ay kaagad niyang pinindot ang call at tinapat ang cellphone sa kanang tenga niya.     “Hello, Nay,” masayang wika ni Bryan.    “Anak! Mabuti at tumawag ka na. Nakarating ka na ba ng Maynila ng ligtas?” tanong ng ina niyang si Milagros.    “Opo Nay. Alive and kicking,” nangingiting sabi ni Bryan.     Narinig niyang napabuntong-hininga ang kanyang inay.    “Mabuti naman. Salamat sa Diyos at sa tatay mong hanggang ngayon ay binabantayan ka,” sabi nito na nakahinga nang maluwag.     Mas lalong napangiti si Bryan, nakita ang puti at pantay niyang ngipin.    “Oo nga pala at tawagan mo kaagad ang Tita Celine mo. Ipaalam mo sa kanya na nasa Maynila ka na,” paalala ng ina ni Bryan.    “Opo Nay,” pagsang-ayon ni Bryan. “Miss ko na kayo kaagad,” dugtong pa nito.     “Ako din, Anak,” halatang miss na miss na ang anak.    “Di bale Nay at araw-araw akong tatawag sa iyo para hindi natin mamiss ang isa’t-isa.”    “Naku anak, mahal ang tawag. Dagdag gastos.”    “May unlimited na Nay, saka sayang naman ang mga cellphone natin kung hindi gagamitin.”     Natawa si Aling Milagros sa kabilang linya. Natawa rin tuloy si Bryan.    “Dapat pala sumama ako sa’yo, nag-aalala tuloy ako kasi nag-iisa ka lang diyan.”     “Nay, paano si Tonton at Ricky? Edi nagutom sila kapag iniwan mo. Ang lalaking barako pa naman nila,” pabirong sabi ni Bryan. Ang mga tinutukoy niya ay ang kalabaw nila. “Saka huwag na kayong mag-alala sa akin Nay dahil malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Saka hindi naman siguro ako pababayaan ni Tita Celine,” dugtong pa nito. Ang tinutukoy niya na Tita ay ang matalik na kaibigan ng kanyang ina simula pa pagkabata.    “Oo na, pero hindi ko lang kasi maiwasang mag-alala. Nag-iisa kaya kitang baby,” naglalambing na sabi ni Aling Milagros.    “Nay naman. 18 na ako-”   “Bakit? Baby boy pa rin kita kahit anong mangyari,” mabilis na sabi kaagad ni Aling Milagros.     Napangiti na lamang si Bryan.     “Pagbutihin mo ang pag-aaral mo a at huwag mong bibigyan ng problema si Tita Celine mo at ng dahilan para madismaya sayo,” paalala ni Aling Milagros.    “Opo Nay. Binigyan niya ako ng pagkakataon kaya hindi ko iyon sasayangin. Hindi ko rin kayo ipapahiya sa kanya,” paniniguro ni Bryan. Mabait ang Tita Celine niya, kahit hindi siya nito kadugo o kamag-anak ay ginusto nitong pag-aralin siya. Kunsabagay, maykaya rin naman kasi ang pamilya nito at talagang kapatid na rin ang turing nito sa kanyang ina kaya parang pamangkin na rin siya nito.     “Ganyan nga anak,” sabi ni Aling Milagros. “Oo nga pala at magpapadala ako buwan-buwan ng pera mo para may allowance ka saka para makabawas na rin sa iisipin ni Celine. Sagot na kasi niya ang pag-aaral mo kaya masyado ng nakakahiya kung pati ang panggastos mo ay magiging sagot pa niya.”     “Ok, Nay. Oh paano po at mamaya ko na lang ulit kayo tatawagan. Lalakad na kasi ako papunta kay Tita Celine.”    “Ok Anak, mag-ingat ka. ‘Yung paulit-ulit kong bilin sayo, lagi mong tandaan ok,” sabi ni Aling Milagros.    “Opo Nay,” ngumiti ito.    “Bye, anak.”   “Bye, Nay.”     Napangiti si Bryan. Pinutol na niya ang tawag sa kanyang ina. Itinago na muna niya ang kanyang cellphone sa bulsa at ang panyo naman ang kinuha nito. Hinawi ang bangs at pinunasan ang noo, sinunod ang leeg.    “Ang init,” gamit ang kamay ay nagpaypay ito sa sarili.     Muli niyang itinago ang panyo sa bulsa. Kinuha ulit ang cellphone. Binuksan niya rin ang kanyang bag at may kinuha sa loob. Isang papel.     Binuklat ni Bryan ang papel. Binasa niya ang nakasulat doon gaya ng address at sketch papunta sa bahay ni Tita Celine saka ang numero ng cellphone nito.     Dinaial niya sa cellphone ang numerong nakasulat. Tinapat niya sa kanang tenga ang kanyang cellphone at naghintay ng sasagot. Pamaya-maya ay sinagot na ni Tita Celine ang tawag niya.     - - - -  - - - - - - - - - -  - - -     Naglalakad si Bryan sa gilid ng daan. Patingin-tingin sa paligid at halatang first time makapunta ng Maynila.    “Mas ok pala kapag sa personal nakita ang paligid ng Maynila.”     Hindi naman inosente si Bryan pagdating sa itsura ng Maynila at mga lugar rito. Minsan na rin kasi niyang na-search ito sa internet at nakita ang mga pictures ng lugar na meron sa Maynila.     Patuloy lamang sa paglalakad si Bryan. Papunta siya sa sakayan ng jeep na dadaan sa subdivision kung saan nakatira ang Tita Celine niya.     Napapangiti si Bryan. Kahit sa hinagap ay hindi niya inakala na makakarating siya sa Maynila. Hindi naman niya pinangarap pero may bahagi sa kanyang gusto. Siyempre ibang lugar na ito pero kung mas papipiliin siya kung saan niya gustong tumira, syempre sa ngayon ang sagot niya ay sa probinsya nila dahil doon siya lumaki at nasanay.    “KUYA!”     Tuloy lamang sa paglalakad si Bryan na parang namamasyal lang sa park. Tingin ng tingin sa mga lugar, sa mga taong nagmamadali, sa mga sasakyan na iba-iba ang direksyong tinatahak sa kalsada.     “KUYA!”     Hindi pinapansin ni Bryan ‘yung tumatawag. Wala naman kasi siyang kilala dito kaya malabong siya ang tinatawag. Baka kapatid nito na napalayo habang naglalakad.    “KUYA!!!!”    Mas lumakas ang boses ng babae. Tuloy pa rin sa paglalakad si Bryan. Hindi talaga niya iyon pinapansin kasi baka mamaya modus din iyon. Kasama din kasi sa na-research niya sa internet ay ang mga krimen at modus sa Maynila. Mahirap nang masangkot ang gaya niya sa ganun lalo na at bagong salta lamang siya.     “KUYA!”    Napatalon sa gulat si Bryan dahil sa biglaang humawak sa kanang balikat niya. Kaagad siyang napatingin at nakita niya ang babaeng nakayuko, nakaharang na nga sa mukha nito ang mahabang buhok na parang si Sadako at hingal na hingal dahil sa mabilis na pagtakbo.     “K-Kanina pa kita tinatawag Kuya!” hinihingal na sabi ng babae.     “Ako? Tinatawag mo?” nagtatakang tanong ni Bryan at tinuro pa ang sarili.     Hinawi ng babae ang kanyang buhok para hindi na maharangan ang kanyang mukha. Sa paningin ni Bryan, maganda ang babae at may kurba ang katawan. Halatang taga-Maynila dahil sa pananamit ng sexy. Malayong-malayo sa itsura ni Sadako.     “Oo, ‘yung bag mo kasi.”       Nangunot ang noo ni Bryan.     “Anong meron sa bag ko?” nagtatakang tanong niya.     “Bukas ang bag mo. Hindi mo naramdaman?” hindi makapaniwalang tanong ng babae.     Nanlaki ang mga mata ni Bryan at kaagad na tinanggal sa likod niya ang kanyang bag. Tama ang babae, bukas nga ang bag niya.    “Hays!” sabi ni Bryan saka napapalo sa noo. ‘Yung mga gamit niya sa loob, nabawasan.     “Nahulog iyong mga gamit mo. Hindi ko lang napulot kasi mas inuna kitang habulin para masabihan kaagad. Ayaw mo naman kasing lumingon.”    Napatingin naman si Bryan sa dinaanan niya. Tama nga at nahulog ang ilan niyang mga gamit.     Muling napatingin si Bryan sa babae. Nag-aalangang napangiti ito.    “Pasensya na-”   “Oh sige! Ikaw ng pumulot ng mga gamit mo. Nagmamadali na din kasi ako,” mabilis na sabi kaagad ng babae.     Napatango-tango na lamang si Bryan. Napakamot pa sa ulo.     Kaagad namang sumibat ang babae. Iniwan si Bryan ng hindi man lang sila nagkakakilala pero sa tingin niya ay magkasing-edad lamang sila ng babaeng iyon.    “Bakit hindi ko man lang naramdaman na nabuksan na pala ang bag ko? Hays talaga!” naiinis na sabi ni Bryan sa sarili.     Muling binalikan ni Bryan ang mga nilakaran niya. Isa-isa niyang pinulot ang mga gamit niya gaya ng damit na ipapagpag muna niya bago ipasok sa bag, toothbrush, toothpaste, short at kung ano-ano pa.    “Mabuti na lang at nasa bulsa ko ang wallet at cellphone ko kundi patay na ako nito,” pagkausap ni Bryan sa sarili saka pinulot ang kanyang pulbos na j&j at nilagay sa bag. Naglalagay kasi siya nito sa likod niya para hindi siya masyadong pawisan.     Wala namang nawalang mahalaga at mamahalin gamit sa kanya.     Tatayo na sana si Bryan dahil huli na niyang pinulot ang pulbos pero may biglang lumitaw na pares ng rubber shoes na panlalaki sa harapan niya. Nangunot tuloy ang kanyang noo at dahan-dahang tumingala.     Hindi napigilang matulala ni Bryan sa nakita.    “Anghel ba siya?” bulong na tanong ni Bryan sa sarili. Sa likod nito ay ang araw kaya ang sinag ay tumatama din dito at animo’y nagliliwanag sa paligid nito.     Maamo ang mukha. Matangkad at maputi rin ang makinis na balat gaya niya. Kundi lang ito naka-poker face, malamang perpekto na ang lalaking ito dahil hindi rin naman maikakaila na gwapo.     “Nahulog mo rin,” malamig ang boses ng lalaki.     Pero hindi na iyon napansin ni Bryan dahil...     Kaagad na hinablot ni Bryan ang brief niya mula sa kamay ng lalaki at tinago sa bag saka isinara na iyon. Akala niya ay wala na siyang nahulog na gamit pero meron pa pala at ang nakakahiya, brief pa niya na walang hiyang tinapat sa mukha niya at nakita ng ibang tao. Hindi naman bacon ‘yung garter ng brief, halata nga na bago ‘yung brief niya na kulay gray at binili pa ng inay niya bago siya lumuwas pero siyempre, sa lahat ng gamit, ang underwear ang pinaka-private at bihira lang na makita ng ibang tao sa isang tao.    Umiwas si Bryan nang tingin sa lalaki dahil sa hiya. Dahan-dahan itong tumayo.    “Salamat,” sabi ni Bryan at kaagad na tinalikuran ang lalaki. Paharap na niyang binuhat ang bagpack niya. Hiyang-hiya talaga siya. Hindi na niya nagawang magpasalamat pa.     Kaagad na naglakad si Bryan palayo sa lalaki. Hindi na ito nilingon pa.     Ang hindi niya alam ay nakasunod naman ang tingin sa kanya ng lalaki. Ngumisi ito.       Sa bilis maglakad ni Bryan ay kaagad siyang nakarating sa terminal ng jeep. Sumakay siya sa nasa pila na kasalukuyang pinupuno ng barker.     Napabuntong-hininga si Bryan ng makaupo.    ‘Hay! Mabuti na lang at hindi ko kilala iyon at hindi na kami magkikita. Nakakahiya talaga, sa lahat ng gamit ko, brief ko pa talaga ang napulot niya. Tsk!’ hiyaw nito sa isipan. ‘Kung bakit ba kasi ang hina ng senses mo Bryan. Kainis ka!’ naiinis siya sa kanyang sarili.     - - - -  - - - - - - - - - -  - - - - - - - -     “Mabuti at hindi ka naligaw,” masayang sinalubong ni Tita Celine si Bryan.     Nakarating na rin sa wakas si Bryan sa bahay ng kanyang Tita Celine. It’s a three storey house na may kalakihan naman at gawa sa bato. Kumpleto sa gamit at halatang mahal ang presyo ng iba. Sa isang sikat na subdivision ito nakatayo na ang lupa ay nasa bandang gitna. May bakuran sa harapan na nagsisilbing garden ng bahay.     Napangiti naman si Bryan.   “Grabe! Ang laki mo na at lalo kang gumwapo. Dati lang mas matangkad pa ako sayo pero ngayon hanggang balikat mo na lang ako,”  humahangang sabi ni Tita Celine.     Mas lalo namang napangiti si Bryan.    “Maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo.”     Napangiti si Tita Celine.    “Ako nga ang dapat magpasalamat kasi tinanggap mo ang alok ko na ako ang magpa-aral sa iyo. Sa totoo lang, ang laki rin kasi ng utang na loob ko sa Nanay mo lalo na nung mga panahong sabay na nawala ang mga magulang ko nun, siya lang ang naging karamay ko ng mga panahong iyon at tumulong sa akin,” pag-alala ni Tita Celine sa mga kabutihang ibinigay sa kanya ng kaibigang si Milagros. “Kaya gusto kong ibalik ang lahat sa kanya sa pamamagitan ng pagpapaaral sayo.”     “Salamat po, hayaan niyo po at pagbubutihan ko ang pag-aaral. Hindi ko kayo bibiguin,” pangako ni Bryan.    “Alam ko naman iyon. Matalino kang bata at masipag pa. Nabalitaan ko nga kay Milagros na Valedictorian ka nung high school.”     Napakamot naman sa ulo si Bryan. Nakaramdam siya ng hiya sa sinabi ng kanyang Tita Celine    “Oo nga pala. Pasensya ka na kung hindi kita nasundo. Hindi kasi ako pinayagang umabsent sa trabaho at half day lang ang inaprubahan sa akin,” paghingi ng paumanhin ni Tita Celine.    “Okay lang po,” sabi ni Bryan. “Ang ganda po ng bahay ninyo, kasing ganda niyo po.”     Natawa naman si Tita Celine sa huling mga sinabi ni Bryan.    “Bolero kang bata ah.”    “Hindi po, totoo po ang sinasabi ko. Mas bata nga kayong tingnan sa edad ninyo.”    Napangiti si Tita Celine.    “Parehas kami ng Mama mo na maganda.”    Napangiti naman si Bryan.    “Oo nga pala, kumain ka na ba? Maghahanda ako nang makakain.”      “Kumain po ako kanina-”   “Hindi maghahanda ako. Darating na din kasi ang anak ko. Iyong kababata mo,” sabi kaagad ni Tita Celine.     Nangunot ang noo ni Bryan.    “Kababata ko ho?” nagtatakang tanong ni Bryan. May kababata pala siya?     “Oo, si Eros,” sabi ni Tita Celine. Napangiti ito. “Nakalimutan mo na siya? Hay! Kunsabagay, 5 years old pa lang kayo nun nang maghiwalay kayo kasi kinailangan naming lumipat dito sa Maynila dahil na rin sa trabaho ng Papa niya.”     Umiwas nang tingin si Bryan. May hinahalukay siya sa isipan pero hindi niya mabungkal.     “Lagi kayong magkalaro noon...” napatigil sa pagsasalita si Tita Celine dahil biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na hanep ang tindig at porma. “Speaking of him, nandyan na si Eros,” sabi pa ni Tita Celine.     Napatingin naman si Bryan at halos lumuwa ang kanyang mga mata.    ‘Siya? Siya si Eros na kababata ko? ‘Yung nakapulot ng brief ko kanina?’ hindi makapaniwalang tanong ni Bryan sa isipan. Muli na naman niyang naaalala ang panandalian niyang nakalimutang eksena. Umiwas tuloy siya nang tingin. Nakagat ang ibabang labi. ‘Ano ba iyan! akala ko hindi na kami magkikita pa. Tsk!’ biglang nakaramdam nang pagkataranta si Bryan.     Napatingin din si Eros kay Bryan. Nangunot ang noo.   ‘Teka! Siya ‘yung kanina. ‘Yung may-ari ng brief na napulot ko.’     ‘Bakit nandito ‘to? Ah... ito siguro ‘yung probinsyanong pag-aaralin ni Mama. Akalain mo nga naman.’     Nanatili namang nakatingin lamang ang mga nanlalaking mata ni Bryan kay Eros. Si Eros naman ay nakatingin lang rin ng tagos hanggang sa kaloob-looban kay Bryan.     Nagpalipat-lipat naman nang tingin si Celine sa dalawa. Nagtataka.    “Teka, may hindi ba kayo sinasabi sa akin?” tanong ni Celine. Tiningnan nito si Bryan. “Nagkita na ba kayong ulit dalawa Bryan ng hindi ko alam?”     Bumalik sa sarili si Bryan. Napatingin kay Celine.    “Hindi pa ho. Hehehe,” sabi nito saka kumamot sa ulo.     “Ganun ba,” sabi ni Celine at napakibit-balikat pero hindi nawala sa kanya ang kakaibang pakiramdam sa dalawa. Binalewala na lamang niya iyon.    “Anyway,” sabi ni Celine saka tiningnan ang anak na si Eros.  “Anak, natatandaan mo ba si Bryan? ‘Yung lagi mong kalaro-”   “Akyat na ako,” malamig na tugon ni Eros at kaagad na silang tinalikuran nito at umakyat sa hagdan.     Napangiti na lamang si Tita Celine. Muling tiningnan nito si Bryan.    “Pasensya ka na sa kanya ah. Ewan ko ba kung bakit kung kailan lumaki ay saka pa naging bugnutin,” paghingi ng dispensa ni Tita Celine.     Tipid na napangiti na lamang si Bryan. Sa dinami-dami ng pwedeng maging anak ng kanyang Tita Celine, bakit si Eros pa na na nasaksihan ang pagiging tanga niya.       Napahinto sa huling baitang ng hagdan si Eros. Tiningnan si Bryan na nakikipag-usap sa Mama niya.     “Siya ang kababata ko?” tanong nito sa sarili. Umiling-iling saka napabuntong-hininga. Tumuloy na sa kwarto nito.       “Maghintay ka na muna sa sala at magluluto lang ako tapos kakain na tayo,” sabi ni Tita Celine.     Napatango-tango na lamang si Bryan saka ngumiti.     Iniwan ni Tita Celine si Bryan. Pumunta na ito sa kusina para magluto.     Tumingala naman si Bryan. Hindi na niya nakita si Eros sa hagdan dahil tuluyan na itong nakaakyat sa taas.     Napabuntong-hininga na lamang si Bryan saka naglakad papunta sa sala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
630.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

NINONG III

read
384.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook