CHAPTER 7

1377 Words
#LivingWithYou CHAPTER 7     Napatigil sa pagwawalis ng sahig si Bryan. Napabuntong-hininga. Tumingala sa hagdanan.     Kanina pa hindi bumababa si Eros. Huling nakita niya ito ay nung maligo ito at parang hangin lamang siya na dinaanan nito kahit na paulit-ulit siyang nagso-sorry dahil sa nangyari.     “Ikaw kasi Bryan... hays!” nag-aalalang sabi ni Bryan sa sarili. Ang bigat tuloy sa loob niya dahil alam niyang galit si Eros sa kanya. Alam naman niyang kasalanan ang nangyari kay mas lalong naging mabigat sa kanya ang sitwasyon.    “Ano kayang gagawin ko? Kailangan maging maayos kami bago pa malaman ni Tita Celine na galit si Eros sa akin,” ayaw na niyang makadagdag pa sa iniisip ni Celine kaya hangga’t kaya niyang ayusin ito, gagawin niya.     Muli na lamang napabuntong-hininga si Bryan. Nag-isip siya ng dapat niyang gawin habang pinagpatuloy na niya ang pagwawalis.   - - - - - --  - - - - - - - - - - - - -     Natapos nang maglinis at magluto si Bryan para sa pananghalian. Ngayon ay nasa tapat siya ng pintuan ng kwarto ni Eros. Nagdadalawang-isip siya kung kakatok ba o hindi. Nahihiya rin kasi siya.    Napabuntong-hininga si Bryan.    “Kaya mo ito Bryan,” sabi niya sa sarili bilang pagpapalakas ng loob.      Lumapit si Bryan sa pintuan. Muling huminga ng malalim. Kinakabahan siya pero kailangan niyang pakalmahin ang kanyang sarili para magawa niya ang pinunta sa kwarto ni Eros, iyon ay ayain itong kumain.     Tinaas ni Bryan ang kanyang kamay, kinuyom ang kamao at kakatok na sana sa pintuan ngunit laking gulat niya dahil bigla itong bumukas at lumabas si Eros.     Nanlalaki ang mga mata ni Bryan habang nakatingin kay Eros na mukha ring nagulat dahil nasa labas siya ng pintuan ng kwarto nito pero kaagad na nakabawi at naging poker face ulit ang itsura nito.     “A-Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Eros. Malamig pa sa yelo ang boses.    Umiwas nang tingin si Bryan. Paano naman kasi, shirtless ang lolo niyong si Eros at tanging boxer short lamang na kulay itim ang suot sa pang-ibaba.    “-L-Luto na kasi ang tanghalian kaya aayain na sana kitang kumain,” sabi ni Bryan ng hindi makatingin kay Eros.     Nangunot naman ang noo ni Eros.    “Bakit hindi ka makatingin sa akin?” nagtatakang tanong ni Eros.     Bigla namang tumingin si Bryan sa mukha ni Eros. Sa mukha lang at iniiwasang bumaba ang mga mata.    “‘Yun nga... tara na at kain na tayo. Nagluto ako ng sinigang na baboy,” aya ni Bryan.     Napatango-tango si Eros habang tagos sa buto ang tingin kay Bryan na lalo namang kinabahan sa klase nang tingin ng una.     “Hintayin mo ako,” sabi ni Eros at papasok na sana pero biglang hinawakan siyang hinawakan ni Bryan sa kanang braso.     Napatingin doon si Eros. Nanlalaki naman ang mga mata ni Bryan at biglang binitawan ang pagkakahawak kay Eros.    ‘Bakit ko ginawa iyon?’ tanong ni Bryan sa sarili. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Kung ano-ano na lang ang nagagawa niya ng hindi namamalayan.    “May kailangan ka ba?” tanong ni Eros.    “Ah... eh...” napakamot sa ulo si Bryan. Nakagat din nito ang ibabang labi. “Ahmm... gusto ko lang sanang humingi ulit ng sorry sayo dahil sa nangyari kanina,” dugtong pa nito.     “Pumasok ka ba kanina sa kwarto ko?” tanong ni Eros.     Napatango-tango si Bryan.    “Pasensya ka na. Ayaw mo kasing gumising nung tinatawag kita para kumain ng almusal kaya pumasok na ako. Wala naman akong nakita. Wala talaga,” sabi nito with matching pag iling-iling pa. Huli na para bawiin ang huling mga sinabi at napatakip ito ng bibig.    ‘Bryan naman!’ hiyaw niya sa kanyang utak. Wala na sana siyang balak sabihin ang pangyayaring iyon ngunit ang bibig niya, walang preno.     Nangunot naman ang noo ni Eros.    “Anong nakita mo?” nagtatakang tanong ni Eros.     “Ah... wala! Wala talaga!”    “Tinanggal mo ba ang comforter sa katawan ko?” tanong kaagad ni Eros.     Muling nakagat ni Bryan ang ibabang labi niya. Napayuko ito. Hiyang-hiya siya at the same time, kabadong-kabado.    “Kaya ka ba wala sa sarili dahil doon?” tanong ni Eros. Nakatingin lamang siya kay Eros.     “Pasensya na talaga. Hindi ko naman kasi alam na-”     “Makikita mo ang lahat sa akin,” dugtong ni Eros sa sinasabi ni Bryan. Ngumisi.      “Sorry talaga!” nagsusumamong sabi ni Bryan. Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay na animo’y nagdarasal.     Napatango-tango si Eros.    “Huwag kang mag-alala. Ok lang iyon,” sabi nito na ikinatingin muli ni Bryan kay Eros.    “Ha?” gulat na tanong ni Bryan.    “Wala lang iyon sa akin dahil parehas naman tayong lalaki. Kung anong nakita mo sa akin, sigurado ako na meron ka din,” sabi ni Eros. “Ikaw kaya ang nagsabi nun. Nakalimutan mo na?” tanong pa nito.     Nag-aalangang napangiti si Bryan.    “Oo nga... tama,” sabi nito saka tumango-tango pa.    “Unless nagnanasa ka sa kaparehas mong lalaki kaya ka nawawala sa sarili,” sabi ni Eros saka nag-smirk. Nanlaki naman ang mga mata ni Bryan.    “Hindi! Hindi ah!” sabi ni Bryan saka umiling-iling ng todo. “Nagulat lang talaga ako kaya nawala ako sa sarili,” dugtong pa nito.     Napangisi si Eros.    “Sige na bumaba ka na. Magbibihis lang ako.”     “Hindi ka na galit sa akin?” tanong ni Bryan. Parang bata lang.    Tiningnan lamang ni Eros si Bryan.    “Sige... bababa na ako,” paalam na lamang ni Bryan.     Muli nang pumasok si Eros sa kwarto nito. Naiwan si Bryan na napabuga na lamang ng hangin.   - - - - -  - - - - - -  - - - - - - -     Nasa sala sila Bryan at Eros. Nanunuod ng anime sa tv si Eros habang nakatutok naman ang mga mata ni Bryan sa bago nitong cellphone at napapangiti pa habang nagpipipindot doon.     Napatingin si Eros kay Bryan. Nakita niyang nakangiti ito habang nagce-cellphone. Nangunot tuloy ang noo niya dahil sa pagtataka kung bakit nakangiti si Bryan.    “Baka tuwang-tuwa dahil may bagong cellphone,” bulong na sabi ni Eros sa hangin. Hindi niya maitatanggi na may ligaya sa pakiramdam niya na nakikita ang ngiti ni Bryan. Napailing-iling tuloy siya.     Inalis ni Eros ang pagkakapatong ng mga paa sa gitnang mesa saka ito tumayo. Pumunta siya sa likod ng single sofa na inuupuan ni Bryan at sinilip ang ginagawa nito sa cellphone.    “Candy crush?” tanong ni Eros.     “Ang sayang pala laruin nito,” natutuwang sabi ni Bryan na hindi man lang nagulat na nasa likod na niya si Eros. Hindi man nga lang nito tiningnan si Eros.     Napangisi si Eros.    “Isip-bata,” napapailing na sabi nito habang pinapanuod si Bryan na hindi naman natinag sa paglalaro dahil tuloy-tuloy lang.    “ ‘Yan! pucha oh! Isa pa! Yes!” tuwang-tuwa si Bryan sa paglalaro.     Napailing-iling na lamang muli si Eros na umalis sa likod ni Bryan at muling bumalik sa pagkakaupo nito.    “Ayos ba ang bago mong cellphone?” tanong ni Eros.     Narinig naman ni Bryan ang tanong ni Eros pero hindi man lang niya tinapunan nang tingin.    “Oo! Maganda saka madali namang gamitin,” sabi ni Bryan.     “Tingnan mo at hindi man lang tumitingin,” bulong ni Eros.    “Hindi mo na pala kailangang turuan,” sabi na lamang ni Eros.     Napatango-tango si Bryan na hindi naalis ang tingin sa nilalaro.    “May manual naman,” sabi pa ni Bryan na patuloy sa paglalaro.     Napasimangot naman si Eros.    “Nagkaroon lang ng bagong cellphone hindi na ako tiningnan.”     Napabuga na lang nang hangin si Eros saka tinutok ang mga mata sa tv.     Ang ingay naman ni Bryan maglaro. Nainis tuloy si Eros.    “Oy! Candy crush lang ang nilalaro mo ang ingay mo pa!” inis na sabi ni Eros.    “Sorry,” sabi ni Bryan pero hindi pa rin nito tiningnan si Eros, ang mas matindi pa ay tumayo na ito mula sa sofa at pumunta sa kusina at doon nagpatuloy sa paglalaro.     Mas lalong napasimangot si Eros.    “Hala adik!” napapailing na sabi nito habang sinusundan nang tingin si Bryan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD