"Hindi ka pa uuwi, Amanda? 5:00 na," tanong ni Lizzete na nagaayos na ng sarili para umuwi na. Napahalimos ako ng dalawang palad habang hindi inaalis ang tingin ko sa computer. "Una ka na." Dumako naman ng tingin niya sa mga papel na nakapatong sa magkabilang gilid ng lamesa ko, at napansing niyang 'di na naman ako magkandaugaga. "P'wede namang bukas na iyan kung hindi ka naman binigyan ng kinabukasan deadline saka sabi ni Sir, umuwi na raw tayo ng 5:00," saad niya habang nagpi-face powder at hawak ang maliit ka salamin. Napaka-masunurin niya. Ako naman ang mahihirapan kapag nagpa-petiks ako rito, hindi ako p'wedeng pa-chill lang. "Mag-extend ako ng one hour, 6:00 na ako mag-out. Una ka na," saad ko naman at ipinagtabuyan na siya. "Sige, ikaw bahala." Isinukbit niya na ang kanyang sh