Kabanata III: Sa Kwarto Niya

1643 Words
Isabel Tinignan ko ang mga katulong nang mag-usap-usap sila ng tahimik sa tabi ko. "Saan natin siya ilalagay?"rinig kong tanong ng isa. "Eh hindi ko alam." "Ngayon lang naman tayo nagkaroon ng bisita." "Dun kaya sa quarter natin?" "Bisita tapos dun sa atin mo ilalagay." Nailagay ko ang kamay ko sa sentido ko. "Excuse me. Hindi niyo kailangan na bigyan ako ng kwarto. Pwede na sa akin ang sofa'ng 'yun."saad ko sabay turo sa mahabang sofa na nasa living room. "Ang kailangan ko lang damit."dagdag ko. Natigil ako at tumingin ako sa labas, naaninag ko kaagad ang mga kalalakihan na nasa paligid at armado silang lahat. Nag-aalinlangan na ako sa lugar na ito. "Ma'am, walang damit na pambabae..." Bumalik ang tingin ko sa mga katulong. "Damit niyo? Hiramin ko na lang."sabi ko na. Gusto ko ng maligo at magpalit dahil may mga dugo sa damit ko. "Uniporme lang namin ang mga damit namin, ma'am."sagot ng isa. "Pantulog?"nagbabaka-sakali kong tanong. "Pare-pareho kami ng pantulog, okay lang ba, ma'am?" Napanganga ako. Pati pantulog nila, nagmistulang uniporme narin. "Ayos lang-" "Ba't nandito ka? Sino nagdala sayo dito sa taas?" Napalingon ako at tinignan ko ang lalake na kalalabas lang mula sa elevator. Kung hindi ako nagkakamali ito 'yung Eloy. "Bisita siya ni Sir Axel." "Bisita? Eh hindi ko nga kilala."wika ni Eloy. "Dapat ba na alam mo para masabi talagang bisita."sagot naman ng isang katulong. "Garette, ako ang assistant at driver ni Sir Axel. Walang makakalapit sa kanya na hindi ako dinadaanan muna." Napatango naman ang lahat maliban sa akin. "Pero sabi ni Sir Javier, bisita daw siya ni Sir Axel." Bumuntong-hininga ako. Magsasalita na sana ako para itama pero naunahan na ako ni Eloy. "Hindi sila magkakilala ni sir. Ikaw 'yung babae sa bar na nahuli mo 'yung boyfriend mong linoloko ka diba?"pagkukumpirma na ni Eloy. Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya pero tumango ako. "Eh paano ka nakarating dito, ma'am?"tanong ng isang katulong. "Iniligtas niya si Sir." Si Eloy ulit ang sumagot. Tumango na lang ulit ako. "Iniligtas?"ma-isyu-sang tanong ng mga katulong. "May sumaksak kay Sir Axel sa bar na pinuntahan namin tapos nagkandahiwa-hiwalay kami. Tapos siya ang nakita ni sir, pumasok sila sa isang kwarto-" "In short-" Puputulin ko na sana ang pagkukwento ni Eloy pero tinuloy niya. "Tumagal sila dun, tapos nang lumabas sila, naghahalikan sila." Nangangalaiti akong tumingin kay Eloy. "Saan mo naman napulot ang kwento na 'yan?"tanong ko. "Sa cctv ng bar."sagot ni Eloy. Gumalaw ang kilay ko, ang bilis nilang kumalap ng impormasyon. Napa-isip ako sa ideya na hindi pipitsugin na grupo ito. Walang kasiguraduhan ang buhay ko dito. Hangga't nandito ako sa lugar na ito, maaaring nasa panganib ang buhay ko. "Teka lang."biglang sabi 'nung Garette kaya tumingin ako sa kanya. "Ang ibig sabihin, hindi bisita si ma'am, kundi inuwing babae ni sir Axel." "Hay naku Gretta, iyon nga ang paraan nila para makalabas sila sa bar."sagot ni Eloy. "No, inuwi talaga ako ni...Axel. Sinabi niya sa akin na iuuwi niya ako." Nagsitinginan silang lahat. "Imposible."saad ni Eloy. "Napanood mo 'yung cctv, diba." "Pero-" "Hay naku Eloy, lalake si Sir Axel. Anong akala mo, katulad mo?" "Aba Gretta, personalan na tayo dito." Hindi na pinansin nung Gretta si Eloy. "Dun tayo sa taas, ma'am."wika niya sa akin. "Huh?"tanong ko. "Sa kwarto ni Sir Axel kayo tutuloy, ma'am."sagot ni Gretta. Nag-aalinlangan akong tumingin kay Eloy pero sumunod din ako kay Gretta. Luminga-linga ako sa pasilyo habang tahimik kong sinusundan si Gretta. "May panahon ka pa na sabihin sa kanila ang totoo."tabi sa akin ni Eloy. Umismid ako. "Ba't ba ayaw mong maniwala na inuwi nga ako ng boss mo?" "Walang interes si Sir Axel sa mga babae. Alam ko na ginawa niya 'yun para makatakas sa gustong pumatay sa kanya." Bumagal ang paglalakad ko at bumaling ako kay Eloy. "All right, tama ka, para makatakas nga siya sa mga gustong pumatay sa kanya. Pero ginamit niya ako."wika ko. "Dapat lang na gamitin ko rin siya para makaligtas din ako."dagdag ko pa. "Kung tutuusin, utang sa akin ng boss mo ang buhay niya. Ito na lang ang maibibigay niyang kapalit."saad ko pa tsaka rin ako humarap. "Pero dapat mong malaman na ayaw na ayaw ni Sir Axel na may pumapasok sa kanyang kwarto." Tuluyan na akong huminto sa paglalakad. "Kung ayaw niya, dapat mabuhay siya at palabasin ako sa lugar na ito ng ligtas." Ang lalakeng 'yun ang dahilan kung bakit ako nandito, siya lang din daan para makalabas ako sa lugar na ito. Kaya habang nakaratay siya dun, dapat na maging ligtas ako. "Binalaan kita." Hindi ko na pinansin si Eloy at nagpatuloy na ako sa paglalakad. "Dito na tayo, ma'am." Huminto si Gretta sa tapat ng pinto. "Na kay Eloy ang susi ng pinto, ma'am." "Sigurado ka na dito."sabi ulit sa akin ni Eloy. "Buksan mo na."sabi ko lang. Dinukot na ni Eloy ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pinto. "Ipaghahanda ba kita ng pagkain?"tanong ni Gretta. Bumaling si Eloy Kay Gretta, ngumiti siya at tumango. Umirap na lang ako sa hangin. "Hintayin na lang kita sa baba."wika pa ni Gretta. Napa-iling na lang ako. "Sure na sure ka na ba talaga?"tanong ulit sa akin ni Eloy pagkabukas niya ng pinto. "Oo nga, para sa kwarto lang, may utang na loob pa kaya siya sa akin."saad ko at pumasok na ako sa loob. Kaagad na linibot ng mga mata ko ang buong kwarto. Tugmang-tugma ang kwartong ito sa lalakeng 'yun. Combination ng itim at cream color ang interior design ng kwarto. Minimalist lang din ang kagamitan sa loob. Tumingin ako kay Eloy nang sumunod siya sa loob. "Bantayan mo na lang 'yung boss mo sa operating room."saad ko na nang maglagay siya ng mga unan sa kama. "Nakalabas na siya sa operating room. Ililipat na siya dito." Nanlaki ang mga mata ko. "What?" Tinapunan lang ako ng tingin ni Eloy tsaka niya pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga unan sa kama. "Gising na ba siya?" "Hindi pa, kaka-opera pa lang ni sir." Tumigil si Eloy at tinignan ako. "Binalaan na kita kanina." "Malay ko bang dito niyo siya ilalagay." "Eh saan naman namin ilalagay si sir kundi dito sa kwarto niya." Nakagat ko ang labi ko. "Sa baba na lang ako-" "Matapos mong sabihin sa lahat na inuwi ka ni Sir." Umupo ako sa kama, "Eh paano naman kase, ang dami niyong guwardiya sa labas."saad ko "Guwardiya sila ng mga gustong pumasok sa mansyon. Aba siyempre, protektado iyong mga nasa loob." Inilagay ko ang kamay ko sa sentido ko. Mabilis akong tumayo mula sa kama nang may kumatok na sa pinto. Nagtungo si Eloy sa pinto at binuksan ito. Nasa isang tabi lang ako habang inililipat nila 'yung boss nila sa kama mula sa stretcher. "Pindutin mo na lang ang intercom, ma'am, kapag gumising na si sir Axel."paalala ng doctor. Tumango naman ako. Nagsilabasan na ang mga doctor at nurse. "Pag may ginawa kang mali kay Sir Axel, hindi ka na makakalabas dito ng buhay." Matabang kong tinignan si Eloy. "I know that well." Nagdududa parin na tumingin sa akin si Eloy bago siya lumabas. Bumuga ako ng hangin matapos kong isara ang pinto. Bumaling ako sa lalakeng nakahiga sa kama. Lumapit ako at pinagmasdan siya. Hindi ko maipagkakaila na nagtataglay siya ng gwapong mukha at matikas na katawan. I gulped as the memory of him on top on me rushed through my mind. His palm kneading my breast and his lips on my skin. Isabel! You crazy woman, you're in a lion's den! Mabilis kong iniwas ang mga mata ko. At dali-dali akong humakbang patungo sa bathroom ng kwarto. Pumasok ako sa loob at mabilis kong sinara ang pinto. Papasok na sana ako sa shower room nang maalala kong hindi pa pala ako nakahiram ng damit sa katulong. Lalabas na ulit sana ako pero hindi ko rin tinuloy. Kung bababa ako, hindi ko alam kung sino ang makakasalubong ko sa labas ng kwarto. Matapang akong tao pero kung nandito ako sa ganitong klaseng lugar na may mga armadong kalalakihan, hindi uubra ang tapang ko. Binuksan ko ang cabinet tsaka ko kinuha ang towel at bathrobe. Deretso akong naligo. Pagkatapos kong naligo, isinuot ko na ang roba at lumabas sa shower room. Natigil ako ng tumapat ako sa salamin. Napamura na lang ako nang makita kong may tatak ang roba. Axel! Nagtagal ako sa loob ng bathroom, nagdidilang-anghel na matuyo na kaagad ang damit ko. Pero lumabas din ako nang maramdaman ko ang pagod at antok ko. Sinipat ko muna ang lalake sa kama bago ako nahiga sa sofa ng kwarto. Sana paggising ko, wala na ako sa lugar na ito. Gumalaw ang kilay ko ng maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako sabay istretch ng katawan ko. "Ano bang oras na? Late na ba ako?"natanong ko sa sarili. Tinignan ko ang wall clock ng kwarto ko- Natigil ako nang maalala kong wala pala ako sa kwarto ko. Deretsong dumako ang mga mata ko sa lalakeng nasa kama. Nasa kwarto niya ako. Lumapit na ako sa kama at tinignan siya. "Hindi pa ba ito gising?" Tinignan ko ang orasan sa bedside table niya. Pero bagkus na sa orasan ako tumingin, sa picture frame na nasa tabi nito dumako ang mga mata ko. Sa larawan ng dalawang bata na nasa pagitan ng babae at lalake, masasabi kong family picture ito. Dadamputin ko na sana ang frame ng may pumigil na kamay sa akin. Tumingin naman ako dito, gising na gising na siya. Kaagad kong pinindot ang intercom. "Buhay na- I mean gising na ang boss niyo-" Hinatak niya ang braso ko at pinahiga ako sa kama tsaka niya ako kinubabawan. "What the hell are you doing here?"mabagsik niyang tanong sa akin. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa braso ko at madilim na mga mata ang pinupukol niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD