CHAPTER FORTY-NINE

1202 Words

"Dito na kayo maghapunan, tayo ay mga mag-uusap," saad ni Inay na mariin kong ikinapikit sa pagkadisgusto sa ideyang magtatagal pa sila rito. Ano namang paguusapan? Eh, itong si Damian talaga ang dapat lang makausap dahil ito ang aakyat ng ligaw at itong si Mr. Demir dapat nang pauwiin. Inalok pa na dito maghapunan, hindi kami kakasya sa lamesa, ang lalaki kaya nilang mga tao. "Inay, ang lamesa natin pang three seater lang," sinabi ni Rex na mukang iisa lang kami ng pumasok sa isip kaya nagkatinginan kami pareho. Batid niyang sa kanilang dalawa pa lang hindi na kasya. "Eh, kung sa susunod na lang kaya kayo maghapunan dito? Umuuwi na kayong pareho," pagtataboy ko na sa kanilang dalawa. "Dito ako kakain," panabay pa nilang sinabi. Hindi makaramdam ang dalawang 'to! Kaya nagkatinginan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD