Dahil sa pagpupuyos ko at mas nangingibabaw ang nararamdaman ko ay hindi ko na namalayang may kasalubong pala ako nang makababa akong muli ng ground floor at ng makalabas ng elevator. "Woah! Hey!" Gulat na hinawakan ako sa magkabilang braso ng lalaking nakabangga ko upang agapan ako sa pagtalsik at nang mag-angat ako ng tingin si Damian pala. "Are you okay?" he asked with concern. Nakatingin siya sa mga mata kong halatang mangiyak pa rin. "Why are you crying? May nangyari ba?" tanong pa niya at ang mukha nagpapakita ng pagaalala. Iwinasto ko ang sarili ko at umiwas ng tingin sabay umiling. "W-Wala, mauna na po ako." Dali-dali na akong nilagpasan siya ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nahawakan niya ako agad sa braso upang pigilan ako dahilan para mapahinto ako. "What hap