#LivingWithYou CHAPTER 22 Kanya-kanya ng ginagawa sila Bryan, Eros, Marco at Gab habang naka-indian sit ng upo sa may damuhan. Nasa isang parte lamang sila ng university kung saan pwede rin namang tumambay dito. Abala sa pagbabasa ng notes si Bryan, si Eros naman ay nanunuod ng pelikula sa kanyang cellphone. Si Marco ay binabasa ang latest episode ng paborito niyang w*******l at si Gab, may sinusulat sa kanyang notebook. Napatigil sa pagbabasa si Marco. Tiningnan niya ang kanyang mga kaibigan. Pamaya-maya ay sumagi na naman sa kanyang isipan ang kanyang sitwasyon. Napabuga siya ng hangin. Nasa labas pa lamang ng bahay na may tatlong palapag si Marco ay rinig na rinig na niya ang malakas na sigaw ng kanyang Mama at hagisan ng mga gamit na meron sa loob na sigurad