#LivingWithYou
CHAPTER 6
Naginat-inat ng katawan si Bryan habang nakahiga sa kanyang kama. Kinusot-kusot ang mga mata saka dahan-dahan itong idinilat.
Sumalubong sa tingin ni Bryan ang puting kisame. Napangiti siya dahil sa sarap na naman ng kanyang tulog kahit na medyo late na siya nakatulog dahil sa pagkalikot sa bago niyang cellphone kagabi.
Napatingin si Bryan sa bintana ng kanyang kwarto.
“Maliwanag na pala sa labas,” malalim ang boses ni Bryan.
Pamaya-maya ay nanlaki bigla ang mga mata at lalong nagising ang diwa.
“Hays!” sabi niya sa sarili sabay bangon sa katawan. Natataranta na siya. “Anong oras na?” tanong pa nito sa sarili sabay tingin sa wall clock. Mas lalo siyang nanlumo dahil alas otso na ng umaga.
“Tinanghali ako ng gising,” sabi ni Bryan sabay matinding kamot ng dalawang kamay sa ulo kaya mas lalong gumulo kanyang buhok.
Mabilis na ang naging kilos ni Bryan. Tuluyan na siyang umalis ng kama, sinuot ang tsinelas na nasa sahig. Pumunta sa harapan ng salamin at sinipat ang sarili. Tinanggal ang tulo laway sa magkabilang gilid ng labi niya.
Lakad-takbo ang ginawa ni Bryan palabas ng kwarto at pababa ng hagdan. Kaagad siyang nakarating sa kusina.
“Kailangan ko nang magluto ng almusal,” sabi ni Bryan sa sarili.
Tinungo niya ang refrigerator. Bubuksan na sana niya ang pintuan nito pero natigil siya dahil nakita niyang may nakadikit na sticky note doon. Kinuha niya iyon saka binasa ang nakasulat.
Pumasok na ako sa work. Kayo ng bahala sa pagkain ninyo. Bantayan niyong mabuti ang bahay. – Celine.
Nakaramdam naman ng hiya si Bryan. Napabuntong-hininga.
“Nakakahiya kay Tita. Hindi man lang siya nakakain ng almusal,” dismayadong sabi ni Bryan.
Laglag tuloy ang may kalapadang balikat ni Bryan. Binuksan na lamang ang pinto ng refrigerator at kumuha ng mga lulutuin niya ngayong almusal.
- - - - - - - - - - - - - - - - -- -
Natapos na magluto at maghain sa mesa si Bryan. Pritong hotdog, itlog at sinangag ang kanyang niluto.
Naglakakad si Bryan ngayon papunta sa hagdanan. Nang makarating doon ay umakyat na rin siya papunta naman sa kwarto ni Eros. Kailangan na kasi niyang gisingin ang prinsipe dahil nakakahiya naman kung mauuna siyang kumain.
Nakarating sa tapat ng kwarto ni Eros si Bryan. Hindi muna ito pumasok doon kundi tumayo lang siya sa harapan. May pagdadalawang-isip siya kung papasok pa ba siya o kakatok na lang.
Sa huli ay ginawa na muna ni Bryan ang pangalawang option niya, lumapit siya sa pinto at kinatok niya ang pintuan ng kwarto ni Eros.
“Eros!” pagtawag niya rito sabay katok ng dalawang boses.
Walang sagot mula sa loob.
“Eros!” naging tatlo na ang pagkatok niya at may kalakasan.
Still no response.
“EROS!!!” nilakasan na ni Bryan ang pagtawag at dinagdagan pa ang pagkatok sa pinto. “Kakain na ng almusal,” dugtong pa nito sa sinasabi.
Still, wala pa rin.
Napabuntong-hininga naman si Bryan. Napakamot pa ito sa ulo.
“Pasukin ko na nga,” sabi ni Bryan.
Hinawakan ni Bryan ang doorknob ng pinto saka iyon pinihit. Hindi naka-lock kaya malaya niya itong nabuksan.
Sumilip si Bryan sa loob. Tanging ang ilaw lamang na galing sa lampshade na nakapatong sa side table ang nakabukas kaya medyo may kadiliman ang loob ng buong kwarto.
“Eros! Gising na! Kakain na!” tawag ni Bryan.
Napatingin si Bryan sa gawi ng kama. Nakita niya kasing may gumalaw doon pero sandali lang iyon. Sa tingin niya ay doon nakahiga si Eros at tulog pa rin ito.
Bumuntong-hininga si Bryan. Tuluyan na lamang siyang pumasok sa loob.
Sa halip na dumiretso si Bryan sa kinaroroonan ng kama ni Eros ay sa bintana siya pumunta. Hinawi niya ang kurtinang kulay blue at binuksan ang bintana. Pumasok ang liwanag sa buong kwarto.
Pinagmasdan ni Bryan ang kabuuan ng kwarto ni Eros. Malawak at kumpleto sa gamit. Napangiti pa siya dahil nakakita siya ng malaking shelve na punong-puno ng mga libro. May sarili rin itong study table kung saan may nakapatong na laptop. Tanging ang orasan lang ang nakasabit sa dingding na puti ang meron sa pader at walang nakadikit na kung ano-anong posters or whatever.
Napansin rin niya ang malaking cabinet na nasa kaliwang gilid. Sa kanyang tingin ay doon nakalagay ang mga damit at iba pang gamit ni Eros.
Masasabi ni Bryan na masinop at malinis si Eros. Malinis kasi at nakaayos ang bawat gamit nito sa kwarto. Walang kalat na nakikita sa paligid.
Matapos libutin nang tingin ni Bryan ang kabuuan ng kwarto ni Eros na pinaghalong blue at puti ang kulay ay tiningnan na niya si Eros sa kama.
Napasimangot si Bryan. Hanggang ngayon kasi ay tulog pa rin ito kahit na natatatamaan na ng liwanag galing sa labas ang hinihigaan nito. Nakabalot hanggang leeg ang kumot na animo’y lamig na lamig.
Naglakad si Bryan palapit sa kama ni Eros. Tumayo siya sa gilid nito.
“Eros! Gumising ka na diyan. Tanghali na kaya,” paggising ni Bryan sabay yugyog sa balikat ni Eros.
“Uhmmmm...” ungol lang ang ginawa ni Eros saka umiba ng higa sa kama. Tumihaya ito.
“Uy! Gumising ka na diyan!” tawag muli ni Bryan. Muli niyang niyugyog si Eros.
Pero wala pa ring nagawa iyon para magising ang prinsipe.
Hindi maintindihan ni Bryan pero napatitig siya sa maamong mukha ni Eros habang ito ay tulog. Hindi niya mapigilang mapangiti.
“Mukha kang anghel kapag tulog pero kapag gising... hays!” sabi ni Bryan sa sarili saka natawa pa.
“Kumukunot pa ang noo,” sabi ni Bryan. Nakita niya kasing kumukunot pa ang noo ni Eros. “Ang kapal pala ng kilay mo at itim na itim...” sabi pa nito.
Nawawala sa sarili si Bryan. Bahagya siyang yumuko saka nilapit pa ang mukha sa mukha ni Eros. “Ang haba rin ng mga pilikmata mo... ang ilong, matangos,” sabi pa nito. Bumaba ang tingin ni Bryan at napunta sa labi ni Eros. “At ang labi mo... pinkish at halatang malambot,” huling sabi pa nito. Sa parteng iyon ng mukha ni Eros mas matagal na tumitig si Bryan.
Hanggang sa bumalik sa sarili si Bryan. Nanlalaki ang mga matang nilayo nito ang mukha kay Eros.
“Hays! Ano bang nangyayari sa akin?” naiinis na tanong nito sa sarili.
Huminga nang malalim si Bryan.
“Uy! Eros! Gumising ka nga diyan!” naiinis na si Bryan. Idinadaan na lamang niya sa inis ang ginawa niyang kaabnormalan. Kung bakit niya kasi tinitigan ang mukha ni Eros, ito tuloy mukha siyang engot na hindi alam kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman.
Niyugyog-yugyog ni Bryan ang katawan ni Eros pero tulog mantika ito dahil hindi man lang magising-gising.
Hanggang sa...
“Ayaw mong gumising ah!” sabi ni Bryan. Napangisi ito.
Hinawakan ni Bryan ang itaas na bahagi ng comforter nito na nakabalot saka tinanggal sa katawan ni Eros.
Pero dapat hindi na lamang ginawa ni Bryan.
Nanlalaki ang mga mata ni Bryan habang tulalang nakatingin sa... hubad na katawan ni Eros.
Kitang-kita ng dalawang mga mata ni Bryan ang may kalapadan nitong mga balikat, ang may laman nitong mga braso, ang medyo maumbok na nitong dibdib na pinarisan ng pinkish at may kalakihang mga u***g, ang flat at may 4 pack abs na tiyan nito at higit sa lahat... ay ang birdie nito na nakasaludo pa pataas dahil tigas na tigas. Morning wood ba tawag dun? Katulad ng balat sa katawan ni Eros, maputi rin ang katawan at pinkish ang ulo.
Hindi makapaniwala si Bryan na makikita niya itong hubad. Natutulog ng wala man lang kahit anong saplot sa katawan?
Bumalik naman sa sarili si Bryan, kaagad niyang ibinalik sa pagkakabalot sa katawan ni Eros ang comforter. Pinunasan ang pawis sa noo.
“Hooo! Anong bang nangyayari sa mundo?” natatarantang sabi ni Bryan. Pinaypayan pa niya ang sarili gamit ang magkabilang kamay dahil biglang uminit.
“Bahala ka na nga diyan!” napapailing na sabi ni Bryan saka dali-dali na itong lumabas ng kwarto ni Eros.
Si Eros, ayun at tulog pa rin.
- - - - - - - - - - - - - - - -
Alas nuwebe trenta nagising si Eros at talagang hinintay ni Bryan na magising ito bago kumain ng almusal. Pinahinga rin muna kasi niya sa kanyang kwarto ang kanyang utak dahil sa patuloy na pagtakbo ng nakita niya sa kanyang isipan.
Pero walang nagawa ang pagpapahinga ni Bryan dahil hanggang ngayon na nasa mesa sila at sabay na pinagsasaluhan ang almusal ay tumatakbo pa rin iyon sa kanyang isipan kaya siya nakatulala.
Nakatingin naman si Eros kay Bryan. Magkatapat sila sa mesa kaya nakikita ng bawat isa ang kanilang mga ikinikilos. Nagtataka kung bakit parang wala sa sarili si Bryan.
“Anong nangyayari dito?” nagtatakang tanong ni Eros sa sarili. Kumagat ito sa hotdog na nakatusok sa kanyang tinidor.
“Oy!” tawag ni Eros kay Bryan.
Deadma si Bryan.
“Oy Bryan!” pagtawag muli ni Eros.
Pero deadma pa rin si Eros kaya naman nakaramdam ito ng inis.
“OY BRYAN!!!” sumigaw na si Eros kaya naman halos mapatalon at muntikan ng mahulog si Bryan sa kinauupuan at nanlalaki ang mga mata na tumingin kay Eros.
“Ha?” nagtatakang tanong ni Bryan.
“Ano bang nangyayari sayo?” tanong ni Eros.
Hindi nagsalita si Bryan. Nakatingin lamang ito kay Eros, pamaya-maya ay napababa pa ang tingin nito. Kahit na nakasuot na ng blue na tshirt si Eros ay naaalala pa rin ni Bryan ang hubad na katawan nito. Alam niyang nakabihis na ng pantaas at pang-ibaba na damit si Eros pero bakit nakikita niya pa ring hubad ito? Nababaliw na siya.
“Oy! Nababaliw ka na ba?” tanong ni Eros na takang-taka na talaga sa mga kakaibang kilos ni Bryan.
“Ah Wala!” napapailing na sabi ni Bryan saka umiwas nang tingin kay Eros at yumuko ito. Mabilis na nilantakan ang pagkain na nasa plato na niya.
Nakakunot pa rin ang noo ni Eros habang nakatingin kay Bryan. Napapailing pa ito dahil kakaiba talaga ang kilos nito ngayong umaga. Parang may nangyaring hindi ok at hindi niya alam.
‘Kalimutan mo na ‘yon Bryan,’ sabi naman ni Bryan sa isipan niya. Kung bakit ba naman kasi nakahubad pa si Eros kapag natulog.
Sa totoo lang, ngayon lang kasi nakakita si Bryan ng ibang katawan ng lalaki at birdie kaya nagkakaganito siya.
“Oo nga pala, pumasok ka ba sa kwarto ko? Naabutan ko kasing bukas iyon at iyong bintana nung gumising ako...” biglang naibuga ni Bryan ang kinakain niya dahil sa gulat ng biglaang tanong ni Eros kaya naman nagtalsikan iyon hindi lamang sa mga pagkaing nasa mesa kundi pati na rin kay Eros. “Yuuuucccckkkk!!!” nandidiring sabi ni Eros na tiningnan ang nadumihan niyang damit ang sarili. “A-Ano bang problema mo?” inis na tanong pa ni Eros habang pinapagpag ang sarili.Tiningnan pa ng masama si Bryan.
“Sorry!” sabi ni Bryan na natataranta na naman. Kaagad itong tumayo sa kinauupuan at nilapitan si Eros saka tinulungan itong alisin sa damit nito ang mga naibuga niyang kanin at hotdog mula sa kanyang bibig.
“Lumayo ka nga!” galit na asik ni Eros. Tinabig nito ng malakas ang kamay ni Bryan saka tumayo ito mula sa kinauupuan.
“Sorry talaga!” paghingi ng dispensa ni Bryan kay Eros na naglalakad na palayo sa kanya. Likod na lamang nito ang nakikita niya rito.
Malakas ang mga yabag ng paa ni Eros habang paakyat ng hagdan. Narinig pa ni Bryan ang malakas na kalabog ng pinto.
Malalim naman na napahinga si Bryan. Hinilamos pa nito ang mga kamay sa mukha.
“Hays! Ikaw naman kasi Bryan!” pinagalitan nito sa sarili. Kahit siya ay naiinis sa sarili. “Ano bang nangyayari sa akin?” tanong pa nito sa sarili saka umiling-iling.