Panabay lang kaming bumaba nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng building, mabilis ang naging kilos ko at hindi siya inimik. "Ms Riveros, where do you think you're going? Dito ang entrance," tanong at turan niya sa pintuan papasok ng building kung saan nagbabantay si Manong Guard. Umiba ako ng direksyon dahil wala na ako balak na tumuloy pa sa pagtatrabaho sa kanya. Matapos ng mga pinaggagawa niya at ang mga mapang-insulto niya pang sinabi wala na akong dahilan pa para pasukan siya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. "Uuwi na po ako," mariin kong sinabi dahilan para umigting ang panga niya. Naglakad siya papalapit sa akin pero hindi ako nangiming umatras. Sinalubong ko ang mga mata niyang batid niyang h'wag ko siyang sinusubukan. "Uuwi?" paguulit niya na tila mali lang si