"Pasensya na Miss, hindi kami hiring." "Pasensya na, hindi ka qualified. Ang hanap namin mayroon nang experience, hanap ka na lang sa iba." "Naku Miss beautiful, pasensya na hindi natanggap sa ngayon ng aplikante ang may-ari." Iilan lang iyan sa iisang sinasabi sa akin ng mga in-apply-an ko, mapa-guard o HR, iisa ang sagot, pasensya. Nagasungot ko na ang hawak kong mga resume na magkano rin ang pa-print dahil ubos na ubos na ang pasensya ko! Sa dami ng in-apply-an ko, lahat hindi hiring?! Kahit na may nakapaskil naman?? Kapag sinasabi ko ang pangalan ko agad nila akong itinataboy! Iisa lang ang pumasok sa isip kong may kagagawan nito! Si Mr. Demir lang! Ah, ganoon? Sige, hindi ako makahanap ng trabaho dahil hinaharang niya, puwes pupunta ako ngayon kay Damian! Akala niya ha? Magaalb