#LivingWithYou CHAPTER 21 Nasa tagong parte ng gusali ng eskwelahan sila Bryan at Eros. Magkaharap na nakatayo sa isa’t-isa. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha, ang kanilang mga mata ay nakatitig sa isa’t-isa. Mistulang may hinahalukay sa kanilang kaloob-looban ang kanilang mga tingin. Naririnig ang huni ng mga ibon at ihip ng hangin, sumasabay ang pagaspas ng mga sanga ng puno at halaman sa paligid. Naririnig rin ng bawat isa ang malakas at mabilis na t***k ng kanilang mga pusong tila sumasayaw sa masayang awitin. Tinaas ni Eros ang dalawang kamay at inihawak iyon sa magkabilang side ng mukha ni Bryan na napapikit naman dahil sa hatid nitong sensasyon. Ang may kalakihan nitong kamay na kay init sa pakiramdam. “Gusto kita... gustong-gusto kita,” bulong ni Ero