Sa totoo lang ikinabigla ko ang pagsasabi ni Mr. Demir, ni hindi sumagi sa isip ko haharap siya sa magulang ko kagaya ng imposible kong naisip. Siguro nakapag-isip-isip na siya kung ano ang tamang gawin at hindi lahat dinadaan sa paspas... ngayon kung seryoso siya, sige nga. Patunayan niya. "Maraming salamat po sa hapunan, ako po ay tutuloy na," pasalamat at paalam na ni Damian kay Inay at Rex na ikinatango lamang nila. Nasa labas na kami at inihatid namin sila palabas ng bahay at masiyado na ring gabi kailangan na nilang umuwi. "Amanda," tawag niya naman sa akin at hinarap ako. "Tutuloy na ako." Ngumiti siya. "Kita na lang tayo ulit sa susunod kapag may pagkakataon." "Wala nang pagkakataon," singit ni Mr. Demir. Tumikhim naman si Inay batid na umayos silang dalawa at ako naman napa-