"See? Gaano kahirap sabihin?" patuya niya pang tanong at pareho niyang inilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa.
Sapo ko ang dibdib ko sa nerbyos. "S-Sir..."
"Wala akong gagawin sa iyo, Amanda. Kagaya nga ng sinabi ko na-curious lang naman ako," paglilinaw niya dahilan para unti-unti na humupa ang nararamdaman kong pagkabagabag.
"Bakit niyo po kasi gustong malaman?"
"Gusto ko lang." Inirapan niya ako at tumalikod na para bumalik sa kanyang pwesto.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya muli sa kanyang swivel chair at prenteng sumandal dito.
Sumenyas siyang lumapit ako gamit ang kanyang hintuturo at batid na lumayo na ako sa pintuan. Nagaalangan man ay sumunod na lang ako at lumapit akong muli sa may lamesa niya na may tamang distansya lamang.
"You look really nervous... I can tell that... you're still a v*rgin..." he said maliciously. Hindi pa rin pala siya siya tapos.
"S-Sir, talking like that to a woman is really inappropriate... hindi tamang kausapin niyo ng ganiyan ang isang babae," pananalungat ko sa pagiging b*stos niya.
Oo, b*stos siya. Ano pa bang matatawag sa kagaya niyang ganito makipag-usap tapos ang lagkit pang makatingin na animo'y nanghuhubad na.
Kung hindi lang talaga ako nanghihinayang sa trabahong ito ay baka ngayon na mismo mag-file na ako ng resignation.
"Don't you dare tell me what's right and wrong. Who do you think are you? And who do you think the boss here?" he said and asked mockingly bilang pamukha na rin kung ano lang ako rito.
"Sir, the way you talk to your new employee is against women's righ—"
"Against women's rights?" he asked and his eyebrows shot up. "Did I touch any of your private parts without your consent? Did I force you to do something that against your will? I just asked you what your size is, anong nilabag ko sa women's right?" patuya niyang pamumutol sa akin.
Natahimik ako... may punto naman siya... hindi niya ako hinawakan sa maseselang bahagi, tanging pisngi ko lamang ng palisin niya ang luha ko kanina... iyon lang.
"Ano? Wala kang masagot?" tila naghahamon pa siya. Ang galing mangmanipula ng taong ito.
"Pero kahit na po! Wala nga kayong ginawa pero tinanong niyo naman kung ano ang size ng boobs ko! Ganoon din iyon!" pakikipagsalungatan ko.
"Sumasagot ka?" tila hindi niya nagustuhan ang tono ng pakikipagusap ko. "You're raising your voice at your boss, huh?"
Napalunok ako. Sino ba naman kasing... hindi sisigaw? Bakit ang galing niya magbaliktad kahit alam niya sa sarili niyang siya ang mali?
"Sir, pasensya na pero kayo dapat ang higit na humingi ng paunmanhin dahil sa tanong niyong hindi naman tam—"
"Amanda," muli niyang putol sa akin. "If you can't handle a boss like me, if you have this kind of sensitive sh*t mindset or principles. My door is open you can leave and I'll hire new assistant that will replace you as soon as you go out of my office."
Natigilan naman ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko malaman ang gagawin, malaya raw akong lumabas ng opisina niya ngunit... ngunit kailangan ko talaga ng trabahong ito.
Alam ko sa sarili ko na sa oras na lumabas ako ng opisinang ito hinding-hindi na ako makakabalik pa at madali lang sa kanya makahanap ng bagong emplayado.
At isa pa hindi rin ako makakahanap agad ng trabaho at siguradong mahihirapan ako at paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin?
Naisip ko na kung mananatili akong sensitibo kahit na sa ganitong kaliit na bagay na hindi ko kaya sakyan ay paano ako tatagal? Baka may mas malala pa rito kung sakaling sa ibang lugar ako mapadpad.
Kung hindi ko kasasanayan ang isang bagay na bago sa akin, na bago sa paniniwala ko paano na nga ba ang magiging takbo ng buhay ko kung mabilis ako maapektuhan?
Kailangan ko bang tanggapin na may mga ganitong pagkakataon na kailangan kong sikmurain? Tutal wala nga naman siyang ginawa... nagtanong lang siya na alam ko, bagay na mali, ngunit anong gagawin ko gayong kailangan ko ang trabahong ito?
"Mag-isip-isip ka Ms Riveros. Walang lugar sa mundong kagaya nito ang mga sensitibong katulad mo na tanong pa lang umaatras na at hindi kaya sakyan ang mga taong katulad ko," saad niya na mas lalo lang nakapagpatahimik sa akin.
"Pinapipili naman kita, bukas ang pinto ko. Maaari lang lumabas, maaari kang manatili. Choice mo pa rin ang masusunod because it is your rights to choose according to your will or to your willingness. Hindi kita pinipilit, Ms Riveros. Ngayon pa lang ipinakikilala ko na sa iyo kung anong klaseng boss ako at ngayon kung hindi mo kaya, umalis ka na lang," tila nagsilbing hamon para sa akin ang mga sinabi niyang ito.
Nahahati ang pakiramdam ko, may bahagi na gusto kong umalis dahil pakiramdaman ko masusukat ang dangal na meron ako sa pagtatrabaho ko rito pero ang kabila naman bahagi ko ay gustong manatili para sa aking pamilya na ako ang inaasahan magtaguyod sa kanila at ayaw ko silang biguin...
Alam ko rin na marami naman kumpanya riyan na p'wede ko pang mapasukan bukod dito sa Amony Empire pero base sa naging karanasan ko mahirap matanggap sa trabaho sa panahong ito.
Kahit pa sabihing college graduate ako ay nahihirapan pa rin makahanap ng trabaho at ang Amony Empire ang unang nagbukas ng pinto para sa akin... upang bigyan ako ng oportunidad.
Ngunit paano naman kung ganito ang boss? Na may pagkamanyak? Handa ko bang tiisin at sikmurain para panatilihin ang trabahong ito?
Naalala ko rin ang sinabi sa akin ni Lizzete na hindi siya ganoon kagaling sa trabaho niya madalas pa rin magkamali pero dahil magaling siya sa bagay na... iyon, tumagal siya at 'di siya matanggal-tanggal ng boss.
Ibig ba sabihin kailangan ko rin maging kagaya niya? Kagaya ng mga naunang emplayado? Kailangan ko rin bang...
"Tumatakbo ang oras. I need your decision right now. Kung mananatili ka ba, o aalis ka? Madali akong kausap, kung hindi mo kayang tagalan ang boss na kagaya ko willing akong pakawalan ka pero h'wag mong aasahan na may iba pang tatanggap sa iyo," saad niya na may banta sa huli dahilan para ng pagkabigla ko at pagka-alarma.
Anong ibig niyang sabihin doon? Anong willing niya akong paalisin sa kumpanya niya pero h'wag kong aasahan na mayroon pang tatanggap sa akin? Nananakot ba siya?
"A-Anong ibig niyong sabihin na h'wag ko nang asahan na may tatangga—"
"This is the only company that offers you the best with a good opportunity. Hindi ba'y may sakit ang nanay mo at may kapatid ka pang nag-aaral ng high school at next year college na siya hindi ba? Magagawa mo kaya silang suportahan kung hindi ka magiging wais at matalino sa kumpanya papasukan mo?"
Muli na naman akong napaisip dahil tama siya. Ang Amony Empire ay isang kumpanya na bihira lang ang mga nakakapasok dahil piling-pili at karamihan hanggang mga pangarap lang sila na makapasok at makapagtrabaho rito.
Ito ang tinatawag din nilang once in a life time opportunity. Sa oras na lumabas ako para ko na rin tinalikuran ang magandang oportunidad na ito.
Nakapagdesisyon na ako. Mananatili ako.
"Nakapagdesisyon na po ako," saad ko sabay huminga ako ng malalim at diretso ko siyang tiningnan.
"What's your decision?" he asked at pinagdaop niya ang kanyang dalawang palad at pasensosyong naghintay ng sagot ko.
"Mananatili po ako at gagawin ko ang trabaho ko sa abot po ng makakaya ko," diretso kong sagot na buong tapang.
Unti-unti ay napangiti na siya bakas ang tuwa sa naging desisyon ko. "You made the right decision. Great!" He's trying to hide his excitement.
I don't know why he looks excited pero wala na akong pakialam pa basta gagawin ko na lang ang trabaho ko bahala na si batman.
Tumayo siyang bigla at nilapitan ako. Nagulat oko nang hawakan niya ako sa pisngi ko kaya namilog ang mga mata ko. May mga kilos siya na hindi ko talaga inaasahan.
Kasama ba talaga ito? Kailangan ba na maging normal na lang para sa akin na hawak-hawakan niya ako?
Siguro ay ayos lang naman.. h'wag lang dadapo ang kamay niya sa parteng madalas dapuan ng bubuyog.
"You don't know how you made me happy..." he said while he's still cupping my left cheek at nagawa pa niyang haplusin. "You have a poreless skin... so smooth and soft..." he added in a whisper.
Nakatingin lang ako sa kanya at sinasalubong ang mga mata niyang nangungusap at kay pupungay. Ngayon lamang din naging malinaw sa akin ang kulay ng mga mata niya... may halong pagka-berde at asul... ang ganda.
Tila mata ng manika kapag natitigan sa malapit. Hindi ko namalayang sa sobrang lapit niya literal na kaming nagpapalitan ng hinhinga.
Dumistansya ako nang nakaramdam na ako ng kung ano sa sistema ko kaya kaagad niya na rin akong nabitawan.
Tumikhim ako. "Sir, papel po dapat ang hawak natin, mga dokumento, folders at kung anu-ano pa hindi po ang mukha ko." Batid kong 'di tamang hawakan niya ako.
Pero nagulat ako nang muli na naman niya akong hawakan sa kanang pisngi ko naman. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?
Gusto ko magpakita ng inis ko pero hindi ko naman magawa dahil malinaw na nga ang naging usapan namin dalawa na mananatili ako rito at kakayanin kong pakisamahan siya.
"Let me tell you this... as my employee na nasa loob ng kumpanya ko, ng building na ito ay nangangahulugang lang na pagaari na kita at may karapatan ako hawakan ka kung kailan ko man gustuhin," saad niya dahilan para mapaawang ang bibig ko.
May karapatan siya hawakan ako kung kailan ako gusto hawakan dahil pagaari niya na ako? Sandali lang parang may mali na ata rito.
"S-Sandali lang S-Sir, para atang—"
"Complaints again, Ms Riveros?" patuya niyang putol sa akin. "Kota ka na ngayong araw na ito sa kakareklamo ni hindi ka pa naman ganap na naguumpisa?"
Paano kayang hindi ako nagrereklamo rito sa pinaggagawa niya sa akin na hindi naman na sakop ng pagiging assistant ko?
Gustong-gusto ko umapela pero alam kong baka sa susunod na protestang sasabihin ko ay tanggalin niya na lang ako nang wala nang tanong-tanong pa.
"S-Sir naman... hindi ko po kasi kayo naintindihan kung bakit... kung bakit ganito kayo sa empleyado niyo," lakas loob ko nang isinatinig kung anong nasa isip ko.
"Sa lahat ng mga naging emplayado ko na dumaan sa akin ay ikaw lang bukod tanging ang ganitong ang daming reklamo, iyung iba na mga nauna sa iyo, hawak ko pa nga lang mga naghuhubad na pero ikaw..." batid niyang naiiba ako.
"Sir, ibahin niyo naman po kasi ako sa mga—"
"Yes, I know that. Iba ka nga sa kanila at alam ko na iyan hindi mo na kailangang sabihin pa pero hindi mo ako mapipigilan."
Napatitig na lang ako sa mga mata niyang nangislap. Ngayon lang ako nakatagpo ng boss na ganito na may halong seksualidad ang trabaho lalo na kapag natipuhan.
"Hindi ako para magpaligoy-ligoy pa, hindi ako para magpakita ng pagkahaba-habang pasensya ko... Amanda. I am your boss kaya susundin mong lahat ng mga ipaguutos ko, higit na kailangan mo sanayin ang sarili mo sa katulad ko."