Maaga akong gumising para maghanda sa unang araw ko sa trabaho bilang personal, s***h executive assistant ni Mr Demir Monterde.
Tunay nga akong kinakabahan pero paulit-ulit ko rin sinasabi sa aking sarili na kaya ko ito at walang trabahong mapupunta sa akin na hindi ko kakayanin basta para sa pamilya.
Nakangiti akong nakatayo muli sa tapat ng malaking building ng Amony Empire. Parang kahapon lang, sumubok lang naman akong mag-apply at magbaka sakali pero ngayon nandito na ako ulit dahll pinalad akong matanggap.
Huminga na muna ako ng malalim saka lumapit sa entrance ng building. Nagulat pa si Manong guard nang makita niya ako ulit dito.
"Oh? Ineng! Magandang umaga!" gulat niyang bati. "Ikaw iyung kahapon hindi ba? Natanggap ka ba?" tanong pa niya na may himig ng tuwa.
Ngiting-ngiti akong tumango. "Magandang umaga rin po. Opo! Natanggap po ako at ako ang new assistant ng may-ari," tuwa kong sagot bilang balita at sa tuwa niya ay napapalakpak pa siya.
"Sinasabi ko na nga ba! Unang kita ko pa lang sa iyo kahapon alam ko na kaagad na matatatanggap ka. Iyung mga tulad mo ang gustong-gusto niyan ni Boss Demir." Hindi ko na binigyang kahulugan pa ang huli niyang sinabi.
Ngumiti na lang ako. "Sige po pasok na po ako sa loob at inagahan ko po talaga dahil unang araw ko po sa trabaho kailangan ko magpa-impress." Pilya akong kumindat na ikinatawa niya lang ng pagak.
"Mukang kahit nga tumayo ka lang at walang gawin kayang-kaya mo siyang impress-in," makahulugan niyang sinabi sabay pinagbuksan na ako ng pinto.
"Masiyado kayong mabiro Manong guard. Sige po ako ay magpapatiuna na," saad ko bilang paalam na rin at pumasok na nga ako sa loob at nagtungo sa hanay ng elevator na may isang papasara na kaya tinakbo ko na.
"Sandali!" Habol ko sa papasarang pinto at mabuti nakita ako ng nakasakay sa loob at kaagad niyang pinigilan ang pagsasara ng pinto.
Dali-dali akong sumakay na bahagya pang hiningal. "Salamat po!" pasalamat ko sa lalaking umagap para makasakay ako.
Tiningnan niya ako. "You're welcome," saad niya buhat ng kanyang malagong na boses at ngayon ko lang napansin ang pustura ng lalaki nang tingnan ko siya.
"Anong palapag ka?" tanong niya nang pipindutin niya na ang floor button nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Ah, top floor po!" sagot ko.
Tumango lang siya at pinindot na ang button patungong top floor. Diretso lang ang tingin niya sa harapan at hindi gumigilid ng tingin sa akin kaya nagkaro'n ako ng pagkakataon na pagmasdan ang nakatagilid niyang mukha. Ang gwapo niya naman...
Naka-corporate bussiness suit siya na mukang may mataas na katungkulan din at mukang hindi rin basta-bastang tao... kung maihahalintulad kay Mr Demir ay tila nagkakatulad pa nga sila.
Mataas din siyang lalaki, hanggang dibdib niya lang ako, kasing taas din siya ni Mr Demir ngunit bakit ko nga ba sila ipinaghahalintulad na dalawa?
Pero unti-unti napagtanto ko na may hawig din sila ngunit hindi ganap na magkamukha.
"Are you done checking me out?" he asked in his low tone of voice at ngumisi siya sa akin nang hindi ko namalayang wagas na pala ako kung makatitig sa kanya.
"S-Sorry po! H-Hindi ko po kayo tinititigan!" hinging paunmanhin ko na may pagtanggi kahit huling-huli niya na ako.
Natawa siya. "New employee?" tanong niya at ganap niya na akong tiningnan nang ganap nang bumaling siya sa gawi ko.
Tumango ako at isinantabi ang pagkailang. "Opo. Unang araw ko po sa trabaho," sagot ko na may paggalang.
"I see." Tumango-tango siya."Demir personally hired you? What position did he give you?" he asked again with his curiosity.
Mukang personal niyang kilala ang si Mr Demir kaya Demir lang ang tawag niya at hindi naman kataka-taka sa pamomostura niya dahil klaseng may mataas din siyang katungkulan.
Idagdag pa na alam niyang ito ang personal na nag-hire sa akin, marahil nagka-ideya siya dahil sa top floor ang tungo ko na si Mr Demir lang ang naka-okupa sa buong palapag na iyon.
"Personal and executive assistant niya po," tipid kong sagot na bahagya pa niyang ikinagulat at napatitig siya sa akin.
May nakakagulat ba sa pagiging assistant ng boss? Pinasadahan niya ako ng mapanuring tingin at unti-unti siyang napangisi at muli dumiretso ang tingin niya sa harap.
"Demir, Demir... kapag talaga katakam-takam hindi pinalalagpas," may kahinaan niyang sinabi dahilan para hindi ko masiyadong marinig.
"Ano po iyon?" pagpapaulit ko.
Umiling lang siya pero naroon pa rin ang nakakaloko niyang ngisi. "Nothing, wala akong sinabi." Kahit meron.
Natahimik na lang ako at umiba na lang ng tingin. Ang weird niya. Hindi ko na lang siya pinansin.
Hinintay ko na lang ang pagtungtong ng elevator sa pinaka-top floor hanggang sa naisipan ko siyang tanungin.
"Anong floor po kayo?"
"Top floor din. I have to talk to your boss. May appointment ako sa kanya ngayong araw."
Kaya pala iisa lang ng destinasyon itong elevator at tanging top floor lang dahil kung sa ibang palapag siya bababa ay siya dapat ang mauunang bumaba.
Hindi na lang ako nagsalita pa at tumango na lamang ako hanggang sa makatungtong na kami sa iisang palapag at bumukas na ang pinto ng elevator.
Binigyang daan niya ako. "Ladies first," pagpapauna niya sa akin at ngumiti ako. Nauna na nga akong lumabas bago siya.
Naabutan namin si Lizzete na maaga ring pumasok at tutok na siya agad sa kanyang computer hanggang sa dumako ang tingin niya sa amin nang mapansin niya kaming papalapit.
"Good morning Lizzete!" magiliw at nakangiti kong bati sa kanya ngunit ang tingin niya ay nasa lalaking nakasabay ko paakyat dito.
Nanlalaki ang mga mata niya na tila nagulat pa na makita ito at agad siyang tumayo. "Sir Damian! Good morning! Hindi naman kayo nagpasabi na ngayon po pala ang punta niyo." Muka pa siyang nataranta.
Akala ko ba may appointment? Pero bakit mukang hindi inaasahan ni Lizzete ang pagpunta nito?
At Damian pala ang pangalan niya? Hindi ko na rin naitanong kanina dahil hindi niya rin naman tinanong ang akin.
Ngumiti si Damian. "Alam na ni Demir na ngayong araw ang punta ko."
Tumango na lang si Lizzete at ngumiti. "Sige Sir, pasok na lang po kayo sa loob." Dumako naman ang tingin nito sa akin. "Ikaw naman Amanda, mamaya ka na lang at dumito ka na muna sa labas at maupo ka riya—"
"Sabay na kaming papasok sa loob," putol naman Damian dito sabay dumako rin sa 'kin ang tingin. "Let's go inside, I'm sure your boss is already waiting for you."
Wala na nga akong nagawa kundi ang tumango na lamang at pumasok na kami ng sabay sa loob habang si Lizzete ay sinundan lang kami ng tingin. Si Damian na ang pumihit ng saradura para sa amin.
Una niya akong pinagbuksan ng pinto kaya nagpatiuna na akong pumasok kasunod ko siya. Naabutan namin si Mr Demir na may hawak na mga papeles at dumako ang tingin sa amin.
"Good morning po Sir," magalang kong bati.
"Magandang umaga, pinsan," bati naman ni Damian at dire-diretso siyang naupo sa silya sa katapat ng table nito at ginawang komportable ang sarili.
Pinsan? Mag-pinsan sila? Kaya naman pala ang laki ng hawig nilang dalawa dahil magkamag-anak naman pala.
Nagpa-lipat-lipat naman ang tingin sa amin ni Mr Demir at bahagya pang naningkit ang mga mata niya na mayroon pagtataka kung bakit kami sabay na pumasok ng opisina niya.
Binaba ni Mr Demir ang hawak at tumagal ang tingin niya sa akin. "Nagkasabay kayo dumating?"
Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Damian. "Nakasabay ko lang siya sa elevator paakyat dito and I didn't know you already found a hot and beautiful new assistant, nalaman ko lang nang magtanong ako." Ngumisi ito ng nakakaloko.
"Lumabas ka nga muna," utos naman bigla ni Mr Demir at may iba sa tono ng boses niya na tila nag-iba ang timpla.
Agad naman akong tumango at akmang tatalikod na 'ko para magtungo na sa pinto upang lumabas na nang muli siyang magsalita.
"Hindi ikaw, Ms Riveros," mariin niyang sinabi dahilan para matigilan ako sa paglabas kaya naguguluhan akong humarap muli sa kanya.
"Ikaw ang lumabas, Damian. Let me talk to my employee mamaya ka na lang matapos naming mag-usap," pagpapalabas niya sa pinsan na ikinabigla pa nito at unti-unti ay natawa na lang.
"Ako pala ang pinalalabas," tatawa-tawang bulong nito at tumayo na sabay kamot sa kilay. "Masiyado naman special ang new employee," malaman pa nitong sinabi.
"Shut up," Mr Demir shut him up and hissed.
Natawa na lang muli si Damian at tinalikuran na siya kaya nagkaharap kami sabay ngumiti ito sa akin.
Lumapit si Damian sa akin para bumulong. "Mag-iingat ka sa pinsan ko, nangangain iyan ng buhay," may pananakot nitong babala sa akin.
Ang mga salitaan ng lalaking ito hindi ko mawari kung seryoso ba siya sa sinasabi o trip niya lang akong pag-trip-an.
"Hindi bingi ang assistant ko para kausapin mo siya ng ganiyan kalapit. Lumabas ka na hangga't kaya pa kita pagpasensyahan," si Mr Demir na nagmistulang biglang butseng puputok.
Mas lalo lang namang natawa si Damian. "Lalabas na! Ito na oh!" Iling-iling na lang na lumabas na ito ng opisina kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Mr Demir.
Unang araw ko pa lang at hindi pa naman ako naguumpisa ngunit bakit pakiramdam ko may nagawa na ako agad na kasalanan buhat ng mga tingin na iginagawad sa akin ni Mr Demir.
"Lumapit ka nga," mariing utos niya.
Agad naman akong sumunod at lumapit malapit sa kanyang table at diretso akong tumayo sa kanyang harapan.
"Sir, ano pong—"
"Ms Riveros... ano nga ulit iyong dalawang bagay na mahigpit kong ipinagbabawal?"
Napakurap ako. Ano nga ulit iyon? Nakalimutan ko na kaagad sa sobrang excitement ko kanina.
Napakamot ako sa ulo. "Ano nga po ulit iyon? Kung p'wede po ipaalala niyo po ulit sa akin? Nakalimutan ko po kas—"
Napatalon ako bigla sa gulat nang hampasin niya ang lamesa gamit ang malaki niyang kamay dahilan para matigilan ako.
Pinakatitigan niya ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Galit ata siya? Ngunit bakit? Wala akong ginagawa.
"How could you forget my two rules?" he asked in his calm voice but the madness is visible on his face.
"S-Sir, pasensya na po nakalimutan ko. Hindi ko alam bakit po kayo mukang galit, wala po kasi akong alam na nalabag ko dahil wala pa naman akong ginagawa bago pa lang po ak—"
"Bakit kayo magkasama ni Damian at sabay pa kayong pumasok ng opisina ko? Hindi ba bilin ko na walang ligawang magaganap sa kumpanya ko o sa loob ng building na ito??" diretsuhan niya nang tanong hanggang maalala ko na ang dalawang bagay na bawal!
Akala niya nagliligawan at naglalandian kami ni Damian? Pero nakasabay ko lang iyon sa elevator ah?
"Sir wala pong ligawang nagaganap sa amin at nagkasabay lang po talaga kami sa may elevator, ni hindi ko po alam ang pangalan niya, kung hindi pa sasabihin ni Lizzete," paliwanag ko bilang depensa na rin sa akusasyon niya.
At isa pa grabeng ganda ko naman kung nakasabay ko lang sa elevator tapos biglang nanligaw na agad? Overacting naman nitong si boss.
"Relax, boss. Hindi ko tipo ang pinsan niyo h'wag kayo magalala 'di po maaapektuhan ang trabaho ko saka hindi po boyfriend ang hanap ko kundi pagkakakitaan, pass po ako sa mga kalalakihan. Family first po akong tao," paniniguro ko para bigyan siya ng kapanatagan.
Ewan ko kung bakit kailangan ko bang magpaliwanag ng katulad nito. Marahil ay ganito nga siguro talaga siya ka-istikto dahil ayaw niya talaga ng distraction sa mga empleyado niya.
Gusto niya nagagawa ng mabuti at maayos ang trabaho at naiintindihan ko kahit hindi talaga siya kainti-intindi at kay hirap niya unawain dahil ang labo-labo niya.
Pinakatitigan niya lang ako sandali sabay huminga muna siya ng malalim at umayos siya ng pagkakaupo pero banas na inayos ang suot niyang coat.
"Kung ganoon, mabuti. Palagi mo tatandaan ang bilin na bilin ko, you're here to work, ako lang ang dapat mong intindihin wala ng iba."
"Yes, Sir. Ikaw ang boss ko, kaya ikaw lang ang iintindihin ko. Sa iyo ako nagtatrabaho, ikaw ang magpapasahod sa 'kin kaya kahit anong utos niyo gagawin ko."
Tila kay ganda naman sa pandinig niya ng sinabi ko kaya napangiti na siya at nawala na rin ang masama niyang timpla pero kahit muka siyang galit kanina ay ang gwapo niya pa rin, hindi man lang nakabawas sa kanya.
Agad ko naman sinaway ang sarili sa iniisip ko. Tumigil ka nga riyan Amanda! Boss mo iyan! Inagapan ko na at baka kung saan pa ito mapunta mahirap na.