Gusto ni Mr Demir ng salmon sushi para sa kanyang lunch. Ano bang lasa no'n? Hindi pa ako makakatikim ng hilaw na isda. Feeling ko anlansa. Napakislig na lang ako na may pangingiwi, hindi ko talaga trip iyung mga pagkain hindi dumadaan sa pagluluto pero bahala siya, siya naman ang kakain. Matapos ko itawag, pagkain ko naman ang inisip ko. Makababa na nga lang ng cafeteria meron naman kainan sa baba para sa mga empleyado. Ide-deliver na lang naman dito ang pagkain ni Mr Demir kaya bababa na ako para mananghalian. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko mula sa bag. Sana naman mura lang mga pagkain at kailangan kong magtipid nang bigla akong may maalala! Binuklat ko ang wallet ko, mayroon nga pala kaming meal allowance card dito, i-swipe lang, bayad na. Sagot nga rin pala ng company ang pag