Itinaboy niya na ako palabas ng opisina at hindi niya na rin ako binigyan pagkakataon pa na makapagsalita. Awang na lang ang bibig kong nakatitig sa pinto na siya na ang nagsara matapos niya 'ko itulak palabas. Anong ibig niyang sabihing saka na niya ako hahawakan kapag handa na ako? Sira na ba siya?! Sa inis ko umamba ako na gusto ko siyang suntukin nang magsalita bigla si Lizzete mula sa likuran ko kaya napatalon ako sa gulat. "Ginagawa mo riyan, Amanda?" Hinarap ko siya. "W-Wala!" Ba't ba ako nauutal? "Nag-usap ba kayo ni Sir? O mag-uusap pa lang? Ba't ka nakatayo riyan, hindi ka pumasok?" tanong pa niya. "Katatapos lang namin mag-usap," sagot ko. Hindi ko naman para sabihin pa na sabay kaming kumain tapos sinubuan pa ako, siguradong uusisain niya pa ang mga sumunod na nangyari