bc

MY POSSESSIVE PERVERT BOSS

book_age18+
2.7K
FOLLOW
30.8K
READ
boss
bxg
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

(TAKE NOTE: Ang story na po ito ay SLOW PACING/SLOW BURN dahil marami po ang laman at maraming eksena sa mga bawat mga kabanata at sinisikap po ni Author na kayo'y masiyahan sa inyo pong pagbabasa kaya add to cart na 🫶)

Laki sa hirap ang dalagang si Amanda Riveros, nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral sariling pagsusumikap at para makatulong sa pamilya ay kaagad siyang naghanap ng trabaho.

Napadpad siya sa isang malaki at kilalang kumpanya at dito nakilala ang may-aring si Demir Monterde, ang boss na susubok sa kanyang iniingatang dangal.

Isang binatang kahuhumalingan ang dalagang may eksotikang ganda na maghahatid sa kanya sa tawag ng makamundong pagnanasa.

Ang boss na si Demir na magiging mapang-angkin kay Amanda kahit walang ganap na karapatan. Pag-ibig na kusa na lang sisibol nang hindi namamalayan.

Anong gagawin ni Amanda kung ang boss niya ay isa palang pervert? Mapaglabanan niya kaya kung ang sarili niya mismo ay ginugusto ito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Nakatayo ako ngayon sa harap ng building ng Amony Empire Corp. Ang kumpayang ito na lang ang nagiisa kong pag-asa. I'm a fresh college graduate in the course of business administration at kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho. Ang kaso lang sa dami na ng in-apply-an ko ay walang ni-isang tumanggap sa akin dahil ang kailangan daw nila ay iyong mayroong experience na. Pero paano magkaka-experience ang fresh graduate na katulad ko kung ayaw naman nilang bigyan ng pagkakataon makaranas na magkaroon ng trabaho? Napa-iling na lang ako at lumapit sa security guard na malaki ang tiyan. "Good morning po Manong guard. Tanong ko lang po sana kung hiring po ba ngayon dito?" magalang kong tanong. Pinasadahan niya muna ako ng tingin. "Aplikante ka? Ano bang apply mo? Sekretarya?" Tumango ako. "Opo, mag-apply po akong sekretarya o kahit ano pong posisyon na related office jobs na open at bakante." Tumatango-tango siya at binuksan ang glass door para sa akin. "Sige pasok ka na ineng at basta mga magaganda palaging hiring dito." Lumiwanag naman ang mukha ko at lumawak din ang pagkakangiti ko. Good timing pala ako, hiring ang kumpayang ito kahit may halong pambobola ang sinabi nito. "Salamat po Manong!" galak kong pasalamat at tumuloy na ako sa loob ngunit papasok na sana ako nang bigla naman magsalita muli si Manong guard dahilan para mapatigil ako sandali. "Sigurado matitipuhan ka ng boss," malaman nitong sinabi na ikinakunot ng noo ko at nagtatanong ko siyang nilingon. "Ano po?" pagpapaulit ko dahil hindi ko masiyadong naintindihan ang ibig niya sabihin. "Wala! Wala! Pasok ka na sa loob. Sakay ka sa elevator, top floor, naroon ang interviewer at ang may-ari mismo ang mag-i-interview sa iyo." Napaawang naman ang bibig ko. Mismong may-ari nitong kumpanya ang mag-i-interview sa akin? Hindi ba HR dapat? Pero kung sa bagay ito naman ang may-ari kaya ito ang masusunod kung gusto niyang siya ang sumala at sumuri sa mga aplikante. Istrikto siguro ito? Bigla tuloy ako kinabahan. "Sige ho Manong, salamat po ulit." Nagtuloy-tuloy na 'ko ng lakad patungong elevator at pagkasakay ko ay huminga na muna ako ng malalim sabay pindot ng top floor button. Pinilit kong h'wag pakain sa kaba. I have to keep my poise and be composed, kapag nagpakain ako sa nerbyos baka lalo lang akong magkamali. Bumuga ako ng malakas na hangin at tinap-tap ang dulo ng takong kong sapatos para ibsan ang kaba ko habang bahagyang naging galawgaw para ganap na h'wag kabahan. Ang taas ng building, hanggang 40th floor. Noon pa lang nakikita ko na ang building ng kumpanyang ito at pinapangarap ko lang din noon na sana isang araw makapasok din ako rito at maranasan kong makapagtrabaho sa ganito kalaking kumpanya. Dati nakatanaw lang din ako mula sa labas sakay ng jeep na araw-araw ko sinasakyan patungo sa unibersidad na pinapasukan ko, ngayon nandito na talaga ako bilang isang aplikante kaya hati ang pakiramdaman ko, kaba at tuwang makatungtong ako mismo sa malaking kumpanyang ito. Ngumiti ako at tiningnan ang repleksyon ko sa may pinto ng elevator na may salamin. Napaghandaan ko naman ang araw ng pag-a-apply ko at sinikap kong maging presentable. Pang-lima na ito sa mga kumpanyang a-apply-an ko, sa katanuyan hindi ko alam na hiring dito at nagbaka-sakali lang naman ako kanina pero laking tuwa kong hiring nga. Inuna ko muna kanina apply-an ang mga kumpanyang nalaman kong open for applicants. But sadly I'm not even hired, kaya ito na lang ang kahulihan kong pag-asa ngayong araw na ito. Kailangan-kailangan ko ng trabaho nag-aaral ang kapatid kong bunso, ang Mama ko nagkataon nagkasakit, kaya naman sa lalong madaling panahon kailangan makapagtrabaho na 'ko. Bumukas na ang elevator at tahimik na palapag ang bumungad sa akin. Lamabas na ako mula sa elevator at luminga-linga sa palagid. "Saan ba rito?" Luminga-linga pa ako. "Si Manong naman hindi sinabi kung saan banda ako liliko rito." Ang lawak ng palapag na ito wala rin akong makitang mga aplikante, para ngang ghost floor pero magara. "Ma'am?" Napatalon naman ako sa gulat sabay nasapo ang dibidib ko nang may biglang magsalita sa likod ko at natawa lang ito sa naging reaksyon ko. Mukang ito ang sekreterya ng may-ari. Kapansin-pansin ang hapit nitong formal attire, she's wearing a corporate attire top and black leather skirt na parang kaunting galaw niya lang makikita na ang kanyang panloob at ang sapatos na suot parang pagkataas naman ng takong. Mga suotan naman nito. "Naliligaw ba kayo, Ma'am?" tanong niya. Tumikhim ako at napahawak sa batok. "Ah, aplikante po ako. Sabi ng guard hiring daw po rito at pinaakyat niya po ako," sagot ko. "Aplikante? But we're not hiri—" "Lizzete, who's that?" Isang baritong boses ang nagsalita mula sa likuran namin dahilan para pareho kaming matigilan sa paguusap. Humarap ako sa lalaking nagsalita at lihim akong nabigla nang makita ang itsura ng lalaki. Muka itong kagalang-galang at ubod ng disente, ang katawan ay halatang matipuno kahit na naka-corporate suit ito at ang mga mata ay kay pupungay, sa madaling salita, ang gwapo niya. Dumako tingin niya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin at hindi na nawalay pa sa akin ang kanyang mga mata na wari ko ay nanlagkit bigla o imahinasyon ko lang? "Ah, Sir aplikante raw po eh, hindi naman tayo hiri—" "Hiring tayo, let her in my office," mariin niyang putol dito sa nanggangalang Lizzete at sabay pa kaming nagkatinginan nito nang bigla nang tumalikod ang lalaki. Siya pala ang boss, ang gwapong lalaking iyon ay ang boss at may-ari ng kumpayang ito. Nakakamangha at sa kabilang banda ay nakakakaba rin. Panabay naman nagtaas ang dalawang kilay nitong Lizzete. "Hiring daw eh hindi naman hiring," saad nito habang kami'y pareho nakasunod ng tingin sa boss na pumasok na sa malaking pinto na sa palagay ko ay opisina niya. Bumaling naman sa akin si Lizzete. "Pasok ka na roon, pinasusunod ka niya." Kung kanina nakangiti pa ito ngayon bigla na lang suminangot. "Basta talaga magandang babaeng bago sa mata niyan kahit hindi hiring bigla nagiging hiring! Malilipat na naman ako nito!" Rinig kong pagmamaktol niya at tinalikuran na niya ako at bumalik na sa lamesang katapatan ng malaking pinto. Umakto na lang ako na walang narinig at nagtungo na lamang ako sa malaking pinto ng opisina ni Mr Monterde. Oo, alam ko ang apilido ng may-ari pero hindi ang kabuang detalye tungkol dito at ngayon ko lang siya nakita at nakilala ng personal. Hinawakan ko ang saradura pero bago ko pa man pihitin huminga muna ako ng malalim para magtanggal ng kaba. "Pasok ka na, ayaw niya ng pinahihintay," narinig kong sinabi ni Lizzete sa akin at ng lingunin ko siya ay abala na siya sa harap ng computer. Tumikhim ako at ganap ko na ngang pinihit ang saradura at bahagya pang sumulip. Kita ko siyang nakatayo at nakatalikod habang nakatanaw sa labas ng building mula sa transparent na glass wall. Grabeng ganda ng office, ang lawak. Malawak pa sa bahay namin at may dalawang pinto na wari ko mga silid. "H'wag mo lang basta ipasok ang ulo mo, isama mo pati katawan. Come here," saad nito batid niyang pumasok na ako buhat ng istrikto niyang boses na mas naghatid ng kaba sa akin. Iba na ang pakiramdam kapag nandito na at ang makaharap ko pa mismo ang nakaka-intimidate na boss. Pumasok na ako at maingat na isinara ang pinto at lumapit na sa lamesa niya at sakto namang ganap na siyang hinarap ako. "M-Magandang umaga po," magalang kong pagbati na medyo nauutal pa dahil sa kaba at hiya. Paano ba naman ang init niya kung timingin. "Have a seat," he pointed the chair right in front of his table for me to sit down and he put his one hand inside his pocket, ang isa naman ay nilahad niya sa akin. "Hand me your resume, let me see it," he said while his eyes remains on me. "I-Ito po." Agad ko namang iniabot sa kanya ang folder ko na naglalaman ng credentials ko. Kinuha niya at prenteng naupo sa may gilid ng kantuhan ng lamesa malapot sa akin at inumpisahan na nga niyang basahin. "Nauutal ka ata Ms Amanda Riveros," puna niya ngunit ang tingin ay nanatili lang sa hawak at binasa ang pangalan ko rito. Tumikhim ako. "Ito po kasi ang unang beses na nag-apply ako sa kumpanyang kagaya nito kaya medyo kinakabahan po ako," pagpapakatotoo ko. Ito nga ang unang araw ko sumubok mag-apply sa ganitong klase ng kumpanya, madalas sa mga fast food chain ako o kaya mga pabrika, malayo sa pag-a-apply sa pagiging sekretarya o ano pa mang pang-opisinang trabhaho. Tumango-tango lang siya at muling nagtanong. "Ayon dito isa kang graduate sa kurso mong business administration at mula ka sa pamblikong eskwelahan. So, anong dahilan para tanggapin kita?" Natigilan naman ako sa kung paano siyang mag-i-interview, rekta kung rekta. Inaasahan ko iyung sasabihin niya ipakilala ko ang sarili ko muna. Iyung introduce yourself? Pero hawak na nga naman niya ang papel na naglalaman ng tungkol sa akin. Mayroon din siyang sariling paraan ng pagtatanong. "Dahil po kailangan ko po ng trabaho, wala man po akong maipe-prendang karanasan sa inyo ngayon ay nasisiguro ko naman po na magiging mabuti akong empleyado ng kumpanya niyo," sagot ko. Wala na akong maisip na iba pang isasagot ko. Nabablangko ako. "Gaano mo ka kailangan ng trabaho?" tanong niya at humilig ang ulo banda sa kanan at pahapyaw niya akong sinulyapan buhat ng mapupungay niyang mga mata. Tumuwid ako ng upo sabay yumuko at nag-angat din naman ako agad ng tingin sa kanya. "Kagaya po ng nakasaad diyan ay isa po akong fresh graduate, kailangan ko agad makapagtrabaho dahil may nag-aaral po akong kapatid na gusto kong tulungan na makapagtapos din, idagdag pa po ngayon may sakit ang nanay ko kaya higit ko pong kailangan ng trabaho," buong katapatan kong sagot na may paglalahad. Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin na tila tinatantiya ako kung gaano ako katotoo sa sinasabi ko na natural lang sa kanya bilang isang taong mapanuri sa kausap. "I see." Tumango-tango siya muli. "Isa ka rin palang working student during your college days to support your study, you've worked as a service crew, waitress, and many more, you were kinda productive and hardworking huh? I must say," he said giving his opinion and he looks amused. "Kailangan po, Sir, dahil kung 'di naman po ako magsusumikap wala pong nangyayari, kaya gagawin ko po lahat para lang po sa pamilya ko," saad ko upang ipakita kung ga'no ako ka-determenado sa buhay at ka-determinadong makahanap ako ng trabaho. "I have one more personal question," he said and he looked at me directly in my eyes. "Are you really single?" He pointed out my resume and he waved it in the air. Sandali akong natigilan dahil bukod sa nakaka-ilang niyang tingin ay tila may iba ring kahulugan ang pagkakatanong niya kung single ba ako? Ito na naman ako sa pagiging assuming. Agad akong tumungo. "Yes Sir, I'm single." Pinaningkitan niya ako ng mata. "As in single? No boyfriend? No fling?" he asked to make it clear and to make sure all I'm saying are all truth. Tumikhim ako at muling tumango. "Yes Sir, no boyfriend, no fling, as in single. Single na single," buong katapatan kong sagot. Unti-unting kumurba sa labi niya ang isang maganda at matamis na ngiti na mas lalo nakadagdag sa kanyang karisma. Ngunit parang hindi ata ako panatag sa ngiti niyang maganda? Parang ngiting may iniisip na kung ano o baka guni-guni ko na naman at ako lang ang nagiisip ng ibang kahulugan? "Well then good." Bigla siyang tumayo at hinarap ako kaya napatingala ako sa kanya. "That is one of the main requirements to get hired in my company, lalo na't you will work under me," he said and smirked playfully.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook