#LivingWithYou CHAPTER 20 Sabay sa pag-uwi sila Bryan at Eros. Naglalakad sila ngayon sa loob ng subdivision papunta sa bahay. Napatingin si Eros kay Bryan na diretso naman ang tingin sa dinaraanan nila. Kanina pa sila tahimik at wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Napabuga ng hangin si Eros. Sa totoo lang, hindi na siya sanay na hindi kinakausap ni Bryan. Hindi man ito magsalita o umamin sa kanya pero malakas ang pakiramdam niya na unti-unti itong lumalayo, bagay na kapag iniisip niya ay nagpapabigat sa kanyang loob. Ayaw niyang mangyari iyon lalo na ngayon. “Mamaya na tayo umuwi,” sabi ni Eros. Kaagad namang napatingin si Bryan kay Eros. “Ha?” tanong nito kahit na narinig naman niya ang sinabi ni Eros. “Ipapasyal kita dito sa loob ng subdivisio