Sa pag-ibig, may sumasaya at may nasasawi. May mga hindi natatakot sumubok pero meron din namang nadadala na at natatakot nang masaktan pang muli.
Sabi nga ng iba, kailangan marunong kang sumugal. Saan at magkano ang ilalagay mong taya? Ikaw ba ang tipo na all-in, bigay-todo at bahala na bukas ang paniniwala? O magtatabi ka nang kakaunti para may matira naman kahit paano sa sarili mo kung sakaling matalo ka?
Pero sa pag-ibig sino ka ba sa dalawa? Ikaw ba 'yong tanga na nagbibigay agad ng lahat? O ikaw 'yong nagmamanipula sa laro dahil alam mong lamang ka? Sino ba ang mananalo sa huli? Sigurado ka bang hindi ka masasaktan kung maipanalo mo ang laban?
Kahit gaano ka pa katalino sa lahat ng subjects mo sa school, kapag puso na ang tinamaan ay walang tali-talinong uubra rito. Wala namang masama sa pagbibigay todo lalo na kung mahal mo, huwag mo lang sanayin ang sarili mong siya na ang gagawin mong bago mong mundo. Paano kapag bigla siyang nawala? Makakapagpatuloy ka pa ba?
Si Yoko na simple at matahimik lamang na namumuhay bilang isang graduating Business Management student ang biglang nagbago ang takbo ng mundo nang makilala si Travis na siyang boss niya sa opisinang pinapasukan bilang OJT. She taught that he is already the one for him, dahil ‘yon naman kasi ang pinaramdam ng lalaki sa kanya. Pero hindi pala gano’n kasimple ang magmahal, lalo na kung ikaw lang ang seryoso sa inyong dalawa. Tapos ang isa ay nagkikipaglaro lang pala.
Maghihilom nga ba ang sugat na dulot ng nakaraan sa paglipas ng panahon? O natututo ka lang talagang maging matapang at matatag pero hindi nakakalimot sa taong nag-agrabyado sayo? Dahil sa pagbabalik mo, sisiguraduhin mong hindi na ikaw ang tanga, kundi ikaw na ang magmamanipula at magpapa-ikot sa larong sinimulan niya noon pero tatapusin mo na.