"Lizzete, turuan mo si Amanda ng mga gagawin niya, teach her everything she needs to know. Every. Little. Thing," may riin na utos ni Mr Demir sa kanyang sekretarya nang sinamahan niya ako palabas ng opisina niya.
Tumango naman ito. "Yes Sir."
Dumako naman ang tingin niya sa pinsang si Damian na nakatayo lamang sa gilid habang naghihintay na siya naman ang kausapin.
Nagpamulsa si Mr Demir. "You." Ipinaling niya ang ulo niya sa direksyon ng opisina bilang sensyas dito na pumasok na sila at sila naman ang mag-uusap.
Napangiti si Damian. Ngiting tila batid niyang sa wakas ay siya naman. "Akala ko aabutin pa ako rito ng maghapon kakahintay sa inyo na matapos mag-usap nitong bago mong assistant."
Pero bago pa man sila tumuloy sa loob ay tumingin sa 'kin sandali si Damian. "Have a nice day beautiful, galingan mo sa unang araw mo ng trabaho," he wished me luck with a playful wink.
"Tayo na sa loob. And don't flirt with my new assistant, she's off limits, Damian," may riin at may kalaliman naman ang boses ni Mr Demir nang yakagin niya na ito sa loob ng opisina.
"Easy. I mean no harm to your new assistant, ikaw masiyado ka namang possessive sa emplayado mo," bigla itong natawa na pawang pangaasar lang.
"Titigil ka o bubusalan kita?" banta niya.
"Woah! You're getting mad, san! Titigil na! Pumasok na nga tayo sa loob masiyado ka mainit kahit na naka-centralized aircondition naman itong buong palapag mo," saad ni Damian na may hirit pang biro.
Inirapan na lamang ni Mr Demir ang pinsan at dumiretso na sila sa loob ng opisina nang hindi na kami nilingon at sinundan na lang namin sila ng tingin hanggang tuluyan na nga silang pumasok sa opisina.
Ganoon ba talaga sila kung mag-usap? Tila banas na banas si Mr Demir sa pinsan niya na mukang walang matinong gagawin at pawang mga kalokohan lang ang alam.
Muka lang palang disente ang Damian na iyon pero sa oras na bumuka na ang bibig doon mo siya makikilala na hindi pala siya ganoon ka-seryosong tao, napapaka-pilyo.
"Maupo ka na rito nang makapagumpisa na tayo," si Lizzete na bumalik na sa kanyang swivel chair kaya naupo na ako sa may bakanteng upuan katabi niya.
"Pero bago tayo magumpisa may gusto muna akong itanong sa iyo," hirit pa muna niya bago niya ako turuan.
"Ano iyon?"
"V*rgin ka pa ba?"
Napaawang naman ang bibig ko sa gulat dahil sa rekta niyang tanong. Hindi kami close para magtanong siya sa akin ng ganitong ka-personal na bagay.
Bumuntong hininga siya ng hindi ako agad sumagot. "Alam mo kasi... lahat ng babaeng pumasok dito na v*rgin, kinalaunan umalis na ng hindi na v*rgin."
Napakurap ako kasabay ng pangungunot ng noo ko. Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ko naintindihan kung bakit niya ito sinasabi at kung bakit namin ito pinaguusapan.
"Baka naman kasi nagkaroon sila ng mga boyfriend kaya naman kinalaunan hindi na sila v*rgin?" hula ko.
Natawa siya. "Imposible iyan kasi bawal ang may boyfriend dito. Hindi ba iyon nasabi sa iyo ng boss natin? Kabilin-bilinan niya ay bawal ang may boyfriend o asawa?"
Sandali akong napaisip sa sinabi niya... kung walang naging nobyo ang mga nakaraang babaeng naging emplayado rito, sino ang... naka-v*rgin? H'wag niyang sabihin ang mismong...
"Kaya kung papasok ka rito dapat lang na may kasaranasan ka na para hindi na bago sa iyo ang mga mangyayari," saad pa niya na mas lalo lamang nakapagpaawang ng bibig ko.
"Alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko sa iyo ngayon pero binibigyan lang kita ng ideya para 'di ka na mabigla sa mga susunod mong araw dito. At isa pa hindi ka na rin lugi dahil ang gwapo at ang hot ng boss natin na iyan kaya ang mga babaeng empleyado rito o kahit sa ibang department walang palag ang mga iyan kapag si umariba na iyan si boss." Tila napakislig pa siya sa huli niyang sinabi at napakagat labi.
Ngayon unti-unti nang lumilinaw sa isip ko kung sino o ano ba ang tinitukoy niya... ang boss dito ay mananalakay ng mga babaeng empleyado??
Napalunok ako at nakaramdaman ng kaba para sa sarili at napansin niya naman agad pero tinawanan niya lang ako imbis na mabahala sa naging reaksyon ko.
"Ganiyan na ganiyan ang reaksyon ng mga bagong empleyadong babae..." Lumapit siya sa akin at inilapit ang bibig niya sa mismong tainga ko. "Na v*rgin pa."
Hindi ko alam kung nananakot lang ba siya o ano? O baka kaya niya lang ito sinasabi para hindi ako tumuloy sa trabaho? Baka iyon ang dahilan.
"Kung sinasabi mo lang iyan sa akin para takutin ako at hindi ako tumuloy sa trabaho kong ito ay hindi mo ako matatakot," tugon ko sa lahat ng mga sinabi niya na may katapangan.
Mas lalo siyang natawa. "Alam mo? Kakaiba ka, bukod tanging ikaw ang hindi naniniwala sa sinabi ko. Pero nasa sa iyo na iyan. Ikaw ang bahala kung maniniwala ka o hindi."
"Talagang hindi, Lizzete. Hindi naman siguro ganiyan ka-unprofessional ang boss natin para gawin ang mga bagay na iyan na sinasabi mo," depensa ko sa boss.
"It's up to you nga, kung maniniwala ka o hindi basta sinabihan na kita. Okay? Now let's start kung gusto mo kaagad matuto," saad niya bilang pagiiba na rin.
Nakakainis ang babaeng ito palagawa masiyado ng kwento. Palagay ko naman hindi ang gaya ni Mr Demir Monterde ang gagawa ng ganoon bagay sa mga babaeng emplayado at palagay ko rin nananakot lang ang babaeng ito palibhasa bago lang ako.
Palihim ko siyang inirapan at umayos na ako ng upo. Itinuro niya sa akin ay mga basic na muna at ng masiguro niya na nakakasunod ako doon na kami sa mahirap na parte.
"As his executive assistant dapat sa lahat ng oras at sa lahat ng mga meetings niya ikaw ang kasa-kasama niya at dala mo dapat ang lahat ng mga importanteng dokumento higit sa lahat dapat alerto at mabilis ka kumilos at dapat may time frame ka, kung anong oras sinabi dapat iyon ang susundin. Galit si Sir Demir sa mga babagal-bagal at mga pa-t-nga t*nga, hmm?"
Tumango ako. "Gagawin ko ang best ko."
Ipinagpatuloy niya nang muli pagtuturo sa akin. "Bilang personal assistant niya naman ay kailangan ikaw na rin ang bahala sa mga personal needs niya. Kagaya ng pag-book ng flights at pag-set ng mga meetings kahit sa mga personal acquaintances niya, trabaho mo iyan. Basta related sa personal needs niya sakop rin iyon ng trabaho mo," buo niyang paliwanag.
Totoo nga talagang mahirap ang pagiging personal at executive assistant lalo't nataon pa na sabay kong gagawin ang magkaibang ganap ng trabaho.
Pero nakaya nga ni Lizzete na gawin ito, kaya sisikapin ko rin kayanin. Makakaya ko ito kahit inilalahad niya palang mukang mahirap na talaga iyon pa kayang aktuwal ko nang gagawin?
Wala namang madali sa umpisa, lahat ng bago ay mahirap sa una at ang kailangan ko gawin ay masusi at matiyagang pag-aralan ang lahat para magawa ng maayos ang aking trabaho.
Tinandaan ko ang mga bilin sa akin ni Lizzete na ayaw ng boss na babagal-bagal at ayaw ng pa-t*nga t*nga at ayaw ng slow mag-isip sa trabaho dahil naninigaw raw ito lalo na kapag sobrang init daw ng ulo na animo'y isang umuusok na takureng 'di mahawakan.
"Sana naman malinaw na sa iyo ang lahat ng mga dapat mong gawin, Amanda? Ang mga taong nakakatagal lang kay Sir Demir ay iyung mga kaya tapatan ang lahat ng expectations niya," saad niya na parang lalong nakapagpa-pressure ata sa akin.
"Ang akala ko nga malilipat ako sa ibang department, unang kita ko pa lang sa iyo alam ko nang i-ha-hire ka niya kasi unang basehan niya ay appearance at huli ay ang kapasidad ng utak. Ang iba doon sila mga 'di nagtatagal dahil hindi nila kaya ang pressure kapag si Sir Demir na ang nagpagawa ng trabaho na 'di kaya ng mga brains nila."
Alam kong nagiging makatotohanan at pranka lang naman siya sa sinasabi niya. Hindi nga naman kasi biro ang trabahong katulad nito lalo na't kung may boss ka na mataas ang standard at expectations kaya ngayon pa lang ramdam ko na agad ang pressure.
"Bakit? Akala mo ako papalit sa posisyon mo bilang sekretarya?" tanong ko sa una niyang nasabi na akala niya malilipat siya.
"Oo," tapat niyang sagot. "Pero dapat matuwa ka dahil 'di ka naging secretary kundi tatlong magiging role mo. Secretary, personal assistant and executive assistant. Lahat iyan trabaho ko pero buti dumating ka may naging katuwang ako at kinuha mo ang 3/4 ng trabaho ko. Gumaan ang buhay ko rito sa opisina." Ngumisi siya. Ngising guminhawa at nagawa pa mag-unat.
Pabor pa pala talaga sa kanya dahil nabawasan nga naman siya ng trabaho at lamang ang trabahong napunta sa akin pero gayon pa man ay ayos lang gagawin ko na lang ang nararapat.
"Hindi naman ako reklamador at kung hindi rin naman ibinigay ang trabaho mo sa akin wala rin akong magiging posisyon dito kaya salamat din sa iyo." Tumingin na lang ako sa positibong bahagi.
"Positive mindset, huh? Maganda iyang ganiyan pero sana lang ma-apply mo sa lahat ng oras dahil ibang klase iyan si boss mabait lang iyan kapag sa kama," saad niya na may pag-puri sa akin ngunit may banat namang kalokohan pero ang mukha ay seryoso.
Kaunti na lang ay iisipin ko nang naikakama siya ng boss kung bakit ba naman ang dami na niyang alam na pati tungkol sa buhay nitong seksualidad eh may nasasabi siya.
Napa-iling na lang ako at iniba na lang ang usapan tutal nasabi niya naman na sa akin ang mga dapat kong gawin at lahat ay maipaliwanag na niya.
"Maiba tayo, Lizzete. Si Mr Damian ba ay tunay na pinsan ni Mr Demir?" tanong ko nang maalala ko ito.
Kanina ang akala ko dito rin siya nagtatrabaho at may mataas ding katungkulan pero hindi pala siya rito. Mayroon lang pala siyang appointment.
"Oo, mag-pinsang buo iyan sila. Magkapatid ang mga Daddy nila. Monterde rin si Mr Damian isa ring matinik sa babae," sagot niya at may sinabi na namang hindi ko naman tinatanong.
"Ang akala ko nga noong una kanina may mataas din siyang katungkulan dito sa kumpanya base sa postura niya. Iyon pala ay hindi siya rito at napadaan lang."
"May sariling kumpanya iyan si Sir Damian. Owner at Chief Executive Officer din siya ng sariling kumpanya niya. Kaya h'wag ka na magtaka dahil mataas din ang antas niyan."
Napa-O na lang ang ng bibig ko dahil sa pagkamangha at pagkagulat. Boss din pala ito ng sarili niyang kumpanya? Kaya naman pala ganoon na lang datingan niya, pareho sila ni Mr Demir.
Pareho silang mga nakakailang kapag bigla mo na lang makakasalubong sa daan at kung mga makatingin pa akala mo naman handa ka nang lapain.