Chapter One

2769 Words
Chapter One               Minsan kahit ano palang ingat mo sa isang bagay, darating at darating 'yong panahon na mayroon kang magagawang mali na pagsisisihan mo rin sa bandang huli. 'Yong tipo na hihilingin mong maibalik sana muli ang mga oras at panahon para mabalaan ang sarili mong huwag magpadalus-dalos. Kung magagawa mo lamang sana 'yon, baka sakaling nabago mo pa ang iyong naging desisyon. Hindi ka sana lumuluha at nagtatanong sa sarili mo ngayon.               Isang kolehiyala si Yoko Salvador sa Adaba University na isang sikat na unibersidad sa Maynila. Anim na buwan na lang at makakapagtapos na siya. Matutupad na niya ang pangarap ng mga magulang niya para sa kanya. Kasama niya ang dalawang kaibigan na sila Janice at Jiro, kambal ang mga ito at simula sa unang taon nila sa kolehiyo ay kaklase na niya ito sa kursong Business Management. Nagtutulungan silang magkakaibigan kapag may isang nahuhuli sa akademya, kaya ngayon ay naghihintay na lamang sila ng ilang buwan upang makuha nila ang diploma at tuluyang makapagmartsa na sa entablado.               Isa siyang certified NBSB, dahil itinuon niya ang lahat ng oras niya sa pag-aaral noon. Ang iba sa mga kaklase nila ay nakailang palit na ng mga kasintahan mula unang taon sa kolehiyo hanggang sa ngayon. Hindi naman siya nakaramdam ng inggit sa mga ito, alam naman niyang kung may nakalaan para sa kanya ay kusang darating ito at hindi niya kailangang hanapin.               "Poks, nakita mo ba si Kuya?" tanong ni Janice sa kanya. Kuya ang tawag nito kay Jiro dahil si Jiro raw ang huling lumabas nang ipinanganak sila kaya ito ang mas matanda.               "Kanina nasa canteen no'ng nagmerienda ako. Parang may kausap siya? Sino nga ba 'yong bago nilang ka-tropa? Mikko? Oo tama, 'yong Mikko ang kausap niya kanina. Bakit?" tugon niya rito.               "Wala naman. Nagtext kasi si Mommy, pinapauwi siya saglit, eh hindi raw sumasagot sa tawag," tugon naman nito. Nagpaalam na ito sa kanya para hanapin ang kapatid nito. Tumango na lamang siya at nagpatuloy na muli sa pagbabasa ng libro.               Maya maya lamang ay papasok na siya sa opisina para sa OJT niya. Kakasimula pa lamang niya noong nakaraang araw at dahil may pasok sila kahapon ay ngayon pa lamang siya ulit babalik doon. Kinakabahan nga siya dahil hindi niya kasama roon sila Janice at Jiro. Hindi kasi sila natanggap doon, pero natanggap ang dalawa sa unang kumpanyang in-apply-an nila. Nang makita niyang alas dos na ay nagligpit na siya ng mga gamit. Mabilis niyang inilagay sa bag ang mga libro at notebooks niya. Nagsend na lamang siya sa groupchat nilang tatlo na aalis na siya. Sumakay siya ng tricycle para magpahatid sa terminal ng van.               Hindi mayaman ang pamilya ni Yoko, ngunit hindi rin naman sila mahirap. Kumbaga sa ranking ng pamumuhay ay nasa middle class sila. Parehong may trabaho ang mga magulang niya kaya kahit paano ay naitatawid nila nang maayos ang pamumuhay. Pero pangarap niyang patigilin na sa pagta-trabaho ang mga magulang dahil may edad na rin ang mga ito. Kung swertehin man pagka-graduate niya, kapag makapag-ipon siya, gusto sana niya ay pundaran na lamang ng negosyo ang ama at ina para hindi na nila kailangang magpakapagod pa. Iisang anak lamang siya ng mga ito, pero alam niyang maraming isinakripisyo ang mga magulang niya para mapag-aral lamang siya noon at hindi mahinto.               Pumara siya sa tapat mismo ng building ng opisina kung saan siya nag-o-OJT. Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa reception area. Nag-iwan siya ng id kapalit naman ng access badge niya. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 14th floor. Pumunta siya sa pwesto niya at binuksan ang computer. Alas dos y media siya nakapagtime in. Agad niyang chineck ang email niya at may mga tasks na siya mula sa sekretarya ng boss niya. May mga pinapaayos lang naman na mga documents sa kanya, kaya kaagad niya itong sinumulan. Abala siya sa ginagawa kaya hindi niya naramdaman na may tao na pala sa likod niya.               "So, you must be the new OJT," rinig niyang sabi nito. Kaagad naman siyang napalingon at napanganga nang makitang isang makisig na lalaki ang nakatayo sa likod ng upuan niya. Hindi niya ito kilala pero mabilis siyang tumayo mula sa upuan niya para batiin ito.               "Good afternoon, Sir. Yes, I'm the new OJT from Adaba University. I'm Yoko Salvador, Sir," pakilala niya rito. Agad naman itong ngumiti sa kanya. Kumpleto at maputing mga ngipin ang mayroon ito.               "You're too formal, Yoko. I'm Travis Maghari. Just call me Travis, without the Sir," pakilala rin nito sa kanya. Inilahad nito ang kamay at agad naman niya itong inabot para makipag shake hands.               "Oh my God, Boss Travis! Sabi mo kanina hindi ka papasok?!" gulat na gulat na tanong ni Andrea. Agad naman niyang binitiwan ang kamay ni Travis nang marinig ang sinabi ni Andrea sa kanya. Si Travis ang boss nila? Ganito kabata ang boss niya? Nakita niyang lumapit si Andrea sa kanilang dalawa.               "Nga pala, Boss. Si Yoko, OJT natin. No'ng isang linggo po siya nag-apply, at si Boss Troy ang pumili sa kanya. Yoko, si Boss Travis. Siya ang Boss natin," pakilala ni Andrea sa kanila. Ngumiti lang naman siya rito.               "Yes, we have introduced ourselves already. You may take your seat, Yoko. Dumaan lang naman ako rito. Aalis din ako kaagad," tugon nito. Tumango siya at sumunod na sa sinabi nito. Muli siyang umupo at itinuloy ang trabahong ginagawa niya kanina. Narinig na lamang niya na sinitsitan siya ni Andrea. Si Andrea ang sekretariya ni Travis. Napakabait nito sa kanya.               "Psst. Yoko, tara rito," rinig niyang pabulong na tinatawag siya nito. Agad naman siyang lumapit dito para magtanong.               "Bakit?" pabulong na tanong niya rin kay Andrea.               "Ano'ng sinabi sayo ni Boss Travis?" tanong nito sa kanya. Nagkibit balikat naman siya.               "Wala naman. Nagpakilala lang siya sa'kin kanina. Bakit?" tugon niya rito.               "Akala ko naman kung ano na. Mag-ingat ka do'n ha? Basta medyo umiwas ka," babala nito. Napakunot naman ang noo niya. Pero kahit nagtataka, pinili niyang huwag nang magtanong pa kay Andrea.               "Bata pa pala 'yong boss natin, ano? Akala ko, mga nasa 40s or 50s na kasi usually gano'n ang age bracket ng mga bigtime boss sa pelikula o sa mga teleserye eh," komento niya. Narinig naman niyang bahagya itong tumawa.               "Bente singko pa lang 'yang si Boss Travis. Mayaman kasi sila at maraming negosyo, kaya alam mo na, at their age tagapagmana na sila kaagad ng kumpanya ng mga magulang nila. May kapatid pa 'yan, si Boss Troy, 'yon nga ang pumili sayo eh. Nagulat na lang ako inabot na sa'kin ang resume mo tapos sabi magstart ka na raw kaagad," kwento nito. Napatango-tango naman siya. Naisip niyang iba rin talaga ang buhay kapag mayaman ka. Hindi ka mahihirapan pagkatapos mong mag-aral. Kahit hindi mo galingan, sigurado naman na kaagad ang kinabukasan. Hindi na kailangang pagpawisan.               "Kapag may ipapagawa ka pa sa'kin sabihan mo lang ako ha? Patapos na ako do'n sa in-email mo sa'kin kanina. Salamat," tugon niya rito bago siya muling bumalik sa pwesto. Mabilis niyang tinapos ang task at muling maghintay ng susunod na task sa email niya pero wala nang sinend sa kanya si Andrea. Inutusan na lamang siya nitong magphotocopy ng mga documents, kaya nagtungo siya sa bandang gilid ng pantry dahil naroon ang mga printer, scanner, shredder at Xerox machine. Ilang minuto muna niyang inaral kung paano gamitin ang xerox machine. Dalawang beses muna siyang namali sa mga unang subok niya pero nagawa rin niya nang tama sa pangatlong subok. Tuloy-tuloy na ang machine sa pagphotocopy. At habang naghihintay matapos ang machine ay chineck muna niya ang kanyang  cellphone na kanina pa tunong nang tunog. Nakita niyang may mga messages ang group chat nilang tatlo nila Janice at Jiro, kaya binasa niya 'yon. Ang huling chat ay kinukumusta siya ni Janice kung anong oras siya uuwi at kung daraanan daw ba siya ng mga ito. Mabilis naman siyang nagtype at nagreply sa mga ito na uuwi na lamang siyang mag-isa at may tinatapos lang. Nagreply naman ng thumbs up si Jiro sa kanya. Itinago na niya ang cellphone sa bulsa at kinolekta ang mga papel mula sa xerox machine nang wala na itong ilabas na papel pa, indikasyon na tapos na siya sa pinophotocopy niya.               Wala naman si Andrea sa pwesto nito nang bumalik siya kaya hinintay niya muna itong makabalik sa table bago niya iwan ang mga papel na dala niya. Mahirap na kasing iwan lang ang mga documents basta-basta na maaaring pakialaman ng iba. Baka confidential pala ang mga ito, mahirap na.               "Oh, tapos mo na? Ang bilis mo naman. Sige pakilagay na lang diyan sa desk ko. Maraming salamat ha, Yoko. Ikaw talaga ang sagot sa dasal ko noon pa eh. Pauwi ka na ba?" tanong nito. Tumango naman siya dahil ala sais na rin.               "Mauna na ako sayo, ha? Ingat ka mamaya," paalam na niya rito.               "Sige, ingat ka. Pauwi na rin naman ako, may tinatapos lang na pahabol," tugon naman ni Andrea habang dali-daling naglalakad papunta sa desk nito. Kinuha na niya ang bag at nag-out na. Habang naghihintay siya ng elevator na pababa ay narinig niyang may tumawag sa cellphone niya. Mabilis naman niyang sinagot ang videocall ni Janice sa kanya.               "Oh? Kumusta?" nakangiting tanong niya rito.               "Out ka na, no? Nasa baba na kami ni Kuya, sinusundo ka namin," sabi Janice at iniharap pa niya ang camera sa mukha ni Jiro na nagmamaneho.               "Hindi na ako magpa-park, Yoko. Abangan ka na lang namin sa bungad, ha?" sabi ni Jiro na hindi tumitingin sa screen dahil nakafocus ang tingin nito sa kalsada. Napangiti naman siya dahil sa dalawang kaibign. Napakabait din talaga ng mga ito sa kanya eh. Kahit sinabi niya kaninang huwag na siyang daanan, heto pa rin ang dalawa.               "Okay, sige. Five minutes, wait lang. Pasakay na ako sa elevator," tugon niya sa mga ito. Nakipag-unahan siya na makasakay sa elevator. Kapag ganitong oras kasi ay madalas punuan ang pababang mga elevator dahil sabay-sabay na nag-uuwian ang mga empleyado. Pagbaba naman niya ay agad siyang kumaway nang makita sa gilid ang kotse ng magkapatid. Patakbo pa siyang lumapit sa dalawa. Agad siyang sumakay sa likod.               "Sabi ko naman sa inyo kahit huwag niyo na akong sunduin eh. Nag-abala pa talaga kayo," sabi niya sa mga kaibigan.               "Eh nagkataon naman na dadaan din kami sa lugar niyo dahil may pinapabili naman si Mommy, kaya dinaanan ka na namin. Gutom ka na ba?" tanong ni Janice sa kanya.               "Sakto lang, panay inom naman ako ng tubig kanina eh," mabilis na tugon niya sa kaibigan.               "Drive-thru na lang tayo mamaya, hindi pa rin naman kami kumakain ni bunso. May madadaanan tayo mamaya," tugon ni Jiro sa kanila.               "Libre mo kami Kuya, ha?" mabilis na sabi ni Janice sa kapatid. Natawa na lang naman siya. Nagdrive-thru nga sila sa nadaanang fastfood at mabilisang kumain habang nasa biyahe. Si Jiro rin ay natapos sa pagkain niya dahil sa sobrang traffic na nadaanan nila pauwi. Halos hindi umaandar ang mga sasakyan sa tapat ng mall. Nakaidlip na nga rin siya at nagising na lamang nang nasa harap na sila ng lugar niya.               "Uy, salamat sa paghatid at sa dinner ha? Ingat kayong magkapatid sa byahe niyo. Chat niyo ko pagkauwi niyo," sabi niya sa dalawang kaibigan pagbaba niya sa kotse. Kumaway pa siya habang papalayo ang mga ito. Saka siya tumalikod nang hindi na niya maaninag ang kotse ng mga kaibigan. Habang naglalakad ay narinig niyang may nagtext sa cellphone niya. Sinilip niya iyon at nakita niyang unregistered number ang nagtext pero in-open niya pa rin at binasa ang mensahe.               'Hi, Yoko. How was your day in the office?' Napakunot ang noo niya nang mabasa ang mensahe. Napaisip kaagad siya kung sino ba ang maaaring magtext? Nireplyan na lamang niya iyon, 'Who is this?' Mabilis naman itong nagreply sa kanya.               'This is Troy. I got your number from your resume. I hope you don't mind?' Troy? Iyon ba 'yong sinasabi ni Andrea kanina na kapatid daw ng boss nilang si Travis? 'Yong Troy na pumili raw sa kanya? Pero bakit naman siya iti-text nito? Ilang Segundo siyang nag-isip ngunit hindi siya makahanap nang magandang rason sa utak niya kaya hindi na lamang niya ito ni-reply-an pa.               Pag-uwi niya sa bahay ay tulog na ang kanyang ina. Ala sais hanggang alas quatro kasi ang pasok nito kaya madalas ay tulog na ito pagkauwi niya. Ang kanya namang ama ay night shift sa isang BPO company. Minsan nga ay nagkakasakit na ito dahil nagkaka-edad na rin at malamang hirap na rin sa klase ng oras ng pasok na mayroon ito sa trabaho, pero patuloy pa rin silang dalawa na nagsa-sakripisyo.               Kumain siyang muli ng hapunan. Kahit hindi na gutom dahil nakakain na siya habang nasa biyahe sila kanina ng mga kaibigan ay kinain pa rin niya ang pagkaing pinaghirapan na lutuin ng kanyang ina. Alam niyang pagod ito tuwing umuuwi pero nahaharap pa rin nitong asikasuhin siya. Kahit sa ganitong paraan man lamang ay maparamdam niya ang pagmamahal sa mga ito. Babawi siya sa mga magulang pagdating ng panahon. 'Yan ang pangako niya sa sarili.               Kinabukasan, dahil walang klase ay dumiretso siya sa opisina. Matagal-tagal pa kasi ang bubunuin niyang oras dahil kailangan niyang maka-kumpleto ng 300 OJT hours bago ang graduation nila, kaya kailangan niyang magsipag nang doble.               "Good morning, Andrea," bati niya rito pagkapasok niya at pagkatapos niyang magclock in. Agad naman siyang nginitian nito habang umiinom ito ng kape at sumenyas ito ng sandali sa kanya.               "Kape, gusto mo? Kung hindi ka pa nag-almusal, mag-almusal ka muna habang wala pa si Boss Travis. Papasok 'yon ngayon kaya malakas ang kutob ko, kahit pag-ihi baka hindi ko magawa mamaya," sabi nito sa kanya.               "Nag-almusal naman na ako habang nasa biyahe papasok kanina. Kapag maraming pinagawa sayo sabihan mo lang ako, tutulungan naman kita," tugon niya rito. Tumango naman ito at muling nagpatuloy sa pagkain ng almusal. Napailing na lang siya at naisip na mukhang malupit at mahigpit nga ang boss nila. O baka talagang marami lang kailangang tapusin minsan?               Alas dies ng umaga nang dumating si Sir Travis sa opisina. Agad namang sumunod si Andrea rito para sabihin sa boss nito ang mga nakaline-up na meetings nito sa buong maghapon. Mula sa labas ng opisina ng boss nila ay narinig nitong may mga pinapacancel itong meetings. Naririnig din niyang nagpapaliwanag si Andrea pero hindi ito pinapakinggan ng boss nila.               "How many times do I need to repeat myself, Andrea? Ayaw kong makipagpartner sa mga Benedicto na 'yan? Cancel my meeting with them! Pati 'yang sa mga lintek na Rivera na 'yan," galit na sabi nito.               "Pero Boss Travis, si Boss Troy ang pumayag at nagschedule ng meetings niyo with the Benedictos and Riveras," paliwanag naman ni Andrea.               "Bullshit! Sino ba ang boss mo sa aming dalawa ng kapatid ko? Gusto mo bang i-transfer na lang kita sa kumpanya niya? Sabihin mo lang, Andrea," sigaw pa rin nito. Ramdam niya ang takot sa pagbabanta nito Napahawak na si Yoko sa dibdib niya. Parang aatakihin siya sa puso para kay Andrea. Nakakatakot naman pala talaga ang boss nila? Akala niya ay kalmado lang ang lalaking ito no'ng makita niya kahapon? Iba kasi ito kung ngumiti no'ng hindi pa niya alam na ito pala ang boss nila. Nanghinayang siya rito. Gwapo pa naman ito at mukhang malakas ang dating. Inabangan niya si Andrea paglabas nito at agad niya itong nilapitan nang makalabas na ito mula sa opisina ng dragon nilang boss.               "Kumusta? Ayos ka lang ba?" pabulong na tanong niya rito. Sumenyas naman ito ng okay sign sa kanya.               "Ganyan talaga 'yan eh. Sanay na ako riyan, Yoko. Kapag ayaw niya talaga sa mga tao, kahit for business purposes, hindi niya pa-plastic-in. Kumbaga, kapag galit siya sayo, sagad hanggang buto na ang galit niya sayo. Wala nang bawian pa, bad record ka na. Gano’n," paliwanag ni Andrea sa kanya bago ito bumalik sa desk. Mukhang ayos lang naman ito at mukhang totoo ngang sanay na ito sa boss nila. Nakabalik trabaho kaagad si Andrea matapos siyang sigawan ni Sir Travis eh. Naisip niyang baka kung siya ‘yon? Ay baka mapa-iyak na lang siya sa harap nito sa sobrang gulat at takot. Pero kailangan niyang mag-adjust. Ngayon pa lamang ay nakikita na niya ang realidad ng buhay opisina. Kailangan niyang maging matibay at hind imaging balat-sibuyas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD