Nanlulumo akong umuwi na lang, baka hindi ko araw ito. Baka bukas, maging maayos na rin ang lahat at umayon na sa akin ang pagkakataon. Naglalakad na ako malapit na sa bahay nang makasalubong ko si Aling Nena na humahangos. "Amanda! Ang Nanay mo! Bilisan mo umuwi ka na! Tumawag na kami ng barangay mobil para dalhin sa ospital!" taranta nitong balita sa akin. Bigla naman akong sinalakay ng kaba at nanlamig ang pakiramdam. Hindi na ako nag-abalang makipag-usap at dali-dali nanakbo patungong bahay namin. Naabutan ko ang mga kapitbahay namin sa loob ng bahay na pinapaypayan si Inay na walang malay at nakabulagta na sa sahig Agad akong sinalubong ni Rex nang makita ako. "Ate si Inay!" Umiiyak ito at hindi alam ang gagawin. Nanghihina man sa nadatnan mabilis kong dinaluhan si Inay at kinu