CHAPTER 23

1253 Words

#LivingWithYou CHAPTER 23     Nasa cafeteria sila Bryan at Yumi. Magkatapat ang mga inuupuan nila. Nakalagay sa mesa ang mga pagkaing binili kanina mula sa counter bago sila maupo.     Napangiti si Yumi nang tingnan niya si Bryan na kumakagat sa hamburger na binili nito.    “So ang Mama pala ni Eros ang nagpapaaral sayo at sa kanila ka nakatira,” sabi ni Yumi kay Bryan.     Napatango-tango si Bryan. Nilunok muna ang nginuyuang hamburger bago nagsalita.    “Oo. Si Tita Celine.”    “Ang bait naman niya.”    Napangiti si Bryan.    “Sobrang bait niya. Hayaan mo kapag may pagkakataon ipapakilala kita sa kanya.”     Napangiti naman si Yumi. Humigop ito ng orange juice straw na nakalagay sa baso nito.    “Kaya pala ang laki ng bagpack mo nung unang beses tayong nagkita. Kaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD