bc

The Governor's Desire

book_age18+
765
FOLLOW
6.3K
READ
one-night stand
small town
like
intro-logo
Blurb

Warning SPG: 18+ CONTENT

Sebastian Axel Calvajar, lumaki na may poot at paghihiganti sa kanyang puso dahil sa trahedyang sinapit ng kanyang mga magulang. Iisa lang ang direksyon ng kanyang buhay at iyon ang tuklasin ang totoong salarin sa nangyari sa kanyang mga magulang. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Maria Isabel De La Torre. Unti-unting tinitibag ng dalaga ang pader na nakaharang sa kanyang puso. Subalit, ang pagtuklas niya ng kanyang nararamdaman ay ang pagkakataon rin na natuklasan niyang galing si Isabel sa pamilyang nagdulot ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.

"Anong bahagi ba ng aking pagkatao ka nababaliw, Axel? Ang puso ko, ang katawan ko o ako na miyembro ng kinamumuhian mong pamilya?"

Lumabas ang poot sa kanyang mga mata ng marinig niya ito, "Hindi ka kabilang sa pamilyang iyon! Asawa kita!"

"Bahagi sila ng pagkatao ko, Axel! Ang mga taong tinutuligsa mo ngayon ay angkan ko! Kung may kasalanan ang angkan ko sa iyo, bahagi ako dun! Kasama ako sa kanila kung naghihiganti ka!"

Naikuyom niya ang kanyang kamay nang makita niya ang sakit sa mga mata ng asawa niya. Kaya nga ba talaga niyang ibigay ang buong puso niya kay Isabel kung sa bawat tingin niya dito, naaalala niya ang mga magulang niya?

chap-preview
Free preview
Simula
Isabel Napahawak ako sa sentido ko, pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Luminga ako sa paligid, pinipilit kong ayusin ang sarili ko. Pero mas lalo lang ako nahihilo dahil sa kumikislap na ilaw ng bar. "Bel, you okay?" Bumaling ako sa tabi ko, ngumiti ako sa kaibigan ko. "Totally fine."nakangisi kong sagot. "Are you sure?" Tumango ako. "I don't think so."wika ni Jeaneva at kinuha sa akin ang bote ng alak. "Hey, I said I'm okay-" "Bel, alam kong gusto mong magpakasawa sa alak ngayong gabi pero sa tingin ko ang dapat mong gawin ay bantayan ang boyfriend mo." Natawa naman ako sa sinaad ni Jeaneva. "No need, I trust him. At nandiyan lang siya-" Naudlot ang sinabi ko dahil hindi nakita ng mga mata ko si James. "I told you."wika ni Jeaneva. Ngumisi naman ako. "Alam mo ikaw masyado mong pinapahalata na ayaw mo sa boyfriend ko." "Because you're too good for him."mataray niyang sagot. Kinuha ko ang bote mula sa kanya. "You think too much, mas malala ka pa sa akin." "But-" "Come on Jea, let's enjoy this night." Nangangambang tumingin siya sa akin- Hinila ko na siya sa dance floor, natatawa naman siyang tumingin sa akin. "I know you're jealous, that's why I'm all yours tonight, my friend."wika ko sabay kindat ko kay Jeaneva. Humagikgik naman siya, "Yuck ka." Ngumisi ako sa kanya pero nahagip ng mga mata ko si James na nakikipag-usap kay Charlotte, ang matindi kong karibal mula pa noong nag-aaral pa lang kami sa law school. Ipinagsawalang bahala ko ito pero ilang minuto lang ang lumipas, bumalik ang mga mata ko sa kanila. Nagsalubong ang kilay ko nang makita kong dikit na dikit na sila pareho. "Jea, wait lang, may nakapasok na ahas dito."wika ko sa kaibigan ko habang nakatingin parin ako sa kanila. "Ahas? May ahas ba dito sa bar-" Naudlot ang sinasabi ni Jea, mukhang naintindihan na niya ang pinupunto ko. "Go girl." Huminga ako ng malalalim at hahakbang na sana ako nang pigilan ako ni Jea. "Akin na muna iyang bote, baka sa bilangguan ka na mapunta imbes na magkulong ka lang sa condo mo." Tinignan ko si Jea at umismid ako sa kanya. Binalik ko na rin ang mga mata ko sa boyfriend ko at kay Charlotte pero wala na sila sa kinatatayuan nila kanina. Bumangon ang kaba sa dibdib ko. Mabilis ang mga hakbang kong umikot sa lugar para hanapin sila. "See, sabi na sayo eh. Tama ang kutob ko na siya ang bagong babae ng boyfriend mo ngayon." "Jea, pwede ba."saad ko na habang patuloy parin ako sa paghahanap sa kanila. "O tama naman sinabi ko. At alam ko rin na 'yan ang iniisip mo. Para ngang hindi ka narin nagulat eh." Tumigil ako at lumingon ako kay Jea. "Alam mo kung anong pinaggaga-gawa 'yang jerk mong boyfriend pero ewan ko ba sa iyo, hindi mo mahiwalayan." Umiling ako, "Tulungan mo na lang akong hanapin sila."saad ko lang at umakyat na ako sa second floor ng bar. Nagtungo na ako sa pasilyo at binuksan ang unang kwarto. "What the f*ck!" Dumako ang mga mata ko sa hubad na katawan ng lalake at babae. "Uso maglock ng pinto, tanga."wika ko at isasara ko na sana ang pinto ng marinig ko sa likod ko si Jea. "Wait-wait, let me see muna-" Sinara ko na ang pinto. "Damot mo naman."wika niya at inunahan niya akong buksan ang sumunod na kwarto. "Oooops, my bad. I'm sorry, tuloy niyo na." Hindi ko na tinignan ang loob at inalis ko na ang kamay ni Jea sa sedura at ako na mismo nagsara ng pinto. "Paglock lang ng pinto, di pa nila magawa."saad ko. "Because you cannot lock the door." Tinignan ko si Jea. "Hindi mo alam. This is a wild bar, no privacy. They can f**k everywhere."sabi pa niya. "Edi sana, inalis na nila ang dingding para talagang walang privacy."saad ko naman. Sunod-sunod naming binuksan ang pinto pero hindi ko nakita sila James at Charlotte. Hanggang sa nakarating na kami sa dulong pasilyo. Binuksan ko ang kwarto pero natigil ako dahil mga kalalakihan lang ang nasa loob. Bumaba ang mga mata ko sa mesa. "Is it more wild there?"silip ni Jea sa gilid ko. "Ay boring naman. Walang ganap."sabi pa ni Jea at lumipat na siya sa kwartong nasa tapat. Sinara ko rin ang pinto. "The nerves of these uncultured people!" Unti-unti ako humarap sa tapat na kwarto. Humakbang ang mga paa ko palapit. Parang may bumundol sa dibdib ko nang makita ko ang boyfriend ko kasama si Charlotte. "Bel, why are you here? Sinabi ko na sa iyong 'wag kang pupunta dito sa second floor. Hindi ka talaga nakikinig sa akin." Napatawa ako sa hangin. "Gago, ba't naman ako makikinig sayo?" "Iyang pananalita mo na naman. Hintayin mo na ako sa baba."wika pa niya at kinuha na niya ang damit niya sa gilid. "Yah, Bel. And don't get us wrong. Nag-usap lang kami tungkol sa iyo. Sinabi ko sa kanya na na-suspende ka sa trabaho dahil concern ako sa iyo, lalo na't hindi mo pala pinapaalam sa kanya."wika ni Charlotte sa tonong kaplastikan. Tumawa ako. "Ganito niyo ba ikubli ang kahihiyan niyo? Magpatay-malisya, magiging bobo, ha." "Bel-" Nanlilisik ang mga mata kong bumaling kay James "Tarantado ka."nanggigigil kong saad. Gusto kong sumigaw pero magmumukha lang ako talunan. "Sucking her breast? Pag-uusap 'yon?"nagpipigil kong tanong sa tarantado kong boyfriend. At ramdam kong namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Kung stupid kayo, huwag niyong idamay ang kaibigan ko. Palibhasa ang mga utak niyo nasa baba."sabi na ni Jea sa likod ko-- "Wait lang, diyan nga muna kayo." Lumingon ako kay Jea na hinaharang ang katawan niya sa pintong binuksan ko kanina. "Sabi ng diyan muna kayo."asik na ni Jea. "F*cking bullsh*t! Ba't mo kami pipigilan, eh gusto na naming lumabas!" "Aba! minura ako. F*cking bullsh*t mo rin!" Tuluyang umatras ang mga luha ko. "Palabasin mo na sila, Jea." "No, manigas sila! Minura ba naman ako." Lumapit na ako kay Jea at hinila siya paalis sa harapan ng pinto. Napaatras ako na hila-hila si Jea nang sunod-sunod na nagsilabasan ang mga lalake sa loob. "Oh wait, since nandito narin kayo sa labas. Ipakita niyo nga sa dalawang ito ang tinatawag na nag-uusap talaga katulad ng ginagawa niyo diyan sa loob kanina-" "You talk too much." Nagulat ako ng hinablot sa akin ng isang lalake si Jea mula sa akin "Bitiwan mo nga ako. Sasabunutan ko pa iyang ahas na 'yan."nagpupumiglas na saad ni Jea. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang binitawan ng lalake si Jea. Muntik ng masubsob ang kaibigan ko sa baba mabuti na lang at nahawakan ko siya. "Bwisit kang lalake ka!" Sisipain na sana ni Jea ang lalake pero hinila ko siya palikod. Mas mabuting umalis na kami dito dahil hindi papapigil si Jea hangga't hindi siya makakapaghiganti. Tinignan ko na si James. "Sa totoo lang, ayoko ng makipaggaguhan sa iyo kaya tama na ito." Tumigil na si Jea sa tabi ko. "Tapos na tayo."wika ko. Hahakbang na sana ako paalis nang magsalita siya. "Good, tapos na rin ako sa babaeng nagpapaka-birhen. Hindi ako magkakaganito kundi dahil sayo. Pinupunan ng ibang babae ang pagkukulang mo sa akin." Napa-iling na lang ako at tumingin ako sa kanya. "Wag mong isisi sa akin ang mga ginawa mong kasalanan. Wala akong pagkukulang sayo, sadyang hayok ka lang talaga sa babae." Binitiwan ko si Jea at tuluyan akong humarap kay James. "At hindi ako nagpapaka-birhen. Kaya kong ibigay ang sarili ko sa lalake kahit unang kita pa lang namin. Alam mo, kahit ako, napapatanong minsan kung bakit hindi ko 'yun maibigay sa iyo." Tumitig ako sa mga mata niya. "Pero ngayon alam ko na ang sagot. Hindi ko naibigay sayo dahil alam ng sarili ko na 'yon ang habol mo kahit pilit ko man na itatago sa utak ko." Humakbang ako palapit sa kanya. "Alam mo, sa kabila ng mga narinig ko tungkol sa iyo, mas pinili kong pagkatiwalaan ka." Mapait akong ngumiti. "Hindi mo alam kung ilang beses kitang pinagtanggol sa sarili ko, sa mga ginagawa mo sa likod ko. Pero ngayon gabi, ewan ko ba, ayoko ng gawin. Marahil, napagtanto ko ng hindi mo talaga alam magmahal at magpahalaga ng babae." Bumaling ako kay Charlotte. "Ilang ulit na bang may nangyari sa inyo? Ni minsan ba, pinangakuan ka niya ng kasal? Sinabi ba niyang hihiwalayan niya ako?" Umismid siya sa akin. "He did, multiple times. Ako lang ang pumipigil sa kanya na hiwalayan ka dahil nakakaawa ka." Humakbang siya palapit sa akin. "Isang probinsyana na pilit sinisiksik ang sarili dito." Ikinuyom ko ang kamay ko. "At ngayong nasuspende ka na sa trabaho, bumalik ka na sa lugar niyo. Hindi ka nababagay dito." Ngumisi naman ako. "Gaga, kung babalik ako sa amin, huhuliin kita at isasama. Maraming gubat sa amin, nandoon lahat ng ka-uri mong ahas-" "How dare you!"hiyaw niya at tinulak ako. Bumangga ang likod ko sa matigas na dingding- Lumingon ako dahil naramdaman kong may humawak sa bewang ko. At nanlaki ako nang mapagtanto kong hindi pala sa dingding tumama ang likod ko kundi sa katawan ng isang estrangherong lalake. Bumaba ang mga mata niya sa akin. Madilim at malalim ang titig niya nang magtama ang mga mata namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
139.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
94.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
47.9K
bc

The Sex Web

read
148.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.1K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
37.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook