"Paano naman po ako makasisiguro na tutupad nga kayo sa pangako?" tanong ko na may pagaalangan pa. Gusto ko masiguro. "Marahil nga hindi naging maganda ang umpisa natin, Amanda. But can't you give me another chance to be a better boss for you?" Muli akong nakaramdaman ng pamumula ng aking magkabilang pisngi. Maging mas mabuting boss para lang sa akin? Gano'n niya kagustong manatili ako rito? Talagang pinapanindigan niya na ngayon siya ang mag-a-adjust sa amin dalawa, kung tutuusin hindi niya naman ito kailangan gawin. Kung hindi niya rin makuha ang gusto niya ay pwedeng-pwede niya na ako paalisin, ngunit hindi niya ginawa at sa halip tila sinusuyo niya pa ako ngayon. Kay hirap naman tanggihan o pagdududahan kapag ganito na mukang seryoso siya sa sinasabi niya ngunit ayaw ko naman lub