Kabanata V: Kasintahan

901 Words
Isabel "Ma'am, nasaan si Sir?"tanong ni Eloy nang buksan ko ang pinto. "Nasa bathroom."sagot ko. Ang bilis niyang nagtungo sa bathroom kanina. Pumasok na si Eloy sa loob at pinatong ang dala niyang tray sa mesa. Napansin ko kaagad ang mga katulong. Kumunot ang noo ko nang makita kong may dala silang clothing racks. Tinignan ko na si Eloy. "Ah, nandito sila para ibigay ang mga damit mo, ma'am."wika ni Eloy. "Damit?"naguguluhan kong tanong. "Ano pang ginagawa niyo? Ipasok niyo na ang mga damit." Sinilip ko ang gilid ng pinto, nahagip naman ng mga mata ko ang isang babae na may katandaan na. Nakapusod ang kanyang buhok, nakasuot ng kulay kremang blouse at itim na knee-length skirt. Tinignan ko si Eloy. "Lola nila Sir Axel."mahinang pagpapa-alam sa akin ni Eloy. Gumilid ako nang pumasok na ang matandang babae sa loob. Sinenyasan ko naman ang mga katulong na huwag ipasok ang mga damit. Isinara ko ang pinto at humarap. "May liliwanagin lang po sana ako."wika ko pero napalunok ako sa kaba. Humarap sa akin ang matanda. "Liliwanagin?"tanong ng matanda. "Opo."sagot ko. "Ano naman 'yun?" "Ang totoo'y hindi po ako inuwing babae ni Axel."wika ko. Tinignan lang ako ng matanda. "Ang ibig ko pong sabihin, hindi niyo ako kailangan bigyan ng mga damit." Inayos ng matanda ang kanyang suot na salamin. "Ang ibig mo bang sabihin mas gusto mong suot 'yan?"tukoy ng matanda sa suot kong roba. "Hindi po."nauutal kong sagot. "Ummm, pinapatuyo ko lang po 'yung damit ko. Nasa loob po ng banyo. Aalis din po ako-" "Nana." Bumaling ako sa labasan ng wardrobe nang marinig ko ang boses ni Axel. "Oh ayan ka na. Axel, ano bang pinaggaga-gawa mo? Kita mo muntik ng malagay sa peligro ang buhay mo."panenermon ng matanda. "Nana, maayos ako, hindi niyo kailangang lumuwas dito. Lalo na't napakahaba ng biyahe." Tahimik kong pinanood si Axel, napakagaan ng boses niya. Naitaas ko ang isang kilay ko dahil nakakabigla na may soft spot pala siya. "Malakas pa ako, hindi mo ako kailangan tratuhin na uugod-ugod na." "Nana, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ayoko lang na mapagod ka." Tinignan ng matanda si Eloy. "Sabihin mo nga sa akin, bakit siya lumuwas dito? May tinatago ba kayo mula sa akin?" Nagkamot si Eloy, "Wala po Nana, binisita lang po ni Sir si Ma'am." Wow, ako pa ginamit na dahilan. Sunod na akong tinignan ng matanda. "Binisita ka niya, iha?" "Hindi po totoo."mabilis kong sagot. Sa impresyon ko sa matanda, mabait siya at nasa tamang pag-iisip. Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, baka mapapalabas narin ako dito. "Dahil ang totoo po'y-" "Ang totoo'y, may tinatago talaga ako sayo Nana. Kasintahan ko siya kaya ako laging lumuluwas dito para bisitahin siya."putol ni Axel sa sasabihin ko. Kasintahan?! Lumapit ako kay Axel. "Nababaliw ka na ba? Anong pinagsasabi mo?"mahina kong tanong sa kanya. Humarap siya sa akin. "Hindi na natin kailangan magsinungaling kay Nana."wika niya. "Stop acting."nanggigigil kong sabi. "Ikaw ang nagsimula nito, nakiki-ayon lang ako."mahina niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko dahil sa panggigigil. Humarap ako sa matanda. "Hindi po. Nagkita po kami sa bar at-" "And she fell in love with me."putol niya ulit sa sinabi ko. Sa gulat ko sa sinabi niya, dahan-dahan kong naibaling ang mukha ko sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Habang naningkit naman ang mga mata ko sa kanya. Kung sira-ulo ka, mas sira-ulo ko. "Iha." Humarap ako sa matanda nang tinawag niya ako. "Totoo ba?"tanong ng matanda. "Opo." Ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Axel. "Na-love at first sight po ako sa apo niyo."ngiting sabi ko pa. Bumaling ako kay Axel, "At ganun din po siya, na-love at first sight din po siya sa akin." Sinamaan niya ako ng tingin. "What, no-" Inilagay ko ang kamay ko sa gilid niya at kinurot ito. "Kasintahan mo ako tapos ako lang ang na-inlove? Tanga ka ba."mahina kong sabi. "Totoo po 'yun, Nana."wika na ni Eloy sa tabi. "At mas mahal nga po ni sir si ma'am dahil ayaw niya talagang pakawalan si ma'am. Lagi niyang gustong makita ito kaya 'di siya makapaghintay na makapunta dito, Nana." Ang galing gumawa ng kwento ng Eloy na ito, mukhang hindi lang ito ang unang beses na magdahilan sa matanda. Gayumpaman, tumango-tango ako at nakangiti lang. "Na humantong na nga sa pagdala niya dito kay ma'am"dagdag pa ni Eloy. Tumingin ako kay Eloy at ngumiti ako sa kanya. "Pasensya ka na, ewan ko ba dito kay Axel, hindi na makapagpigil at ayaw niya na akong pakawalan." "You crazy woman."may lakas ng sabi ni Axel. "Crazy in love with you, darling." Muntik na akong mapatawa nang makita kong halos mamutla na siya dahil sa tinawag ko sa kanya. "Nakakatuwa naman." Humarap na ako sa matanda. "Pasensya na po sa pagsisinungaling ko kanina. Ayoko lang po na magalit kayo kay Axel."saad ko. "Ay naku iha, ba't naman ako magagalit." Ngumiti naman ulit ako. "Ano pa lang pangalan mo, iha?" "Isabel po."sagot ko. Napansin ko ang pagtigil saglit ng matanda. "Napakagandang pangalan."may ngiti niyang sagot kapagkuwan. Napa-isip ako dahil ito rin ang sinabi ng Tita ni Axel sa akin nang sabihin ko ang pangalan ko. "O siya, magpalit ka na ng damit dahil hindi pwedeng nakasuot ka na lang ng ganyan."wika ng matanda. "Si Axel po kase-" "Tumigil ka na."madiin na saad ni Axel. Itinikom ko naman ang bibig ko dahil ramdam ko ng umuusok ang ilong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD