Hindi ako makapagtrabaho ng maayos namamawis ang aking mga kamay dahil sa nasaksihan kong kahalay-halay. Ang kaba ko abot-abot dahil sa kahihiyan. Ako itong hiyang-hiya imbis na sila naman talaga dapat ang mahiya ngunit dahil sinabihan na nga ako na h'wag sila aabalahin nang-abala pa rin ako kaya ako ang lumabas na mali, kasi naman... akala ko kung ano na nangyayari. Dumako ang tingin ko sa pinto ng opisina nang magbukas ito at iniluwa na si Lizzete na ngingisi-ngisi sa akin batid na gusto niyang matawa. "Bakit kasi pasok ka nang pasok eh." Inaayos pa niya ang palda niyang tabingi pa dahil hindi naisuot ng mabuti. Tapos na sila magparaos at dito pa talaga sa opisina. Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit ang buong palapag na ito tanging boss lang ang umu-okupa, ganito pala ang gawa