Kabanata II: Kamay mong Nakakapit

1437 Words
Isabel Wala akong tinig nang pwersahan nila akong pina-upo sa likod ng sasakyan, tabi ng bwisit na lalake. Tumingin ako sa mga lalakeng nasa harapang upuan. Sa mga kinikilos nila, tiyak akong sindikatong grupo ito. Kailangan kong maging maingat sa ikikilos ko kundi patay ako sa kamay nila. "Bilisan mo ang pagmamaneho Eloy."utos ng lalake na nasa driver seat. Napahawak ako sa gilid ng pinaharurot talaga ng lalake ang sasakyan. Bumaling ako sa katabi ko nang uminda siya. "Hoy kayo, mamamatay na itong kasama niyo." Liningon ako ng tatlong kalalakihan. Nginuso ko iyong sugat ng katabi ko. Dali-dali silang tumayo, naiharang ko ang dalawa kong kamay nang magsiksikan sila para tignan siya. "Sir, konting tiis na lang." "Sir, malapit na tayo." "Sir." Nanggigigil ang ngipin ko habang inuurong ko ang sarili ko dahil naiipit ako sa kanila. "Wait nga lang!"bulyaw ko sa kanila. "Ako na ang papatay nitong boss niyo!" Madilim ang mga mata nilang bumaling sa akin. "Ang ibig kong sabihin, ako na dito. Balik na kayo sa upuan niyo."wika ko at pumeke ako ng tawa. "Ibigay niyo sa akin ang first aid kit niyo." Nagsitinginan sila. "First aid kit daw." "Kunin mo 'yung first aid kit." "Wala tayong dalang first aid kit." Bumuntong-hininga ako. "Jusko, sindikatong walang alam pala ang mga ito."mahina kong sabi sa sarili ko. "Pero kaya naming pumatay." Umirap ako sa hangin nang marinig ko ang boses ng katabi ko. "Ako na bahala sa kanya." Nagsibalikan naman sila sa kanilang upuan. Tinignan ko naman na ang boss nila. Dinapo ko ang palad ko sa sugat niya. "Nasa bingit ka na nga ng kamatayan, nagagawa mo pang magbanta." "Magagawa ko rin na isama ka." Humugot siya ng malalim na hininga. "Sa kamatayan."nahihirapan niyang dagdag. Tagaktak ang pawis niya at mabibigat ang linalabas niyang hininga. "Till death do us part daw."rinig kong bulungan ng mga tauhan niya. Maikli akong tumawa, "Gusto talaga nilang mamatay ka."saad ko. Hindi siya sumagot at pinikit niya lang ang kanyang mga mata. Dali-dali ko namang tinapik ang pisngi niya. "Hoy-hoy, wag mong ipikit yang mga mata mo." Dumukwang ako at bumulong sa kanya. "Kung mamamatay ka, tiyak akong papatayin din nila ako."mariin kong saad. Hinawakan ko 'yung pisngi niya. "Imagine mo 'yung milyong-milyong perang papasok sa bulsa mo."sabi ko para mabuhayan siya ng loob. Nanatili nakapikit parin ang mga mata niya. Yinugyog ko ang kamay niya. "Ayaw mo bang maghiganti dun sa lalakeng sumaksak sayo?" Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. "Nandito na tayo." Mabilis akong tumingin sa labas. Papasok kami sa paloob na parking lot. Sa tulong ng mga ilaw, mas luminaw sa akin ang lugar. Underground! Diyos ko! Mahal mo pa ako diba? Tumambol ng malakas ang dibdib ng puso ko nang tumigil na ang sasakyan. Pagbukas nila ng pinto ng sasakyan, ilang ulit akong napalunok. Una nila akong pinababa. May naka-abang kaagad na stretcher sa labas ng sasakyan, may doctor at nurse din. Mabilis ang kanilang mga kilos. Kaagad nilang nailagay ang lalake sa stretcher. "Sir Javier, ano pong gagawin namin sa babae?" "Idala niyo na siya sa investigation room." Investigation room? Tinignan ko ang tatlong lalake na lumalapit na sa akin. Hindi na ako nagprotesta ng hawakan ng isa ang braso ko. Wala rin naman akong magagawa kaya susunod na lang ako sa kanila- Natigil ako nang maramdaman kong may humahawak sa damit ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay. Gulat na gulat ako ng makita ko yung boss nila na nasa stretcher ang nakahawak sa damit ko. "Sir Javier."tawag na ng isang tauhan sa isa pa nilang boss. Lumapit naman yung Javier at tinignan kung anong nangyayari. Matapos niyang tignan ang kamay ng lalake, tumingin siya sa akin. Nagkibit-balikat naman ako. "Axel, kami ng bahala sa babae. Dadalhin ka na nila sa operating room." Pinilit tanggalin nung Javier ang kamay ni Axel sa damit ko pero hindi niya matanggal-tanggal. Matalim na ang tingin sa akin nung Javier, nagkibit-balikat lang ulit ako. "Kuhanan niyo siya ng piring sa mata."utos 'nung Javier. "Sir, kailangan na nating idala sa operating room si Sir Axel." Wala ng nagawa 'nung Javier nang itulak na nila ang stretcher, sumabay naman ako dito dahil hawak-hawak parin 'nung Axel ang damit ko. Maingat akong tumingin sa paligid nang tuluyan kaming pumasok sa loob. May investigation room at may doctor at nurse, hindi naman ito hospital. Anong klaseng lugar ito? "Kung ako sa iyo, hindi na ako titingin sa iba't-ibang panig ng lugar na ito." Bumaling ako dun sa Javier. "Bakit?"tanong ko. "Kada tingin mo, mababawasan ang panahon mo sa mundong ito."sagot niya. Pagak akong tumawa. "Grupo ba kayo ng mga nagbabanta ng buhay ng tao?"may sarkasmong tanong ko. Tinignan niya ako. "Pag binantaan ka namin, tiyak na mamamatay ka talaga."seryoso niyang sagot. Tumikhim ako at umiwas na ako ng tingin. Naisama ako sa loob ng operating room dahil hindi parin binibitawan 'nung Axel ang damit ko. May mga ibang medical staff sa loob. Mabilis ang kanilang mga kamay, nailagay nila kaagad ang lahat ng apparatus at naihanda narin nila ang kanilang gagamitin. Lumuwag na ang pagkakahawak 'nung Axel sa damit ko nang maturukan na siya ng anesthesia. "Maaari ka ng lumabas."utos sa akin ng isa. Tumango ako. Sigurado akong mapupunta na talaga ako dun sa tinatawag nilang investigation room paglabas ko dito. Bahala na! Nadatnan ko sa labas 'yung Javier. "Nasaan dito 'yung investigation room niyo, ako na mismo ang pupunta."saad ko. "Sa paraan ng pagkakahawak sa iyo ni Axel, malamang ayaw niyang mapunta ka sa investigation room." Sumandal ako dingding. "Dapat lang, ako ang nagligtas sa kanya."wika ko. "Kung ikaw ang nagligtas sa kanya, dapat pinakawalan ka na niya kanina at hindi ka pinasama dito." Bumaling ako dun sa Javier. "Ako nga ang nagligtas sa kanya. Hindi mo alam kung anong hirap ko para mailabas siya sa bar."galit ko ng saad. "Malamang may atraso ka sa kanya." "Siya ang may atraso sa akin."bulyaw ko. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa operating room. "Javier." Tumingin ako sa gilid, may babaeng humahangos na lumapit sa amin. Sinipat ko mula ulo hanggang paa ang babae, naka-business attire siya, mahaba at kulot ang buhok niya, siguro'y nasa mid-forties na siya. "Kamusta si Axel?"nag-aalalang tanong ng babae. "Mabuti, Tita." Nasapo ng babae ang bandang puso niya. "Mabuti naman."saad ng babae. Kapagkuwan, tumingin siya sa akin. "Ikaw 'yung babae na ayaw daw bitawan ni Axel kanina?" "Siya nga, Tita." Tumingin ako dun sa Javier dahil siya ang sumagot. "Oh really."namamanghang tumingin sa akin ang babae. "What's your name, iha?" "Isabel."sagot ko. Malalim na napatitig sa akin ang babae. Pero ilang sandali lang, ngumiti din siya. "Such a beautiful name."wika ng babae. Sa kanyang boses, nakaramdam ako ng panlalamig. "Javier, ilagay mo na siya sa taas."utos ng babae kay Javier. Taas? As in, langit? Maganda ang babaeng ito pero brutal naman pala. "Tita-" "Bisita siya ni Axel. Treat her properly. Okay?" Ah, mukhang iba ang pagkaka-intindi ko. Tumango si Javier sa babae. "Nice to meet you."nakangiting sabi sa akin ng babae tsaka ito tumalikod. "Javier, pagkahatid mo sa bisita, kumilos ka na sa dapat mong gawin."utos ng babae bago ito naglakad palayo. "Hindi ko alam kung maswerte ka na Isabel ang pangalan mo." Naguguluhan naman akong tumingin kay Javier. "Anong ibig mong sabihin?" Bumuntong-hininga lang siya. "Tara."sabi lang niya. Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Javier. Paglabas namin sa pasilyo, dumeretso kami sa elevator. Tumingin ako sa numero ng elevator. Nasa underground nga ako kanina. Pagtunog ng elevator, lumabas na si Javier, sumunod naman ako. Muntik ng umawang ang labi ko nang makalabas ako sa elevator at makita ko ang maluwang na living room ng lugar. Nakakamangha ang chandelier sa matayog nilang kisame. Mamahaling kagamitan ang nakikita ko sa bawat gilid ng lugar. At ang hindi kinakaya ng mga mata ko, ang engrandeng staircase nito. May mga katulong din na sumalubong sa amin. "Good evening, sir Javier."yuko ng maids dun sa Javier. "She's a guest of the mansion."pagbibigay-alam ni Javier tapos tumingin sa akin. "Ang kauna-unahang bisita ng mansyon." Sa totoo lang, hindi ako natuwa sa sinabi niya, mas naging pagbabanta sa akin ito. "Siguraduhin niyo na maayos ang kanyang pamamalagi dito or else malalagot kayo kay Axel." Tinignan ko ang mga katulong dahil mabilis silang tumalima sa utos ni Javier. "Maiwan na kita dito."wika ni Javier at pumasok na ulit siya sa elevator. Sinundan ko naman siya ng tingin. "Enjoy your stay here."dagdag pa niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagkibit-balikat lang siya. Pagsara ng pinto, humarap na ako sa mga katulong. "Maligayang pagdating, ma'am."wika nila sabay yuko din sa akin. Napahawak ako sa batok ko. Kung panaginip ito, pakigising ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD