CHAPTER 8

2615 Words
#LivingWithYou CHAPTER 8   Ako’y sayo ikaw ay akin Ganda mo sa paningin Ako ngayo’y nag-iisa Sana ay tabihan na     Abala sa paglalampaso ng sahig si Bryan gamit ang hawak nitong mop habang sinasabayan niya ito ng pagkanta. Hindi maikakaila na maganda ang boses nito kapag umaawit. Malalim at may hagod saka ibang-iba ang timbre ng boses nito sa speech voice niya.   Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Pakinggan mo ang aking sigaw Sa dilaw na buwan     Sikat sa probinsya nila ang kantang inaawit na may pamagat na Buwan at inawit ni JK Labajo dahil na rin sa palagian niya itong napapakinggan sa radyo at hindi maikakaila ni Bryan na naging paborito niya ang kanta dahil na rin sa ganda ng melody at mensaheng hatid.   Ayokong mabuhay nang malungkot Ikaw ang nagpapasaya At makakasama hanggang sa pagtanda Halina tayo’y humiga     Patuloy lamang sa paglalampaso si Bryan habang damang-dama ang pagkanta. Nakakarelax talaga sa pakiramdam niya ang pag-awit at kahit na nakakapagod ang ginagawa ay hindi naman niya ito ramdam.   Sa ilalim ng puting ilaw Sa dilaw na buwan Pakinggan mo ang aking sigaw Sa dilaw na buwan     Napunta na si Bryan sa kusina. Mas diniinan niya ang paglampaso dito dahil alam naman niya na natatalsikan ng mantika ang sahig at kailangan niyang maalis iyon. Patuloy pa rin siya sa pagkanta.   Ang iyong ganda’y umaabot sa buwan Ang t***k ng puso’y rinig sa kalawakan At bumabalik Dito sa akin Ikaw ang mahal Ikaw lang ang mamahalin Pakinggan ang puso’t damdamin Damdamin aking damdamin     Bibirit na sana si si Bryan dahil nasa mataas na siyang part ng kanta pero napatigil siya dahil may biglang nag-doorbell. Nangunot tuloy ang kanyang noo dahil wala naman silang inaasahang bisita. Alam niyang hindi naman iyon si Celine dahil kanina pa ito pumasok sa trabaho.    “Sandali!” sigaw ni Bryan. Tuloy-tuloy naman kasi ang pagpindot ng doorbell ng kung sino mang poncio pilato sa labas.    Binitawan ni Bryan ang hawak na mop at sinandal na muna iyon sa kitchen sink saka lumabas ng kusina. Kaagad na pinuntahan ang pintuan.     Sa pagbukas ng pinto ni Bryan. Dalawang lalaki ang bumungad sa kanya. Ang isa ay hindi katangkaran at ang isa naman ay mas matangkad pa sa kanya. Cute at moreno ang hindi katangkaran habang maangas naman ang mukha at mestiso ang matangkad. Mukhang bata pa naman ang mga ito at sa kanyang palagay ay mga kasing edad niya.     Nakakunot ang noo ng dalawa habang nakatingin kay Bryan na nagtataka rin kung sino silang dalawa.    “Ah... hello! Sino sila?” tanong na ni Bryan. Baka mangawit kasi sila sa pagtayo dito sa labas kung wala pang magsasalita sa kanilang tatlo.    “Si Eros?” tanong ng matangkad na lalaki.     “Ah...”   “Mga kaibigan niya kami. Ako si Marco,” pagpapakilala nung cute na parang Coco Martin lang ang datingan. “Tapos siya si Gabriel. Gab for short,” sabi pa nito saka tinuro sa katabi niya na si tangkad.     Napatango-tango si Bryan.    “Ganun ba. Sige pasok na muna kayo. Tulog pa kasi si Eros kaya gigisingin ko muna-”   “Kami na lang ang gigising sa kanya. Lagi namin iyong ginagawa kapag pumupunta kami dito tapos naabutan namin siyang tulog,” putol ni Marco kay Bryan.     Napaisip naman si Bryan. Bigla niyang naalala na walang saplot si Eros kapag natutulog, baka maabutan nilang ganun ang ayos nito.Nakakahiya iyon.     Napailing-iling si Bryan. Nagtaka naman ang dalawa sa kanya.    “Huwag na. Ako na lang. Hintayin niyo na lang siya sa sala,” sabi ni Bryan.     Nagkatinginan sila Marco at Gab. Muli rin silang tumingin kay Bryan.    “Okay,” sabi na lamang ng dalawa na ikinangiti ni Bryan.     Nagbigay ng daan si Bryan para makapasok ang dalawa. Dumiretso ang mga ito sa sala at naupo sa sofa.    “Gusto niyo ba munang bigyan ko kayo ng makakain habang hinihintay si Eros?” tanong ni Bryan.     Napatingin si Gab kay Bryan.    “Boy ka ba nila dito?” tanong ni Gab.    “Ha?” tanong ni Bryan.     Napailing-iling si Gab.    “Nevermind,” sabi nito. “Gisingin mo na lang muna siya,” utos na lamang ni Gab.    “Okay. Sandali lang,” ngumiti si Bryan.     Iniwan na nga muna ni Bryan ang dalawang kaibigan ni Eros na parang may-ari lang din ng bahay. Paano naman kasi, sila na rin ang nagbukas ng tv at prenteng-prente pa ang pagkakaupo sa sofa habang nakataas ang mga paa at nakapatong sa gitnang mesa.    “Siguro close na close sila kay Eros,” sabi ni Bryan habang umaakyat siya ng hagdan. Napakibit-balikat na lamang siya.     Nasa harapan na ng pintuan ni Eros si Bryan. Sinimulan niyang katukin ito. Mahirap na at baka kapag pumasok siya ulit sa loob ay may makita na naman siyang hindi naman dapat niya makita.    “Eros!” pagtawag ni Bryan.    No response    “Eros!” pagtawag muli ni Bryan.   Again, no response.    “EROS!!!!” malakas ng sigaw ni Bryan.      “BAKEEEETTTT???!!!” malakas na sigaw na rin ni Eros mula sa loob ng kwarto.       Napangiti naman si Bryan.      “Ang mga kaibigan mo nasa baba!”      “SIGE BABABA NA AKO!!!” sigaw ni Eros mula sa loob.      “Okay,” sagot ni Bryan. “Ano ba kasing ginagawa niya sa loob? Akala ko naman tulog pa siya,” sabi pa nito saka naglakad na para bumaba muli at tingnan ang mga kaibigan ni Eros.       Sa loob naman ng kwarto...     Sinara ni Eros ang binabasang libro at pinatong iyon sa study table. Kanina pa siya gising muli at naisipan lang na magbasa ng libro.     Tumayo si Eros mula sa upuan.    “Ano na naman kayang nakain ng dalawang iyon at pumunta na naman dito?” tanong nito sa sarili. Napakibit-balikat na lang saka lumabas ng kwarto.   -  - - - - - -  - - - - - - - - - - - -  -   “Ano bang ginagawa niyo dito? Nakapag-enroll na ba kayo at nanggugulo na kayo sa bahay ng may bahay?” masungit na tanong ni Eros kay Marco at Gab. Nasa sala na sila ngayon, magkatabi si Marco at Gab sa mahabang sofa habang sa single sofa naman nakaupo si Eros.    “Mas nauna pa kaming mag-enroll sayo. Saka bakit ba? Masama bang pumunta dito sa bahay niyo? Sa wala kaming magawa kaya nandito kami,” sabi ni Marco saka ngumiti. Sa magkakaibigan, si Marco ang kwela at animo’y walang problema sa kanilang tatlo.    “Oo nga, mabuti at dinadalaw ka pa namin dito. Nakakaburyong kaya ang matagal sa bahay tapos walang magawa,” sabi naman ni Gab na nakatutok ang mga mata sa tv at pinapanuod ang sikat na anime.     Napasimangot naman si Eros.     Magkakaibigan na sila Eros, Marco at Gab simula pa noong high school kaya hanggang sa kolehiyo ay hindi nila hinayaan na maghiwa-hiwalay sila at pare-pareho sila ng kolehiyo at kursong kinuha. Akalain niyo iyon, may nakatiis sa pag-uugali ni Eros? Galing din sa may kayang pamilya sila Marco at Gab. Si Eros at Gab ang medyo magkalapit ang ugali pero mas matindi ang topak ni Eros. Si Marco naman ang tinaguriang clown ng grupo.     Mula naman sa kusina ay dumating si Bryan sa sala bitbit ang tray na naglalaman ng tatlong baso ng orange juice at tatlong platito ng slice chocolate cake.    “Kumain na muna kayo,” alok ni Bryan nang ipatong niya sa gitnang mesa ang tray.       Napatingin si Marco kay Bryan.      “Salamat. Ano nga palang pangalan mo?” tanong ni Marco.      “Bryan,” sagot ni Bryan.     “Sino siya Eros?” tanong naman ni Gab.     Napatingin si Eros kay Bryan. Napatingin din ang huli sa kanya. Napangisi si Eros saka ibinalik ang tingin kay Gab.      “Boy namin,” sabi ni Eros na ikinasimangot ni Bryan.      ‘Ako? Boy? Alilang lalaki iyon sa bahay di ba? Bwisit ‘to!’ hiyaw na tanong ni Bryan sa isipan.      “Sabi ko na nga ba,” sabi naman ni Gab na may kasama pang pagtango-tango.     Hindi na lamang kumontra pa si Bryan pero mamaya kakausapin niya ang bruho na si Eros.    “Hindi naman siya mukhang alila sa bahay. Ang cute kaya niya,” sabi ni Marco habang nakatingin kay Bryan at may ngiti sa labi.     Napatingin si Bryan kay Marco. Ngumiti rin ito. Hindi niya maikakaila na sumaya siya sa complement nito.    “Sus! Hindi mo lang suot ang salamin mo kaya ang labo ngayon nang tingin mo,” sabi ni Eros. Sinamaan siya nang tingin ni Bryan.    ‘Anong ibig niyang sabihin? Bwisit ‘tong Eros na ‘to! Alam ko naman na hindi ako sobrang gwapo pero hindi rin naman ako ubod ng pangit,’ hiyaw ni Bryan sa isipan.    “Cute kaya siya. Sa tingin ko nga kapag nasa school siya, isa siya sa mga magiging campus crush doon,” sabi ni Marco na napapangiti.     Napailing-iling si Eros.    “Malabo ‘yan,” sabi nito sabay kuha sa tinidor at tusok ng cake saka kinain.    ‘Mabulunan ka sana,’ hiling sa isip ni Bryan. Hindi naman iyon nangyari kay Eros.     “Nag-aaral ka ba?” tanong ni Marco kay Bryan.    Napatingin si Bryan kay Marco. Napatango-tango ito saka ngumiti.     “Incoming freshman sa college,” magalang na sagot ni Bryan.    “Whoa! Saan?” tanong ni Marco.     Napatingin si Bryan kay Eros na nakatingin rin sa una. Muling bumalik ang tingin kay Marco.    “Sa school ni Eros. Mama niya kasi ang magpapa-aral sa akin,” sabi ni Bryan saka ngumiti.    “Wow naman! Magiging schoolmate pa pala tayo. Anong course mo?” tanong ni Marco na mistulang interesadong-interesado kay Bryan.    “Business Ad,” sagot ni Bryan.    “Naks naman! Akalain niyo iyon! Hindi rin pala malayong maging blockmates tayo,” natutuwang sabi ni Marco na ikinangiti ni Bryan.   “Kumain ka na nga lang Marco at masyado ka nang madaldal,” naiinis na sabi ni Eros.    Napakamot naman sa ulo si Marco.    “Kinakausap ko lang naman si Bryan,” dipensa ni Marco.     Napasimangot na lang si Eros. Si Gab, ayun at nakatingin rin kay Bryan.   - - -  -- - - - - - - -  - - - - - -     “Ayan! Matatalo na kita! s**t! Sige pa! Isa pa! suntok! Sipa! Yaaaaahhhh!”     Napapasimangot naman si Eros habang pinapanuod niyang maglaro ng playstation sila Marco at Gab.    “Ang ingay maglaro ni Marco,” reklamo ni Eros.    “s**t!” si Gab.     Tumitindi ang laban sa suntukan. Dumidiin ang pagpindot at paghawak sa controller, hindi naaalis ang mga mata sa telebisyon na nasa harapan.     Nakatayo naman sa gilid ng inuupuan ni Eros si Bryan. Pinapanuod rin niya ang dalawa sa paglalaro. Hindi niya alam kung paano maglaro ng playstation dahil ngayon lang naman siya nakakita nito pero mistulang nakukuha na niya kung paano ito laruin sa pamamagitan lang ng pagtingin niya kay Marco at Gab.    “Yes!!! Panalo ako!” sigaw ni Marco na animo’y nanalo sa lotto dahil sa sobrang tuwa. Tumayo pa at tumalon-talon.    Napapailing naman si Gab at binitawan ang controller at nilapag sa mesa. Si Eros naman, poker face.     Napatingin si Marco kay Eros.   “Oy Eros! Ikaw naman ang kumalaban sa akin,” hamon ni Marco.    “Ayokong maglaro,” sabi ni Eros saka umiwas nang tingin.    “Sus! Ayaw mo lang kasi natatakot kang matalo,” nang-aasar na sabi ni Marco.     Hindi naman pinatulan ni Eros ang pang-aalaska ni Marco.    Si Bryan naman ay napapangiti na lamang sa magkakaibigan.     Napatingin si Marco kay Bryan.    “Ikaw Bryan? Gusto mong maglaro?” tanong ni Marco. Ang cute nito lalo kapag nakangiti, labas na labas ang puti at pantay na ngipin  at dahil moreno ang balat nito, kapansin-pansin lalo ang ngiti nito.     Napailing-iling si Bryan.    “Hindi na. Hindi kasi ako marunong niyan,” sagot nito.    “Ganun?” tanong ni Marco.     Napatango-tango si Bryan.    “Wala kasing ganyan sa probinsya namin,” sabi ni Bryan.      “Ah...” sabi ni Marco. “Subukan mo lang-”     “Ayaw nga daw niya.” putol kaagad ni Eros ng hindi tumingin kay Marco.     Napanguso naman si Marco.    “Hays! Nakakabitin naman. Gusto ko pang maglaro,” sabi nito na parang bata lang.     Napapangiti na lamang si Bryan.   - - - - -  - - - - - - - - - - - - -  -     Umalis na sila Marco at Gab kaya naman sila Bryan at Eros na lamang muli ang nasa loob ng bahay.     Nakatayo si Bryan sa terrace. Tinitingnan ang paligid. Napapangiti dahil sa ganda at aliwalas ng panahon.     Iniisip niya ang mga kaibigan sa probinsya. Sa pagpunta nila Marco at Gabi para kay Eros, hindi niya naiwasang ma-miss ang mga kaibigan niya.    “Kumusta na kaya sila?” tanong ni Bryan sa sarili. Napabuntong-hininga.     Hindi naman namamalayan ni Bryan na nakita siya si ni Eros. Huminto ito sa paglalakad at tiningnan siya.    “Anong ginagawa niya dun? Nagsesenti?” tanong ni Eros sa sarili.     Napailing-iling si Eros.    “Ano bang pakiealam ko? Bahala siya,” sabi nito. Huminga ng malalim saka tuluyang bumaba para uminom ng tubig sa kusina.     Nakatayo pa rin si Bryan sa terrace. Ineenjoy ang magandang view.    “Ilang araw na lang pala pasukan na,” sabi ni Bryan. “Halos mag-iisang linggo na pala ako dito,” dugtong pa nito.     Muli na lamang napabuntong-hininga si Bryan.   - - -  - - - - -  - - - - - - - -  -     Bumaba si Bryan at pumunta ng kusina. Naabutan niya doon si Eros na umiinom ng tubig.     Nagkatinginan sila. Sukatan nang tingin.    “Ikaw! Bakit mo sinabing boy niyo ako?” tanong ni Bryan.     Tumigil sa pag-inom si Eros. Inilapag ang baso sa kitchen sink. Ngumisi ito.    “Wala. Iyon rin naman ang ginagampanan mo dito di ba?” tanong ni Eros. “Ikaw ang nagluluto, naglilinis nitong bahay... gawain ng mga boy sa bahay,” sabi pa nito. Ngumiti ng pang-asar.     Sumama naman ang tingin ni Bryan.     “Grabe ka talaga. Pwede mo naman akong ipakilala sa mga kaibigan mo nang maayos.”    “Bakit? Nasaktan ka ba?” tanong ni Eros.     Hindi na nagsalita si Bryan, nakatingin lamang siya ng masama kay Eros. Kumuyom ang magkabilang kamao.     “Bakit ka ganyan makatingin sa akin? Binabalak mo bang saktan ako?” tanong ni Eros. Napatingin din ito sa kumuyom na mga kamao ni Bryan.     Umiwas nang tingin si Bryan. Napabuntong-hininga ito.    “Kalma lang Bryan,” bulong nito sa sarili. Mahaba ang pasensya ni Bryan at hindi siya basta-basta nagagalit pero kapag sobra na, doon siya sumasabog.     Napangisi naman si Eros. Nilapitan nito si Bryan.    Hanggang sa nasa harapan na ni Bryan si Eros. Napatingin siya rito. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin.     ‘Itim na itim pala ang kulay ng gitna ng mga mata niya,’ sa isip ni Bryan. Sa kanya kasi, may pagka-dark brown na nakikita rin ngayon ni Eros.     Mag-iisang minuto na silang nagtitigan ng bigla na lang sininok si Bryan na ikinataka niya. Nangunot naman ang noo ni Eros.     Sunod-sunod ang naging pagsinok ni Bryan kasabay nun ay ang biglang kaba sa kanyang dibdib. Umiwas siya nang tingin kay Eros.    “Uminom ka na nga ng tubig,” sabi ni Eros saka lumayo na kay Bryan at nilagpasan ito.     Kinalma naman ni Bryan ang sarili. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang bilis nang t***k ng kanyang puso.    “Bakit?” nagtatakang tanong ni Bryan sa sarili. Muli na namang sininok kaya kumuha na siya ng tubig at uminom.     Napabuntong-hininga si Bryan pagkatapos uminom. Napailing-iling rin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD