Chapter Two

2051 Words
Chapter Two               Dalawang araw na buong araw siyang pumasok sa opisina pero wala ang boss nila. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil kahit paano ay tahimik ang buong paligid nilang dalawa ni Andrea. Walang nagagalit, walang nakasimangot, walang nakabulyaw.               "Yoko, saan ka maglunch mamaya?" tanong ni Andrea sa kanya. Natutuwa siya rito dahil mabait talaga ito sa kanya. Ramdam niyang totoo ito, medyo diretsahan lang  talaga magsalita minsan pero mas okay na ang gano’n para sa kanya. Isang taon lang ang tanda nito sa kanya pero maaga raw kasi itong nagsimulang mag-aral noon kaya nagta-trabaho na ito sa edad na bente uno ngayon. Nakakabilib dahil sobrang sipag din nito sa trabaho at talagang matiyaga.               "Hindi ko nga alam eh. Wala akong dala na baon ngayon eh. Saan ba may malapit na kainan dito?" tanong naman niya.               "Sabay ka nalang sa akin mamaya. Do'n tayo sa kabilang building. May masarap na kainan do'n. Promise, magugustuhan mo ro’n. Madalas akong bumili ng ulam do'n eh," nakangiting tugon ni Andrea sa kanya. Tumango naman siya at nagbalik trabaho nang muli.               Kinahapunan habang naglalakad siya sa tapat ng gusali ng pinapasukan niya ay tila may kotseng mabagal na umaandar sa gilid niya. Hindi niya naman ito pinansin at nagpatuloy pa rin siya sa paglakad. Huminto siya sa hintayan ng mga pasahero kung saan nagsasakay ang mga UV Express. Nakita niyang huminto rin ang kotse sa tapat niya. Hindi na lang sana niya ito papansinin ngunit nagbaba ito ng bintana.               "Hi, Yoko. Hop in the car, I will send you home," sabi ng nasa kotse. Ilang segundo niya itong tinitigan at laking gulat niya nang makita ang boss niyang si Travis pala ang nagmamaneho ng mustang na 'yon. Napalapit siya rito.               "Boss Travis, hello po," magalang na bati niya kaagad rito.               "Come on, sakay na. Saan ka ba banda umuuwi?" alok nito. Nakaramdam naman siya ng hiya.               "Naku, huwag na po. Maghihintay na lang po ako ng van," tanggi niya sa alok nito.               "Sige na. Huwag ka nang mahiya sa'kin. Sakay na," pilit pa rin nito sa kanya. Napabuntung hininga siya pero pumayag na rin siya sa bandang huli. Sumakay siya sa kaliwang side ng kotse nito. Grabe, sobrang yaman talaga ng boss niya. Unang beses niyang makasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Alam niyang mamahalin ang ganito dahil ganito ang pangarap na kotse ng kaibigan niyang si Jiro. Mabilis siyang nagsuot ng seatbelt habang nakikiramdam.               "Sa may bandang Welcome Rotonda lang po ako," mabilis na sabi niya na lamang rito. Nakita niyang napailing naman ito.               "Too formal again, Yoko," saway nito sa kanya. Natigilan naman siya. Ano ba ang gusto nito? Hindi niya ito tawaging Sir tapos hindi rin siya mag-po or opo rito? Mahirap naman yatang gawin 'yon sa sitwasyon niya.               "Naku, Sir. Parang hindi ko po kayang hindi maging formal kapag kayo ang kausap. Boss ko po kayo eh," pag-amin niya. Nakita niyang napangiti ito sa isinagot niya.               "Aalisin mo lang naman ang pag-po at ang pagtawag sa'kin ng Sir. Hindi mo naman siguro ako babastusin, hindi ba? Para mas close tayo," lahad nito. Napaisip na naman siya sa mga binitiwan nito. Bakit naman nito gugustuhin na maging close sa kanya? Samantalang hamak na OJT lang naman siya sa kumpanya nito? Pinili niyang hindi na lamang tumugon pa. Nginitian na lamang niya ito.               "Don't feel awkward with me, Yoko. Hindi naman ako masamang tao," sabi pa nito sa kanya.               "Ay, hindi naman po ako nag-iisip nang ganyan. Alam ko namang mabait po kayo," mabilis na tugon niya rito.               "Ayan ka na naman sa po mo," saway nitong muli sa kanya.               "Sorry. I mean, alam ko namang mabait ka," pagtatama niya sa naunang sinabi.               "Yeah, right. Mabait naman talaga ako basta mabait lang rin ang iba sa'kin," nakangising tugon nito sa kanya. Natanaw na niya ang lugar nila.               "Sa may gilid na lang po ako," sabi niya kay Travis. Agad naman itong tumingin sa side mirror at nagsignal light.               "Do'n na ba kita ibababa? Baka naman malayo pa ang lalakarin mo papasok, ha?" tanong nito habang iginigilid ang kotse.               "Malapit na po kami ro'n. Takot kasing pumasok kadalasan ang mga may kotse ro'n sa lugar namin. May tanim droga kasi minsan do'n. Tapos minsan may bigla na lang naghahagis pa ng bato, nagugulat na lang 'yong driver, basag na 'yong windshield niya kahit wala naman siyang nakitang tao sa paligid," kwento niya kay Travis. Nakita niyang nanglaki ang mga mata nito. Napangisi naman siya. Sa ganda ng kotse nito malamang malayo pa lang eh pinagti-trip-an na siya ng mga tambay sa kanto nila. Wala pa namang magawa ang mga 'yon sa mga buhay nila kundi ang magbwisit ng kapwa.               "Sige. Ibaba na kita rito. See you at the office na lang tomorrow. Bye, Yoko," sabi nito sa kanya. Agad naman siyang nag-alis ng seatbelt at nagbukas ng pinto ng kotse.               "Salamat sa paghatid, Sir Travis. I mean, Travis," mabilis na pagtama niya sa naunang sinabi. Kumaway siya rito at isinara na ang pinto ng kotse. Tumalikod na rin siya kaagad at hindi na niya hinintay pang makalayo ang kotse ni Travis. Habang naglalakad ay may bumati naman sa kanya.               "Ayos 'yong kotse no'ng naghatid sa'yo, Yoko. Boyfriend mo ba 'yon? Hindi yata 'yon 'yong laging naghahatid sa'yo rito ah?" bati sa kanya ni Felix, isa sa mga kapitbahay at kababata niya.               "Hindi ko boyfriend 'yon, malisyoso ka talaga. Taga-kumpanya namin 'yon," mabilis na tanggi niya. "Kung ako sa'yo, asawahin mo na 'yon. Kotse pa lang no'n ilang bahay na kaagad ang kayang mabili," payo nito sa kanya. Inirapan na lamang niya ito at nilagpasan na. Naisip niya kasing baka nakainom lang 'yon kaya hindi na niya pinatulan pa.               Pag-uwi niya ng bahay ay nagsearch kaagad siya ng tungkol sa Maghari Empire. Napakalaking kumpanya pala talaga nito? Hindi lang ito basta-basta real estate company dahil construction company rin pala ito. Ibig sabihin, mula simula ay sa kanila? Ang buong akala niya ay nagbebenta lamang ito ng mga properties, pero ito rin pala mismo ang gumagawa? Napakaswerte pala niya at malaking kumpanya ang napasukan niya sa OJT? Magandang mailagay 'yon sa resume niya kapag mag-a-apply na siya ng trabaho. Nakatulog na lamang siya nang gabing 'yon sa kaka-research tungkol sa kumpanyang nila Travis.               Kinaumagahan ay maaga ang unang klase nila Yoko kaya kahit inaantok pa kanina ay bumangon na siya. Binaon na nga lang rin niya ang dapat sanang almusal niya dahil sa pagmamadali. Mahirap pa naman sumakay sa umaga dahil maraming kasabayan. Nagpa-quiz lamang ang prof nila. Kahit mabilis siyang natapos ay hindi pa siya kaagad nagpasa ng papel dahil ayaw niyang siya ang maunang mag-abot sa prof nila. Iniisip niyang baka marami siyang mali na sagot at lagot siya kaya hinintay muna niyang may ibang mauna. Mahapdi na rin ang sikmura niya dahil hindi pa siya nag-aalmusal. Agad siyang tumayo nang makitang may isang nagpasa ng papel nito. Mabilis siyang sumunod at nagpasa na rin. Sumenyas siya kay Janice na sa canteen muna siya at doon na muna niya hihintayin ang magkapatid. Tumango naman ito sa kanya.               Mabilis siyang nagtungo sa canteen para kainin ang baon niyang almusal. Ngunit habang kumakain ay narinig niyang dalawang beses na tumunog ang cellphone niya. Agad naman niya itong binasa. Nakatanggap siya ng dalawang mensahe. Ang isa ay galing kay Troy. Ang isa naman ay  galling sa unregistered number na naman. Inuna niyang basahin ang mensaheng nanggaling kay Troy. 'Hi, Yoko. Mangungumusta lang, wala ka na kasing naging reply sa akin last time eh. Nakikipagkaibigan lang ako, huwag ka sanang matakot,' sabi ng mensahe nito. Mabilis naman siyang nagreply rito. 'Sorry, naging busy lang sa office at school. Don't worry, okay lang naman sa akin. I don't mind,' sinend na niya ang reply at saka binasa naman ang mensahe na nanggaling sa unregistered number. 'What time are you going to come here, Yoko?' sabi sa mensahe. Napakunot ang noo niya. At habang iniisip niya kung sino ito ay nagsend pa ulit ito ng isa pang mensahe. 'This is Travis, by the way. Save my number,' Mas lalong nanglaki ang mata niya nang malaman na ang boss pala niya ang nagtext sa kanya. Ano ba ang mayro'n at parehong nagti-text sa kanya ang magkapatid na Travis at Troy? Naglalaro ba ng pustahan ang mga 'to? Nireplyan na lamang niya si Travis at hindi na nag-isip pa nang kung ano. 'After ng second subject po, aroung 2pm siguro,' mabilis niyang sinend ang reply at nagpatuloy na sa pagkain. Ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano. Gusto lamang niyang makapagtapos nang mabilis at maayos kaya kung ano man ang trip ng dalawang magkapatid na 'yon, siguro ay sasakyan na lamang niya. Kailangan pa rin kasi niyang pakisamahan ang kahit na sino sa kanila.               Kakatapos lamang ng pangalawang subject nila Yoko at kasalukuyan silang nagmi-merienda at tumutuhog sa fishball at kikiam ng suki nilang tindero nang may marinig silang tatlong sunud-sunod na busina. Noong una ay hindi nila ito pinapansin pero nang may tumawag sa pangalan niya ay agad nilang hinanap ang boses ng kung sinuman ang tumawag. Punung-punu pa ang bibig ni Yoko habang inaaninag kung sino ang driver ng kulay asul na Ford Raptor na nakaharang sa gate ng school nila. At halos maibuga niya ang kinakain nang makitang si Travis pala ang may dala no'n?!               "Anak ng tinapa?!" bulong niya. Iba na naman ang sasakyan na dala nito? Pero hindi 'yon ang big deal. Hindi nakakagulat na paiba iba ito ng sasakyan dahil mayaman naman ito. Ang mas nakakagulat ay kung bakit ito nandito ngayon? Sa tapat mismo ng school nila at tinatawag ang pangalan niya? Mabilis naman siyang tumakbo para lapitan ito at tanungin.               "Bakit ka nandito, Travis?" pabulong na tanong niya rito. Nginitian naman siya nito kaagad.               "Sinusundo ka kasi sabi mo kanina 2pm ka pupunta sa opisina. Sakto, quarter to two na rin naman. Tara," mabilis na tugon nito. Napakunot naman ang noo niya sa isinagot nito.               "Opo, 2pm nga ako pupunta. Pero bakit kailangan mo pa akong sunduin? Sa tapat pa mismo ng school ko? Look, pinagtitinginan ng mga estudyante ang kotse mo. At malamang, kasalukuyan na rin akong nachi-chismis nito," tugon naman niya.               "Hayaan mo sila. Tara na, ayaw mo bang mabilis makatapos sa OJT hours mo?" tanong nito. Wala na naman siyang nagawa. Mula sa malayo ay kumaway na lamang siya sa dalawang kaibigan at nagpaalam. Nakatulala lang naman ang mga ito sa kanya habang sumasakay siya sa sasakyan ni Travis. Mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan.               "Ano po ba ang meron, Travis?" naguguluhang tanong na niya rito. Tila naguluhan din naman ito sa itinanong niya.               "What do you mean?" balik na tanong rin nito sa kanya. "Ang weird lang kasi na ihahatid at susunduin niyo ako. Ipapaalala ko lang po sa inyo, OJT ako," matapang na tugon niya rito.               "Yes, OJT ka nga namin, but you're no longer a minor, right?" tanong nito sa kanya. Natahimik naman siya. Ano bang pinupunto nito? Ano naman kung hindi na siya menor de edad? Ano ang koneksyon no'n?               "Ano pong kinalaman ng hindi ko pagiging minor sa paghatid at sundo niyo?" tanong niyang muli.               "Wala naman. I just brought it up. Saka honestly, gusto ko lang naman gawin na ihatid ka at sunduin. Wala naman sigurong masama, di'ba? Wala naman sigurong magagalit?" tanong pa nito.               "Mayroon po. Mayroong magagalit," mabilis na tugon niya. Napa-preno naman ito bigla, buti na lamang at nakaseatbelt siya.               "May boyfriend ka na?!" gulat na tanong nito sa kanya. Pati siya ay nagulat din sa tanong nito kaya agad naman siyang napailing.               "Parents ko po ang magagalit kapag may maghahatid at magsusundo sa akin na iba. Dapat ba boyfriend ang magalit? Parents lang po eh," tugon naman niya rito. Seryoso siya sa naging sagot niya rito. Magulang naman talaga niya ang magagalit dahil ayaw ng mga 'yon na kung kani-kanino siyang lalaki basta sasama. Siyempre, mag-isang anak lang siya tapos ay babae pa.               "Akala ko naman meron na eh. Ikaw talaga, Yoko, Pinakaba mo naman ako masyado," nakangiting tugon nito sa kanya at muling nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD