CHAPTER THIRTY-TWO

1965 Words

"Diyan na lang ako sa may kanto, Sir. Diyan niyo na lang po ako ibaba." Itinuro kung saan niya ako ibababa nang papasok na sana kami sa kabahayan. "Sa mismong bahay niyo na tayo tumigil, para alam ko na rin kung saan eksakto ang bahay niyo." Inikot niya ang manibela para iliko na papasok. "Sir, nakakahiya ang bahay namin, hindi po maganda saka—" "Amanda, hindi kita inihatid para husgahan ang tirahan niyo at hindi ako ganoong tao at h'wag mo ikakahiya kung saan ka nakatira," putol niya sa akin kaya naitikom ko na lamang ang bibig ko. Nahihiya lang naman ako na door to door pa ang paghatid niya sa akin p'wede naman na sa kanto na lang. Ang kinakabahala ko rin ay si Inay na sigurado akong hindi niya magugustuhan makita na mayroong lalaking mayaman na naghatid sa akin pauwi buhat ng magar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD