bc

One fool, one liar

book_age16+
764
FOLLOW
2.2K
READ
love-triangle
escape while being pregnant
age gap
second chance
pregnant
drama
comedy
first love
rejected
virgin
like
intro-logo
Blurb

Kung sino pa ang naging maingat sa sarili ay siya pa palang masasaktan at matatarantado sa bandang huli. Si Yoko na matapos sundin ang isinisigaw ng puso at matapos ibigay ang sarili kay Travis ay saka pa niya malalaman na may ibang kasintahan pala ito? At halos doble pa sa edad niya? Papasa na ngang nanay niya ang kasintahan nito.

Masyado siyang nagpaniwala sa mga mabubulaklak na salita ni Travis. Nagpadala siya sa mga pangako nito at sa mga pinakita nitong kabutihan sa kanya. Inakala niyang mahal siya nito, pero laro lang pala ang habol nito sa kanya. Nangyari na ang mga nangyari, hindi na niya maibabalik pa ang nawala sa kanya. Nagmukha na siyang kawawa at mang-aagaw. Tama na ang minsang kahihiyan na naranasan. Sisiguraduhin niyang sa susunod na pagkikita nila ay mas matalino na siya. Siya na ang mang-i-isa rito. Siya na ang magpapaikot ng laro. Sisiguraduhin niyang si Travis na ang iiyak sa harap niya. At sa mga oras na 'yon, sisiguraduhin niyang hindi siya makakaramdam ng awa para sa lalaki.

chap-preview
Free preview
Prolouge
Sa pag-ibig, may sumasaya at may nasasawi. May mga hindi natatakot sumubok pero meron din namang nadadala na at natatakot nang masaktan pang muli.               Sabi nga ng iba, kailangan marunong kang sumugal. Saan at magkano ang ilalagay mong taya? Ikaw ba ang tipo na all-in, bigay-todo at bahala na bukas ang paniniwala? O magtatabi ka nang kakaunti para may matira naman kahit paano sa sarili mo kung sakaling matalo ka?               Pero sa pag-ibig sino ka ba sa dalawa? Ikaw ba 'yong tanga na nagbibigay agad ng lahat? O ikaw 'yong nagmamanipula sa laro dahil alam mong lamang ka? Sino ba ang mananalo sa huli? Sigurado ka bang hindi ka masasaktan kung maipanalo mo ang laban?               Kahit gaano ka pa katalino sa lahat ng subjects mo sa school, kapag puso na ang tinamaan ay walang tali-talinong uubra rito. Wala namang masama sa pagbibigay todo lalo na kung mahal mo, huwag mo lang sanayin ang sarili mong siya na ang gagawin mong bago mong mundo. Paano kapag bigla siyang nawala? Makakapagpatuloy ka pa ba?               Si Yoko na simple at matahimik lamang na namumuhay bilang isang graduating Business Management student ang biglang nagbago ang takbo ng mundo nang makilala si Travis na siyang boss niya sa opisinang pinapasukan bilang OJT. She taught that he is already the one for him, dahil ‘yon naman kasi ang pinaramdam ng lalaki sa kanya. Pero hindi pala gano’n kasimple ang magmahal, lalo na kung ikaw lang ang seryoso sa inyong dalawa. Tapos ang isa ay nagkikipaglaro lang pala. Maghihilom nga ba ang sugat na dulot ng nakaraan sa paglipas ng panahon? O natututo ka lang talagang maging matapang at matatag pero hindi nakakalimot sa taong nag-agrabyado sayo? Dahil sa pagbabalik mo, sisiguraduhin mong hindi na ikaw ang tanga, kundi ikaw na ang magmamanipula at magpapa-ikot sa larong sinimulan niya noon pero tatapusin mo na.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Married By Mistake

read
171.9K
bc

A night with Mr. CEO

read
176.0K
bc

His Property

read
948.1K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
457.4K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
428.4K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook