#LivingWithYou CHAPTER 24 Napahinto sa pagpasok si Marco sa loob ng bahay. Napabuntong-hininga ito. Sa totoo lang, mayroon sa loob niya na ayaw munang umuwi muna ngayon dito pero wala naman siyang ibang mapupuntahan. Ayaw niyang makituloy muna kay Eros o kay Gab dahil siguradong magtataka ang mga ito kung bakit at paniguradong magtatanong rin ang mga ito sa kanya. Napabuga ng hininga si Marco. Hinawakan niya ang doorknob ng pinto saka iyon pinihit. Binuksan ni Marco ang pintuan at saka pumasok. “Anak.” Napatingin si Marco sa sala. Nakita niya ang kanyang Mama at Papa na magkahiwalay ang inuupuan. Nasa single sofa ang kanyang Mama na siyang tumawag din sa kanya at ang Papa naman niya ay nasa mahabang sofa. Sumeryoso ang mukha ni Marco. ‘Ito na ba ang