Nanlalambot ako sa pagod na napaupo sa kahoy naming mahabang upuan nang sa wakas ay nakauwi na rin ako mula sa mahabang araw ko sa opisina. Ang mga binti ko parang namamanhid na, paano ba naman walang tigil sa kaka-utos sa akin si Mr Demir. Pinapanik panaog lang naman niya ako mula sa 40th floor pababa sa mga palapag kung saan niya ako mga inutusan magpunta at alinsunod ang mga utos niya, katatapos lang ng isang utos, utos na naman. Iyon ata ang paraan niya ng pagganti sa 'kin dahil sa pagsagot-sagot ko at sa pagiging usisera ko at pabalang ko pa kung makipag-usap. Paano ba naman kasi hindi umiiral ang morale sa opisina, unang araw ko pa lang para ng pang-isang linggo na kaagad ang pagod ko, idagdag pa ang pambihira kong mga karanasan sa kanya bilang boss ko at bilang bago niyang emple