Kabanata I: Labi sa Labi

1754 Words
Isabel Binitawan rin ng lalake ang bewang ko at naglakad paalis. Sinundan naman siya ng mga kalalakihan. Pero nahagip ng mga mata ko ang isang lalake sa likod na hinawakan ang patalim na naka-ipit sa kanyang pantalon. "Ang dapat sa inyo bini-video eh." Tinignan ko si Jea, kinuha na niya ang kanyang cellphone at tinatangkang kuhanan ng bidyo ang dalawa pero inagaw ko ito sa kanya. "Tara na, umuwi na tayo."turan ko kay Jea. "What? Ganun-ganun lang. Dapat sana sasampalin mo muna itong ahas na ito." "Hindi na kailangan, halika na-" Isang nakakabinging putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar. Segundo lang, nagsilabasan ang mga nasa loob ng mga kwarto. Isang putok ulit ng baril ang yumanig hanggang sa nagsunod-sunod na. Nag-uunahan na ang lahat sa pagbaba kaya't nagkagulo na. Nagulat ako mabilis na pumasok si Jea sa loob at kinuha ang mga damit ng dalawa. Tsaka siya lumabas at hinila ako. Nakipagsiksikan kami sa mga taong gustong bumaba na. Tinanaw ko ang first floor. Kinabahan ako dahil nagiging mas delikado na ang lugar, nagkakastampede na. "Jea, umatras na muna tayo, hindi tayo makakahinga nito kung ipagpipilitan natin-" Tumingin ako sa tabi ko pero hindi ko na makita so Jea. Mabilis ko siyang hinanap sa mga tao. "Jea!"tawag ko. Pilit akong dumadaan kahit masikip at nagtutulakan na ang mga tao. "Jea-" Natigil ako dahil nakaramdam ako ng likido sa palad ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko, nakadapo ito sa katawan ng isang lalake. Tinignan kong mabuti ang likido sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong dugo ito! "Gumilid kayo kung ayaw niyong mamatay na!"rinig kong sigaw ng kung sino malapit sa hagdan. Hinila ako ng lalake papunta sa dulo ng pasilyo. "Bitiwan mo ako!"utos ko pero hindi siya natinag at hinila lang ulit ako. "Sabing bitiwan mo ako!"hiyaw ko sa kanya. Napasinghap ako ng hinaklit niya ang braso ko at isinandal ako sa malapit na pinto. "Tumahimik ka."mahina pero nanggigigil niyang utos. "Gago ka, sa nangyayari sa paligid, sa tingin mo tatahimik ako." Tumingin ako sa gilid at natanaw ko ang mga kalalakihan na parang may hinahanap. "Nandito siya-" Tinakpan niya ang bibig ko at hinila ulit ako papasok sa isang kwarto. Tinulak niya ako sa kama. Napalunok ako ng lumapit siya sa akin. "Anong akala mo hindi ka nila mahahanap? Walang lock ang pinto."wika ko kahit unti-unti na akong linulukob ng takot. "Alam ko."sagot niya at hinila ang kumot sa tabi. Nagulantang ako ng ibinalot niya ito sa kanyang sarili kasama ako. "Walang hiya ka!"hiyaw ko na sa kanya sa nanginginig kong boses. "Sabing tumahimik ka!" Tinulak ko siya pero mas malakas ang kanyang mga kamay na ikulong ako sa bisig niya. "Nandito siya-" Sinakop niya ang labi ko at siniil ako ng halik. Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang ginalugad ang labi ko. Hindi ko maiwasang ipikit ang mga mata ko ng gumapang ang mainit niyang palad sa balat ko. Para bang binabalot ako ng init ng kayang palad. Bumaba ang labi niya sa leeg ko. At hindi ko alam pero para akong nahihipnotismo sa dampi ng kanyang labi sa balat ko. Mariin ang pagkakapikit ng mga mata ko. Nawawala ako sa tamang pag-iisip. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kapag dumadampi ang kamay ni James sa balat ko, halos manindig balahibo ko kaya hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit nagugustuhan ko ang ginagawa ng estrangherong lalakeng ito. Tuluyan na akong nawala sa tamang pag-iisip ng ilislis niya ang tube dress ko at sunggaban ang korona ko, sinipsip niya habang ang isa'y piniga niya. "Ohhhhh."hindi ko na mapigilang umungol. My mind was already occupied with his rough lips. Nanlamig ako ng biglang bumukas ang pinto. "Boss-" Hinawakan ko ang buhok niya para patigilin siya pero tumahip ang dibdib ko ng tinaas niya ang ulo niya at bumulong sa akin. "Moan."utos niya. "Hell no."mariin kong tutol. Naramdaman ko ang pagdapo ng isa niyang kamay sa undie ko. Suminghap ako ng haplusin niya ang p********e ko. Kahit may tela sa pagitan, ramdam na ramdam ko ang kamay niya. Sinimulan niyang inikot ang daliri niya sa ibabaw ng undie ko. "Ummmmm."pigil kong ungol. Humigpit ang pagkakahawak ko sa buhok niya, hindi ko alam kung pinapatigil ko o gusto kong mas higit pa dun ang gawin niya. "Lintik! Isara mo na nga 'yan!" Ang akala ko titigil na siya pero pinagtapat niya ang mga ulo namin at at siniil ulit ako ng halik. Tinugon ko ito na walang pag-aalinlangan. Naging mapusok at mainit. Napa-igik siya kaya tumigil ako. Bumaba ang mga mata ko. Itinulak ko siya para maka-upo dahil nagiging gripo na ng dugo ang sugat niya. Kitang-kita ko na ang sugat niya dahil wala narin siyang pantaas na saplot. Itinakip ko ang palad ko sa sugat niya. Tumingin ako sa paligid ng pwede kong gamitin para takpan ang sugat niya. Nagulat ako ng hilahin niya ang kumot at kinagat ito. Gamit ang kamay niya pinunit niya ito. "Ako na."sabi ko at kinuha ko na sa kanya ang tela. Mas lalong dudugo ang sugat niya kung gagalaw pa siya. Binalot ko na ang tela sa sugat niya. Napa-igik ulit siya ng hinigpitan ko ang pagkakatali sa kanyang sugat. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin, kinuha ko ang damit ko at tumalikod sa kanya. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Bago pa ako makatayo mula sa kama, hinawakan niya ang kamay ko. "Ilabas mo ako dito ng buhay at walang nakaka-alam."mariin niyang utos. Bumaling ako sa kanya at hindi ako mapaniwalang tinignan siya. "Isa ka rin talagang tarantado eh no."gigil kong sabi sa kanya. Marahas kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Once you leave this room, my men will find you and kill you."pagbabanta pa niya. Umismid ako. "Bago mo pa sila mautusan, patay ka na."saad ko sabay baba ng tingin ko sa sugat niya. "Tinakot mo pa ako."dagdag ko pa. Deretso niya akong tinignan sabay dukot ng kung ano sa suit niyang nasa tabi. Kumunot ang noo ko ng makitang kong may hawak na siyang cellphone. Saktong tumunog ang cellphone na hawak niya, sinagot naman niya ito. "Maayos ako ngayon. May kasama akong babae. Nakasuot siya-" Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong dumukwang para kunin ang cellphone mula sa kanya. "Strap dress na kulay pula ang suot niya." Binaba ko na ang kamay ko. Bumuga ako ng hangin. "Bwisit talaga, ang malas ko ngayong taon na ito."pagtutungayaw ko sa hangin. Tinaasan niya ako ng kilay, nakakamatay lang naman na tingin ang sinukli ko sa kanya. "Okay, I'll see you there." Binaba na niya ang tawag, walang tinig lang naman ako sa tabi. "Dalhin mo ako sa likod ng bar ng walang nakakapansin." Natawa ako sa hangin. "Sa lagay mong 'yan, sa tingin mo walang makakapansin sa iyo."saad ko. "Kaya nga gumawa ka ng paraan para makalabas ako na walang nakakakita." Tinignan ko siya. "Bobo ka ba? Alangan naman na bulagin ko lahat ng tao na makakasalubong natin." "Why not." Mabagal kong ginilid ang mukha ko sa kanya. Oh God, sindikato yata itong lalakeng to. Tinignan ko ang black suit niya sa tabi. Jusko! Bakit ba ako lapitin ng mga sindikato! "Ano? May naisip ka na bang paraan?" "Ikaw na nga ang nangangailangan, ikaw pa itong atat." Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin. Tumingin ako sa sugat niya. Punyeta talagang buhay 'to, makakasaksi ba ako ng mamamatay sa harapan ko?! Mabilis akong tumayo mula sa kama at binuksan ko ang pinto. Sumilip ako sa pasilyo. Wala ng masyadong tao. Nagsibalikan na yata sa mga kwarto. Bumalik ako sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Dinampot ko ang suit niya at pinasuot sa kanya. Inalalayan ko siyang lumabas mula sa kwarto. Humugot ako ng malalim na hininga. "Anong plano mo?"tanong niya. "Tumahimik ka na lang, ako ng bahala."sagot ko. Pinagdugtong ko ang mga gilid ng suit niya at mahigpit ko itong hinawakan. Tsaka ko inikot ang palad ko sa batok niya at hinila siya palapit. Pinagdikit ko ang labi namin. Pumalag naman siya. "Anong ginagawa mo?" "Wag ka ng umangal, kung gusto mong lumabas ng buhay dito."saad ko. Hinila ko ulit siya palapit sa akin at pinagdikit ko ulit ang mga labi namin. Tsaka ko iginaya ang mga katawan namin na maglakad palabas sa pasilyo. Gumalaw ang labi ko para sakupin ang labi niya para hindi maghiwalay ang mga mukha namin. Dahan-dahan ang galaw namin dahil inaalalayan ko pa siya. Pinaghiwalay ko ang mga labi namin at humugot ako ng hininga. Tsaka ko pinagdikit ulit ang mga labi namin. Ang tanging pumapasok na lang sa utak ko ngayon ay matapos na ang nangyayaring ito sa akin ngayon. "Nahanap niyo na ba?"rinig kong boses. "Hindi pa boss." "Halughugin niyo ang buong bar. Hindi 'yon makakalayo." Nanlamig ako sa narinig kong usapan kaya naibitaw ko ang mga labi ko sa kanya. "Do it properly."anas niya. Tinignan ko siya, namumutla na siya at alam kong nahihirapan na siya. Kinabig niya ako at siniil niya ako ng halik. Bumaba ang isang kamay ko sa likod niya at yinakap ko ang braso ko dito. Ikinapit ko ang isa sa railings ng hagdan. Damn it! Sa hagdan pa lang kami! Narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa baba. Napalo ko siya ng kagatin niya ang labi ko. "It hurts like hell."anas niya. Dinapo ko ang palad ko sa sugat niya, at marahan kong diniin ito. Muli ko siyang hinalikan kahit namamanhid na ang labi ko. Nang makababa kami, naging mabilis na ang kilos ko, iginaya ko siya sa exit sa likod. Mabilis kong hiniwalay ang labi ko ng makarating na kami sa labas. Naghahabol pa ako ng hininga nang makarinig ako ng boses. "Sir." "Axel." Tumingin ako sa dalawang lalake habang hawak-hawak ko parin siya. Kinabahan ako ng makita kong may mga kalalakihan pang lumapit sa amin. Mga sindikato talaga! Bumalik ang tingin ko sa lalake ng humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nanghihina siyang tumitig sa akin. Tumingin naman ako sa mga mata niya- Nagulat ako ng mas humigpit ang hawak niya sa akin. Mukhang hindi na niya nakakayanan ang sakit. Binitiwan ko na siya ng dinaluhan na kami ng dalawa. Sila na ang umalalay sa kanya. Maingat naman akong tumalikod. "Isakay niyo siya."nanghihina niyang utos. Mabilis akong humakbang paalis pero mabilis din akong hinarangan ng mga kalalakihan. Humarap na ulit ako. "Oy, nailabas na kita ng buhay at walang nakakita-" "Take her or else she'll talk more."utos niya bago siya pinasok sa van. Hindi na ako nakapalag ng sinunod nila akong papasukin sa loob ng sasakyan. Malas talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD