CHAPTER SIX

2216 Words
"Pero alam mo nakakapagtaka lang sa lahat ng hinarot niyan ni Sir Damian ng pasimple sa iyo lang nag-react si Sir Demir ng gano'n at sinabing off limits ka, ibig sabihin bawal kang harutin samantalang wala namang dati pakialam iyan sa mga emplayada at kahit i-date niyan ni Sir Damian wala iyan pakialam," mahaba pang litanya ni Lizzete na bakas nga ang pagtataka sa mukha. "Siguro dahil ako ang bagong assistant niya kaya iniiwas niya lang na may makaapekto sa magiging trabaho ko," hula kong dahilan. "May point ka, dear. Siguro nga ganoon dahil ayaw talaga niyan ng distraction sa trabaho dahil ang mga pumapalpak, kaagad niyang tinatanggal," saad niya at batid niya rin na pag-igihan ko kung gusto ko magtagal. "Pero ikaw, Lizzete... nagtagal ka. Kinaya mo kahit mag-isa ka lang gumagawa ng lahat." "May diskarte kasi riyan dapat organize ka at marunong sa time management. At kung 'di ka marunong no'n yari ka, hindi ka na niyan magkakandaugaga." Natigilan ako at napaisip. Ganoon nga siguro talaga kahirap dito kaya walang tumatagal pero alam ko tiyaga at pagsusumikap ang susi para magtagal dito, higit ay diskarte. "Pero aaminin ko sa iyo hindi rin naman ako ganoon kagaling sa trabahong ito pero dahil magaling ako humipo at humimas nagtagal ako rito. Kapag kaya mong magpaligaya ay sigurado hindi ka kayang tanggalin niyan." Napaawang na naman ang bibig ko sa narinig kong sinabi niya.... ang ibig bang sabihin ay bukod sa pagiging secretary at assistant ay mayroon pa siyang extra job na... ginagawa? "Kung matalino ka, alam mo ang ibig kong sabihin." Kinindatan niya pa ako at pilyang ngumiti sabay kagat ng ibabang labi. Pinasadahan ko siya ng tingin. Kung manamit siya, kita ang hiwa ng gitnang dibdib na kay lulusog na sumobra sa tulak pataas at ang suot niya namang skirt isang maling galaw niya lang kitang-kita na ang kanyang panloob. Ayaw ko manghusga pero sa isitilo pa lang ng pananamit niya ay alam na kung anong klase siya ng babae. Napa-iling na lang ako kasabay ng pagbukas ng pinto ng opisina ni Sir Demir at sabay na lumabas ang magpinsan kaya dumako ang tingin namin sa direksyon nila. "Mukang tapos na sila mag-usap," bulong ni Lizzete sabay hawi ng mahabang buhok at inayos pa ang pagkaka-push ng dibdib na siyang ikinangiwi ko naman. May kulang dalawang oras din silang nag-usap sa loob at mukang importante ang kanilang pinagusapan kaya tumagal na lang ganoon. "H'wag ka nang babalik dito," saad ni Mr Demir sa pinsan na hindi ko mawari kung biro lang iyon o seryoso na pagak lamang nitong ikinatawa. "Babalik at babalik ako Demir, lalo na ngayong..." Dumako bigla ang tingin ni Damian sa gawi ko. "May dahilan na ako para bumalik." Ngumisi siya na tila mayro'n gustong ipabatid sa akin. Nilapitan naman siya ni Mr Demir at may sinabi sa kanya sa mahinang boses na tila pabulong kaya mula rito hindi namin narinig na ikinapalis naman ng ngiti ni Damian at biglang naitaas ang dalawang kamay. "Easy! Easy! Biro lang! Iyong-iyo!" bigla niyang sambulat habang namimilog ang mga mata na hindi malaman kung tatawa ba o nenerbyusin. Ano kaya iyong sinabi ni Mr Demir? Saka ano bang pinaguusapan nila? Umiling ako upang iwaksi ang pagiging mausisa ko na hindi ko naman dapat tinatanong kahit sa isip ko dahil labas na ako roon. Kamot sa ulong nagpaalam na lang si Damian at bahagya lang siyang kumaway sa amin pero agad din siyang pinagtabuyan ng pinsan na mukang ayaw na talaga siya rito. Nang ganap nang nakaalis si Damian ay bumaling na sa direksyon namin si Mr Demir at lumapit sa akin. Agad naman akong tumayo. "Sir." "Alam mo na ba lahat ng gagawin?" tanong niya na ikinatango ko. "Opo, Sir. Alam ko na po," sagot ko na kahit kabado man ay ginawa kong normal ang aking boses. Tumango siya. "Come to my office." Tumalikod na siya at agad naman akong sumunod dala ang bag ko pero bago ako pumasok sa loob nagpasalamat na muna ako kay Lizzete at tinugunan niya lang ako ng tipid na ngiti. Nauna nang pumasok si Mr Demir kasunod ako. Naupo siya sa kanyang swivel chair at ako ay nanatiling nakatayo lang. "Inaasahan ko na magagawa mo ng maayos ang lahat ng mga ipagagawa ko. Ayoko ng mga tat*nga-t*ngang emplayado higit ay ayoko ng mga hindi makaintindi," may katigasan niyang sinabi bakas ang ka-istrikto-han sa boses. Alinsunod akong tumango. "Opo, Sir! Nasabi na po sa akin ni Lizzete na ayaw niyo nga po ng mga ganoon." "Mabuti nang malinaw, Ms Riveros. Saka isa pa, hindi p'wede sa akin ang madamdamin. Kung hindi kaya ang pressure, p'wede agad magsabi sa akin bukas ang pinto maaari ka humanap ng ibang mapapasukang kum—" "Sir," putol ko sa kanya dahil pakiramdaman ko 'di pa ako naguumpisa in-underestimate niya na ako agad. Isa iyon sa mga ayaw ko. "Hindi po ako nandito para umayaw. Hindi rin po ako umaasang magiging madali lang ang trabaho na inatang niyo po sa 'kin pero gusto ko lang din sabihin sa inyo ang mga bagay po na ayaw na ayaw ko rin po," lakas loob kong sinabi dahilan para matigilan siya. Halatang nabigla siya sa katapangan ko kung paano ako makipag-usap sa kanya ng ganito. Akala niya siya lang ang may mga bagay na ayaw, pero ako bilang isang empleyado, meron din ako. "Ayaw ko po sa lahat iyung in-underestimate ako, iyung minamaliit po ang kakayanan ko gayong hindi niyo pa naman nakikita ang performance ko." Unti-unti kumurbang pangiti ang kanyang labi. "You have the guts to talk to your boss like that, huh? I can say you're brave." He looks amused. "Subukan niyo na muna ako, Sir. Sa tono niyo kanina parang wala kayong bilib na kaya ko. Kung ganoon po ay bakit niyo pa pala ako tinanggap dito?" Ayaw ko talaga ng pakiramdaman ng naiinsulto. May intellectual pride akong tinatawag. Naiinis ako kapag pakiramdaman ko ay namamaliit ako ng taong kausap ko. Natawa siya. "Why do you look mad at your boss? Wala naman ako masamang sinabi?" tila naaaliw siya habang nakatitig sa reaksyon ng mukha ko. Hindi ako nagsalita at huminga lang ako ng malalim. Masiyado nga ata akong nag-over react. "Advanced lang ako, Ms Riveros. Sa dami na ng naging emplayado ko halos wala rin mga tumagal dahil hindi nila kaya ang ibinigay ko sa kanilang gawain. Kaya... masisisi mo ba ako?" tanong niya pero naroon pa rin ang nakakaloko niyang pag-ngiti sa kanyang mapula-pulang labi na mukang ang lambot-lambot. Really, Amanda? Napuna mo pa talaga ang labi niya sa kalagitnaan ng paguusap niyo? Kaagad kong iwinaksi iyon sa isip ko at umiba na lang ng tingin. "Naiintindihan ko po, Sir. Pasensya na po kung ang dami ko pong sinabi," hinging paunmanhin ko. Umayos siya ng upo at kinuha ang ballpen na wari ko paborito niyang laruin. "It's okay, Amanda. I understand your sentiments, you just don't want the feeling of being insulted and underestimated. My fault and I'm sorry," he said with an apology. Nakurap naman ako at inisip mabuti kung sino nga ba itong kausap ko para umarte ako ng ganito at nagawa pa nito humingi sa akin ng pasensya! Pero gayon pa man... bilang boss siya ay nakakatuwa na alam niyang hindi maganda ang epekto ng sinabi niya at aware siya roon kaya it's a good sign na hindi siya insensitive na tao. "Kalimutan na po natin, Sir. Sabihin niyo lang po sa akin kung anong unang gusto niyong ipagawa sa akin," saad ko bilang pagiiba na. Tinap-tap niya ang dulo ng kanyang ballpen sa lamesa at nag-isip kung ano nga bang una niyang ipagagawa sa akin. Sinundan ko ang tingin ng mga mata niya ng dumako ito sa... dibdib ko at napakagat labi siya sabay sandal sa kanyang swivel chair hawak ang kanyang baba at ang siko ay nakatukod sa arm rest. "I hope this won't offend you or embarrass you but before we proceed I just really want to ask you this because I'm really curious... I want to know what is the exact cup size of your..." Hindi pa man niya naitutuloy ang gusto niyang itanong pero alam ko na agad kung ano ang tinitukoy niyang size! Pakiramdaman ko lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko sabay automatiko kong tinakpan ang dibdib ko mula sa paningin niya. "Sir, palagay ko hindi po tamang nagtatanong kayo ng ganiyan," saad ko bilang pananalungat habang ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Umayos siya muli ng pagkakaupo na tila hindi mapakali. "I'm just asking," his tone of voice remained cool batid niyang normal na bagay lang para sa kanya ang magtanong ng ganoon. What is he? A pervert? Lantarang manyak? His question is really inappropriate for Pete's sake! Gusto ko siya sigawan na ang bastos niya, pero nangingibabaw pa rin sa akin kung nasaan pa rin ako ngayon. "Sir, if you know what is women's right p'wede kayong makasuhan kahit na sa ganiyang klase lang ng pagtatano—" "Amanda," he cut me off. "Do you really want this job? bigla niyang tanong sa akin na hindi ko inaasahan. Anong ibig ba niyang sabihin? May iba ba siyang gustong ipagawa sa akin? Naalala ko bigla ang kwento sa 'kin kanina ni Lizzete na ang mga babaeng emplayado na nagdaan dito na mga v*rgin pa noong una ngunit noong umalis ay hindi na... Ito ba ang... ibig niyang sabihin? "S-Sir... opo kailangan ko ng trabaho p-pero iyung m-marangal po!" nagumpisa na ako kabahan. "Marangal naman 'to, Ms Reveros," saad niya at nalilito na akong tiningnan siya. Hindi ako kagaya ng mga emplayada na nagdaan sa kanya. Hindi ako ganoon. "You look in panic," he said and he stood up at nagumpisa na siyang humakbang papalapit sa akin. Humakbang naman ako paatras. Kapag ganito ang ikinikilos ng kaharap ko sino kaya ang hindi kakabahan? Ang mga kilos niya, hindi naaangkop. Napalunok ako at tuloy lang ako sa pag-atras hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa malaking pinto kaya nagkaroon siya ng pagkakataon ma-corner ako. Inilapat niya ang isa niyang kamay sa taas ng gilid ng ulo ko na kinasasandalan ko at ang isa niyang kamay ay nasa kanyang bulsa. "Why do you look so nervous? Wala pa naman akong ginagawa?" tanong niya. Kabado kong sinalubong ang mga mata niyang mas namungay pa ata at tila kay daming gustong sabihin o ipabatid sa akin. "Ganito ba ang ginagawa niyo sa mga empleyado niyong babae?" lakas loob kong tanong. "Nope, sa iyo lang," sagot niya. "Ang sabi ni Lizzete sa akin kanina tirador ka raw ng mga emplayada lalo na ng mga v*rgin!" bulalas ko sa kanya. Sandaling tumagal ang tingin niya sa akin na tila hindi niya inaasahan ang narinig niya at unti-unti bumalinghawit siya ng tawa at bahagyang dumistansya mula sa akin. "She told you that?" he asked with a laugh. "Hindi niya diretsuhang sinabi pero sa ikinikilos niyo ngayon pinatutunayan niyo lang na totoo—" "Ano ngayon kung totoo nga?" Muli niyang inilapat ang kamay niya sa may bandang ulo ko kung saan kanina nakalapat. "Ms Riveros, isa ito sa mga dapat mong malaman na... wala akong babaeng pinalalagpas lalo kapag natipuhan ko." Namilog ang mga mata ko at nahintakutan. "S-Sir... trabaho po ang ipinunta ko rito! Hindi ito!" protesta ko sa gusto niyang mangyari. "Marami po ako pangarap para sa aking pamilya, pang-mo-molestiya po itong ginagawa niyo..." Hindi ko mapigilang mangiyak dahil buong akala ko disenteng trabaho itong pinasok ko na magbibigay ng magandang oportunidad sa akin pero mukang nagkamali ako. Tumagal ang tingin niya sa mga mata ko hanggang tuluyan na ngang dumaloy ang luha ko magkabila kong pisngi. Ganito lang kababaw ang luha ko lalo na kapag ako'y nahihintakutan. "Don't cry," he said sofly and he wiped my tears using his index finger knuckles. "Wala akong gagawin." Tila tinablan na siya bigla ng konsensya sa nakita niyang pagkahabag ko at muka namang nahabag din siya sa akin. "Trabaho po pinunta ko rito, hindi po ito... gusto ko kumita sa malinis na paraan hindi ang magpagamit sa may-ari ng kumpanya na pagtatrabahuhan ko... may dangal po akong iniingatan kaya sana lang po ay respetuhin niyo iyon," saad ko na may panaka-nakang luha. "H'wag ka nang umiyak, hindi kita gagawan ng kung ano. Tinanong ko lang naman ang cup size mo, natakot ka na," saad niya at naisingit pa talaga niya iyon. Dumistansya na siya sa akin kaya ganap na ako nakahinga ng maluwag dahil masiyado na siyang malapit sa akin kanina at halos nagpapalitan na kami ng hininga. "Hindi nga po sabi tamang—" "Ano bang mahirap sagutin sa tanong ko?" Nagkatitigan kami dahil talagang pinaggigiitan niyang itanong at gusto niya talagang malaman ang cup size ng dibdib ko. "Bakit niyo po ba gustong alamin? Bibilhan niyo ba ako ng bra??" Sa pagkakataong ito nawala na rin ang pormalidad sa akin. He just groaned out of his patience. "Sasagutin mo lang naman, gaano ba iyon kahirap sagutin? Sasabihin mo lang naman sa akin kung anong letra sa mga alphabet, hindi mo pa magawa?" panunuya pa niya. Mariin akong napapikit. "Cup B, Sir! 36 inches cup B po!" Sa inis ko napilitan na nga akong sagutin siya dahil mukang 'di naman siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang sagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD