Kabanata IV: Sa Likod ng Pinto

1235 Words
Isabel "Ba't mo ako tinatanong, eh ikaw nag-utos na dalhin ako dito."sagot ko sa tanong niya. Iginilid niya ang mukha niya pero binalik niya rin ang tingin niya sa akin. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"nanggigigil niyang tanong Ngumisi ako. "Dahil inuwi mo akong babae." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Anong sabi mo!"bulyaw niya. Nangangalaiti na akong tumingin sa kanya. "Mister, alam mo bang pwede kitang sampahan ng kaso lalo na sa ginagawa mo ngayon? Literal na kidnapping pa ang ginawa mo sa akin." Naging walang emosyon pero nakakatakot na tingin ang meron sa mga mata na niya ngayon. "Do it. Tignan natin kung mananalo ka." Naikuyom ko ang kamay ko. "Ah, bago mo pala ako masampahan ng kaso, natitiyak mo bang makakalabas ka ng buhay dito?" Hindi na ako sumagot dahil narinig ko na ang mga papalapit na yabag. Lalayo na sana siya mula sa akin pero ikinawit ko ang kamay ko sa batok niya. Hinila ko siya at hinalikan. Sakto namang bumukas ang pinto. Itinulak ko rin siya. Mabilis naman siyang lumayo at bumaba mula sa kama. Dahan-dahan naman akong bumangon at umupo. Inayos ko ang buhok. Bumaba narin ako sa kama at pineke kong higpitan ang tali ng suot kong roba. Humarap na ako sa pinto. Bumungad sa paningin ko sina Eloy, ang medical staff at ibang katulong. "Ilabas niyo ang babaeng ito!"pasigaw na utos ni Axel. Umikot ako sa kama at humakbang na ako palapit sa pinto. "Sir, alam kong nahihiya ka pero hindi mo naman kailangang palabasin si ma'am."wika ni Eloy. "What?!"mabagsik na bulyaw ni Axel kay Eloy. "Sir, kumalma ka."paalala parin ni Eloy. Bumuntong-hininga ako. "Lalabas na lang ako Eloy."saad ko sabay tingin ko sa doctor. "Paki-check na lang 'yung sugat niya, baka nagdugo sa ginawa namin kanina-" Hinaklit ako ni Axel at pinaharap niya ako sa kanya. "Lalabas na nga ako."saad ko sa kanya. "What are you trying to do?"mariin niyang tanong. I leaned closer to his ear. "Saving myself. But don't worry lalabas na ako, mukhang interesado ang mga katulong mo kung gaano ka kagaling sa kama."mahina kong sagot. Dumistansya rin ako. "Sige na, magpahinga ka na muna."dagdag ko pa, tatalikod na sana ako pero humigpit lang ang pagkakahawak niya sa braso ko at mas lalo lang niya akong pinalapit sa kanya. "Gusto mo talagang mamatay sa kamay ko?"nagbabanta pero mahina niyang turan. Inangat ko ang mukha ko at tiningala siya. "Papatay ka ng babae?" Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ko ang labi niya gamit ang daliri ko. "I don't think you can do it. Masyadong mahalaga sa iyo ang imahe mo."wika ko pa. Sa personalidad niya, delikado at dominante siyang lalake. At alam kong mahalaga ang opinyon ng ibang tao sa katulad niya. Tumikhim si Eloy sa likod. "Lumabas na tayo, mukhang okay naman si sir." "Mabuti pa nga. Ma'am, pakisabi na lang sa amin kung dudugo talaga ang sugat ni sir." Lumingon ako sa kanila. "No, sasama na ako sa inyo." Pwersahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Kailangan niyang magpahinga."dagdag ko at naglakad na ako palapit sa kanila. Nasa pinto na ako nang umikot ang kamay ni Axel sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Bahagya akong napasinghap nang tumama ang likod ko sa katawan niya. Nagpalitan sila ng tingin. "Leave."utos ni Axel sa kanila. Mabilis naman silang umatras palabas at isinara ni Eloy ang pinto. Napalunok ako nang maramdaman ko ang labi niya sa bandang gilid ng leeg ko. Mahina akong bumuga ng hangin nang tumaas ang labi niya papunta sa taenga ko. Naipikit ko ang mga mata ko nang kumilos narin ang palad niya. "Kung sasampahan mo ako ng kaso, hindi ka talaga mananalo." Napamulat ako. Nagpatuloy ang kamay niya sa paggapang pataas sa harapan ko. "Ni hindi ka nga nanlalaban. In fact, nagugustuhan mo ang ginagawa ko sayo." Para akong nabuhusan ng tubig sa sinabi niya. Mabilis akong humarap sa kanya. Umismid naman siya. "Seryoso ka pala sa sinabi mo na kaya mong ibigay ang sarili mo sa lalakeng unang kita mo pa lamang." Malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya matapos niyang sabihin ito. Tumalikod na ako at inisang hakbang ko ang pinto. Binuksang ko na ang pinto pero naabutan niya ako at malakas niyang sinara ito. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Since you want to be my woman now, I'll allow you."matabang niyang sabi. Pagak naman akong tumawa. "Gago, kung hindi lang ako nasa bingit ng kamatayan, nunka na gusto kong maging babae mo."saad ko. Nagtagpo ang mga kilay niya. "Anong sabi mo?"galit niyang tanong. Nagpakawala ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. "Answer me, anong dapat kong gawin para pakawalan mo ako mula sa lugar na ito?" Alam kong dinala niya ako dito ng may dahilan. "Pretend to be my woman."simple niyang sagot. "Seryoso akong nakikipag-usap sayo."galit kong saad. "I am too. At kung gusto mong lumabas sa kwarto, sige." Naglakad na siya pabalik sa kama at umupo dito, sinundan ko naman siya ng tingin. "Show to them that I own you." Kumunot ang noo ko. Nginuso niya ang suot kong roba. Bumaba naman ang tingin ko. Napamura ako sa isipan ko pero ngumisi rin ako sa huli. Hindi ako magpapatalo sa kanya. "Talaga? So pwede ko rin ikwento sa kanila kung paano ka gumalaw sa kama?" Napatayo siya at galit na naman siyang nakatingin sa akin. "What a vulgar woman!"pang-iinsulto niya sa akin. "How about you?"tanong ko sabay tingin sa kanyang katawan. "Nagpapakabirhen o mahiyain ka? Hmm, bakit kaya?" Bumaba ang mga mata ko sa pagitan niya. Mabilis siyang lumapit sa akin. Marahas niya akong isinandal at ipininid niya ako sa nakasarang pinto. "Don't test me, woman." Palaban parin naman ang mga mata kong tumingin sa kanya. "If you keep provoking me-" Napahugot ako ng hininga nang ilapit niya ang labi niya sa akin. "I will really undress you, taste your body and rock you until you beg me to stop." Lumunok ako nang maramdaman ko ang matigas niyang alaga. "Feel it?"paanas niyang tanong. Nakagat ko ang labi ko at tumango. "Stop, mas lalong magwawala ito." "Huh?"tanong ko. Hindi siya sumagot at tumitig lang sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ikiskis niya ang alaga niya sa akin. "Look what you did?" "Ba't ako ang sinisisi mo?"tanong ko sa nanunuyo kong lalamunan. Nag-iinit na ang katawan ko at namamawis na ako. Pinag-cross ko ang mga binti ko at iniipit na ang p********e ko. "Lumayo ka na."mahina kong sabi. "How?"He growled on me. "Hindi ko alam."nahihirapan na ako sa ginagawa niya. Ramdam na ramdam ko ang alaga niya. "Damn it!"mura niya. Hinila niya ang batok ko at tuluyan na niya akong hinalikan sa labi. Pinikit ko ang mga mata ko at nagpatianod sa kanyang halik. Hindi dapat ganito. Nagiging tama na ang sinabi niya tungkol sa akin. Bakit ang bilis ng katawan ko na tanggapin ang pinaparamdam niya sa akin ngayon? Alam kong mali pero anong magagawa ko kung hindi naman nagpoprotesta ang utak ko. Gusto ko! Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya habang lumalalim na ang nangyayaring tagpo sa pagitan namin. "Ummmm."ungol ko nang igalugad niya ang dila niya kasabay nang matinding pagkiskis niya sa alaga niya sa akin. Tumingala ako nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. "Sir." Naitulak ko siya palayo sa akin nang marinig ko ang katok mula sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD