Kabanata VI: Bagay Sayo

1430 Words
Isabel Napakamot ako sa noo ko nang iutos na ng Lola ni Axel na ipasok ang mga damit sa loob. Sinunod pa nila ang iba't-ibang nagmamahalang heels. Palipat-lipat na ang mga mata ko sa clothing racks na pahilerang isinasaayos na ng mga katulong. "Iha, pumili ka na ng mga gusto mong damit."wika sa akin ng Lola ni Axel. "Nana, kailan mo pa hinanda ang mga 'yan?"tanong ni Eloy sa matanda. "Kagabi, nang malaman ko rin na may inuwing babae si Axel. Alam mo na excited talaga ako kaya pinahanda ko kaagad ang mga ito." Nanatili lang ako nakatayo dahil hindi ko alam kung saan ko itutuon ang pansin ko sa dami ng mga damit. "Labis akong natuwa dahil sa wakas may nauwing babae narin ang isa sa mga apo ko." "Gawin niyo na 'yan sa labas, gusto kong magpahinga."ma-awtoridad na utos ni Axel. Bumaling ako sa kanya, prenteng naka-upo na siya sa sofa at humihigop ng kape. Aba! Sarap naman ng buhay ng lalakeng ito pagkatapos niya akong ipitin sa isang sitwasyon. "Darling, nahihirapan akong pumili ng isusuot ko, pwede mo ba akong tulungan?" "No."mabilis niyang sagot sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa arm rest ng sofa. I leaned towards him, "Gusto mo ba talaga na sa labas ako pumili ng damit? Sure ka?" Walang gana niyang pinukol ang mga mata niya sa akin. "Yes." "Okay, habang pumipili ako mamaya, magkukwento ako sa kanila."wika ko. Liningon ko ang lola ni Axel. "Nana, sa labas na lang po tayo."dagdag ko sabay tayo. Tumaas ang sulok ng labi ko nang hinawakan ni Axel ang kamay ko. "Yes darling?"baling ko sa kanya. "Dito na lang kayo, basta huwag mo na akong tawagin sa ganyan."mariin pero mahina niyang saad at binitawan na niya ang kamay ko. "Why not? Ayaw mo ng darling? Babe?"mahina ko ring sagot. Minasahe niya ang sentido niya. "Just go and pick your clothes."utos niya. "Okay babe." Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako palapit sa racks. Inisa-isa ko namang tinignan ang mga damit. Hindi ako mahilig sa girly dress. Sa madalas, office suit ang lagi kong suot at tsaka lang ako gumagamit ng dress kapag may event or pupunta ako sa bar. Kung nasa condo ako, kung ano-ano ring pambahay ang sinusuot ko. Pero habang nahahawakan ko na ang mga ito, parang maganda na lahat sa paningin ko at hindi na ako makapili. "Iha, isukat mo na ang mga 'yan para makita natin."mungkahi ng Lola ni Axel. Tumango naman ako at nagtungo na ako sa bathroom. Una kong sinubukan ang sundress na kulay itim. Nagdadalawang-isip muna ako bago ako lumabas mula sa bathroom. Tuwang-tuwang ang Lola ni Axel. "Nasasabik na akong makita ang magiging mga anak niyo ni Axel."wika pa ng Lola ni Axel. "Po?" "Ang ibig kong sabihin sa kaganda mo at kagwapo ng apo ko, tiyak akong magiging magaganda at gwapo ang magiging bunga niyo. Hindi ba Axel?" Sumulyap ako kay Axel. Nagbabasa na siya ng diyaryo. "Axel, tignan mo naman si Isabel. Hindi maganda na hindi mo binibigyan ng atensyon ang kasintahan mo sa mga ganitong bagay." Hindi natinag si Axel at nagpatuloy siya sa pagbabasa. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng Lola niya. "Darling."tawag ko pero hindi niya ako pinansin. "Babe" "Love" "Sweetheart" "Baby" "Ma'am, kahit gamitin niyo na lahat ng endearment, hindi niyo matitibag si sir."wika na ni Eloy. Nanliit naman ang mga mata ko. "Sige na, ma'am, subok niyo na 'yung iba." Tumango na lang ako at kumuha na ako ng ibang damit. Ang dami ko ng sinuot na damit pero ni minsan hindi ako binigyan pansin ni Axel. "Mukhang hindi naman yata girlfriend ni sir 'yang babaeng 'yan."narinig ko saad ng isang katulong sa gilid. Nakagat ko ang labi ko sa inis. Wala rin naman akong pakialam sa opinyon niya pero naiinis lang ako na pinagmumukha niya akong tanga sa harapan nila. Isinuot ko na ang balloon sleeve mini dress. Kulay asul ito at twist front ang style. Pagkatapos kong sipatin ang sarili ko sa harap ng salamin, lumabas na ako mula sa bathroom. Napangiti ako nang mapansin ko ang Lola ni Axel na natutuwa habang pinagmamasdan ako. "Bagay sa suot mo iyon, iha." Turo ng matanda sa heels na nasa gilid. Mabilis naman na kumilos ang mga katulong para kunin ito at ipasuot sa akin. Lumayo rin sila pagkatapos kong isuot ang heels. "Hay naku apo, magsisisi ka kung hindi mo titignan si Isabel ngayon." "Nana, kanina pa kayo diyan."ito lang ang sinagot ni Axel sa Lola niya. Nakita ko na nadismaya ang matanda sa sinabi ni Axel. "Hindi mo man lang ako pagbigyan. Ang tagal ko ng pinapangarap ito."malungkot na saad pa ng matanda. Humarap ako kay Axel. "Axel."tawag ko na sa kanya. Napansin ko ang pagtigil niya at pagbaling sa akin. Kumurap-kurap ang mga mata ko dahil tumitig na siya sa akin. Kapagkuwan, pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Axel." Napabaling ako sa gilid dahil sa boses ng kung sino. Kaagad naman na bumungad sa mga mata ko si Javier na kapapasok lang sa kwarto. "Gising ka na pala-" Huminto si Javier at tumingin sa akin. Saglit na nanalagi ang mga mata niya sa akin. Umismid ako. "Hindi naman siguro ikakabawas ng panahon ko sa mundo kung isusuot ko ang mga damit na ito."wika ko nang maalala ko ang tinuran niya sa akin. "Kinimkim mo pala 'yung sinabi ko. Pasensya ko na, hindi ko alam na girlfriend ka pala ni Axel." "Naalala ko lang."saad ko sa kanya. Maikli siyang tumawa. "Still, my apologies. And para makabawi sa iyo, bibilhan kita ng ganyang klaseng damit." Kumunot ang noo ko. Tipid siyang ngumiti, "Bagay sayo."komento niya. Umismid ako, "No need, nakabawi ka na."wika ko. "No, I insist-" Hindi na naituloy ni Javier ang sasabihin niya dahil inudlot na siya ni Axel. "Nana, may sugat din si Javier." "Ano?"nag-aalalang lumapit ang matanda kay Javier. Mabilis naman na umatras si Javier. "Wala, Nana."tanggi pa niya. "Patingin. Ano bang ginagawa niyo at nagkakasugat kayo?" "Nana, ayos lang ako."wika ni Javier tsaka niya ako tinignan. "See you around." Tumango naman ako sa kanya. Dali-dali na siyang lumabas sa kwarto, hinabol naman ng Lola nila. "Lumabas na kayong lahat."utos ni Axel sa mga katulong. "Iwan niyo na lang iyan, at iyong kulay dilaw, pati 'yun at tsaka 'yung nasa gilid." Kumunot ang noo ko dahil si Axel na ang pumili sa mga damit. Mabilis naman na kumilos ang mga katulong tsaka rin sila lumabas sa kwarto. "Sir, lalabas narin ako."pagpapa-alam naman ni Eloy. Inisa-isa kong tinignan naman ang mga damit niyang pinili. Bumuga ako ng hangin dahil lahat ng pinili niya ay hindi ko naisukat kanina. Dinampot ko lahat ng ito at akmang lalabas na ako sa kwarto nang magsalita siya. "Saan ka pupunta?"tanong niya. "Isasauli ito at kukunin iyong mga napili ko kaninang damit."sagot ko. Tiniklop niya ang dyaryo tsaka tumayo at lumapit sa akin. Kinuha niya ang mga damit mula sa akin at ipinatong ito sa kama. "You will wear these clothes." "Inuutusan mo ba ako?" "Yes."walang kagatol-gatol niyang sagot. "Excuse me, hindi mo ako tauhan." "I know, you're my woman."wika niya at hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hinarang ko ang dalawa kong kamay sa pagitan namin. "What are you doing?"tanong ko sa kanya. "Nothing."sagot niya. Tinulak ko siya pero hindi siya natinag. "Bitawan mo ako."utos ko sa kanya pero hindi parin talaga siya natitinag. Hanggang sa nakarinig ako ng katok. "Sir, mag-usap daw kayo ni Sir Javier."narinig kong boses ni Eloy sa labas ng kwarto. "Sir."tawag ulit ni Eloy dahil hindi kumibo si Axel. "Ano ba, tinatawag ka na ni Javier."wika ko. Nagulantang ako nang kabigin niya ako at siniil ako ng halik. "Ummm-" Nanlaban ako at pinilit kong itulak siya pero mas naging mapangahas lalo ang labi niya. Nasasaktan na ako sa paraan ng paghalik niya sa akin. "Axel."daing ko pero naipikit ko ang mga mata ko. It's rough and harsh, but it losing me more. Tumigil din siya at mabilis siyang dumistansya mula sa akin. "Gusto mong makalabas na dito, hindi ba?"tanong niya mula sa mabibigat na hininga. Nagmulat ako at matagal akong tumitig sa kanya bago ako sumagot, "Oo." "Kung ganun sabihin mo sa akin kung sino ang lalakeng nagtangkang patayin ako." Kumunot ang noo ko. "Sumunod ka sa akin sa investigation room."dagdag niya. "Okay."sagot ko. Mataman niya akong tinignan. "What?"mataray kong tanong sa kanya. "Magpalit ka muna ng damit. Idadala ka na lang ni Eloy doon."wika niya at linagpasan na niya ako. Liningon ko naman naman siya habang tuloy-tuloy siyang lumabas mula sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD