Nagkasundo na kami ni Mr Demir at nagkahingian na ng dispensa sa mga nangyaring hindi maganda sa pagitan naming dalawa. Ang luwag na sa dibidib, nakahinga na ako ng maluwag nang wala nang iniintinding sama ng loob sa kanya. Ayaw ko rin naman talaga nakakaramdam ng mga negatibong bagay, hindi maganda sa pakiramdam at higit hindi maganda sa pamumuhay at kailangan palaging positibong pagiisip. Ngunit dahil nga sa nangyari, hindi ko iyon napanatili, pero ngayon ay ayos na, okay na kami ng boss ko at nangako siya na hindi na niya uulitin pa. Nakangiti akong lumabas ng opisina at dumako ang tingin ko sa lamesa ni Lizzete, nag-aayos siya ng gamit at nakuha ng wallet at phone sa bag. Bababa na siguro siya para mag-lunch. Nilapitan ko siya. "Ahm... Lizzete?" Dumako naman ang tingin niya sa a