Pumasok ako kinabukasan na ang suot ay black pants at pagdating ko na lang sa opisina saka ako magpapalit. Ang daming nangyari kahapon nang pumasok ako dahil sa paldang iyon kaya nakakadalang pumasok ng maiksi ang suot kaya minabuti kong sa opisina na nga lang, wala naman din ako magagawa dahil iyon ay required. "Good morning Lizzete," magiliw kong bati sa kanya nang makarating na ako sa aming palapag at dumaan sa lamesa niya patungong lamesa ko. "Girl, anong ginawa mo kahapon dito nung nauna ako sa iyong umuwi? Hindi ba ikaw ang naiwan dito?" tanong niya sa akin na parang may nagawa akong kasalanan. Nangunot ang noo ko. "Nagtrabaho, bakit? Nung alis mo inabot ako ng 7:00 pm at hindi ko na namalayan ang oras. Bakit? Ano bang problema? May nangyari ba?" Pati tuloy ako kinabahan. Iniisi