#LivingWithYou CHAPTER 19 “May sasalihan na ba kayong club?” tanong ni Marco sa mga kaibigan. Nasa loob na ulit sila ng classroom at hinihintay ang professor nila na dumating. “Wala pa,” sagot ni Gab. Napailing-iling naman si Eros. Wala kasi siyang interes sa mga ganung klase aktibidad. “Ikaw Bryan?” tanong ni Marco. Napakibit-balikat naman si Bryan. “Hindi ko pa alam. Baka hindi na lang siguro.” Napanguso naman si Marco. Para talaga siyang bata kapag ginagawa niya iyon. “Edi hindi na lang ako sasali. Hay! Gusto ko pa naman sumali sa varsity,” sabi ni Marco. “Sumali ka. Mahilig ka sa basketball at magaling ka naman sa larong iyon,” sabi ni Gab. “Talaga? Magaling ka sa basketball?” interesadong tanong ni Bryan. Napangiti si Marco