"Pero, ikaw, nasa sa iyo pa rin naman kung tatanggapin mo ang alok ko, hangad ko lang na matulungan ka," saad pa niya at ngumiti. Napatitig na lamang ako sa hawak kong tasa at humigop habang nag-iisip. Kung sa kanya ako magta-trabaho paano naman ako makakasiguro na hindi rin siya tulad ng kanyang pinsan? Natural lang na isipin ko muna mabuti dahil pangalawang beses ko pa lang siya nakita at nakausap ngayon pero base naman sa kung paano niya ako kausapin muka naman siyang matinong kausap. Ngunit ganito rin ang impresyon ko kay Mr Demir noong una, na hindi mo aakalain na makagagawa ng kalaswaan o ano pa man kapag oras ng trabaho, trabaho, pero hindi pala ganoon, wala siyang pinipiling oras basta manginit siya, tira dito, tira doon. Ang lalaking iyon, nakakadismaya. At kapag naaalala ko a